Sino Si Magayon?

7 2 0
                                    


Sino Si Magayon?

Ang kabuuan ng kwento ay nabuo sa pamamagitan ng malawak na imahinasyon o ginamit ng may-akda sa hindi makatotohanang paraan dahil ang ilan sa kanila ay totoo. Anumang mga bagay na may hawig sa tunay na pangalan ng tao partikular, ito ay hindi sinadya at nagkataon lang talaga.

Ikalawang Bahagi| Paunang Salita

Dito na magsisimula ang ikalawang bahagi ng kuwento. Dito maaaring masagot ang mga tanong na, "Sino si Magayon?", saan siya nanggaling at bakit siya napadpad sa talipapa? Pati na rin kung bakit siya hindi makarinig noong una at hindi rin makapagsalita.

Ano ang kayang gawin ng tunay na pag-ibig?

Para kay Magayon, kaya nitong ipaisip sa isang tao na maghangad sa mga bagay na imposible at maniwalang mangyayari rin ito balang araw. Na kaya nitong kapitan ang pag-asa niya na balang araw, ang kaniyang sana ay maisasakatuparan din. Na mapagbibigyan ng May-Kapal ang kaniyang natatanging hiling na kaniyang sinambit at tinangay papunta sa kung saan ng hangin.

***

SoFluvius

Trivia: May mga historian na naniniwala na ang pinakasinaunang kabihasnan sa kapuluan ng Pilipinas ay ang Lakanato ng Lawan na pinaniniwalaang sumibol noon pang 1,800 BC. Nasa Isla ng Samar ang di-umano ay lokasyon nito.

Si Magayon at ang Lakan Isug  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon