Kabanata 5

17 2 0
                                    


Si Magayon at
ang Lakan Isug
________________

Kabanata 5

BUONG ARAW na naglagi sa kanila si Kamagong. Walang trabaho sa palayan sila ng kaniyang ama kaya narito ang dalawa na dapat nagpapahinga.

Ngunit tila pursigido si Kamagong upang gumaan ang loob ni Masagana sa kaniya. Pansin niya kasi, lagi na lang siyang iniirapan nito tuwing dumadaan upang maghatid ng pagkain sa ama ni Masagana. Sa totoo lang, matagal na niyang nais ipagtapat ang nararamdaman ngunit naduduwag siya. Sa ikinikikilos pa nitong si Masagana ay tila may malaking disgusto sa kaniya.

Nagbago ang kaniyang isip nang minsang nakuwento kay Adlaw, ang ama ni Masagana, ang tungkol sa kaniyang pagkatao. Halatang namangha ang ka-trabaho niya sa kaniyang lihim. Mayaman siya dahil na rin may ipinamanang lupa sa kaniya ang kaniyang amang dating Lakan ng lakanatong iyon. Sa katunayan ay may sarili siyang sinasakang lupa sa Lawan ngunit dahil mayaman at makapangyarihan, hindi na siya kumikilos man lamang. Tanging pagbibilang ng naani at kita ang kaniyang ginagawa dahil mga tagapagsilbi ng lakanato ang gumagawa ng pag-aani.

Matapos pumanaw ang kaniyang ama, si Lakan Isug na kaniyang kapatid ang pumalit sa pamamahala. Mabuting tao iyon sa lahat. Ang kaso ay araw-araw yata matapos maluklok sa pwesto ay nahilig sa babae at sa kaya nitong ipalasap sa Lakan.

Mas matanda ng ilang taon ang Lakan kay Kamagong. Kaya bilang nakababatang kapatid, wala siyang ibang nagawa kung hindi ang sundin ang utos nito sa kaniyang pansamantalang lisanin ang lakanato. Sabi ay nais nitong iparanas sa kaniya ang matuklasan ang iba pang bahagi ng mundo ngunit batid niyang hindi iyon ang tunay na hangad nito para sa kanya.

Ang tingin niyang dahilan ang pananaway niya sa nakatatandang kapatid na nahihilig sa maraming bisyo. Pambababae, paglalaklak at pagpapausok ng tobako. Wala namang masama roon ngunit tila pagkain na kung gawin ito nun. Nakakalimutan na ang dapat gawin. Dahil siguro sa pangingialam niya ay pinalayas siya ng kapatid.

Ngunit hindi naman iyon pangmatagalan. Pansamantala lamang dahil kahit anong araw niya nais bumalik ay ayos lang naman daw.

Isang bilin pa nito sa kaniya ay nais nitong kung babalik si Kamagong, magdala siya ng babaeng mapapang-asawa at ng isang babaeng para sa kaniyang nakatatandang kapatid.

Bumuntong-hininga siya isang gabi dahil batid niya na kung sino ang nais niyang makasama at ang babaeng tila "alay" sa kapatid niya.

Tinignan niya sa malayo si Magayon. Hindi nakapagsasalita ngunit ang taglay nitong ganda ay tila diwata. Isang diwata na sa tingin niya ay nararapat lamang sa isang dugong bughaw, kay Lakan Isug.

Ang dapat niyang pinoproblema ay kung paano madadala ang dalaga na hindi man lamang nahahalata ang nais niyang mangyari kay Magayon. Ayaw rin niyang magmukhang magdadalawang asawa na tiyak iisipin ni Masagana na pinakamamahal niya. Baka umayaw tuloy ito sa pagpapakasal, bagay na ayaw niyang mangyari.

Ngunit ngayon? Ang problema niya ay paanong iaalay si Magayon kay Isug na sa tingin niya ay hindi nararapat na maibigay lamang sa walang kwentang lalaki na mahilig lamang mag-bisyo.

Nakaaawa naman, kung ganun. Makokonsensya siya at sigurado siya roon. Umiling siya. Hindi ko dapat isipin pa iyon. Nais na niyang makasama ang kaniyang inay at nakababatang kapatid na babae. Naghihimutok na rin ang kaniyang nadamay lang na kapatid na lalaki, si Apitong. Dapat ay kasal na ito sa kasintahan ngunit dahil dinamay sa pagpapalayas ay walang nagawa kung hindi samahan ang kapatid sa kaniyang misyon.

Tama rin naman si Apitong. Nagtatagal na sila at nakababahalang wala sila habang nakaratay sa papag ang nanghihina nilang ama. Oo, nakapang-asawa pa ang kaniyang inay matapos magdalang-tao sa kaniya.

At ngayong gabi ang nais niyang maging pagtatapos ng kaniyang panliligaw kay Masagana, hindi naman dahil sa pagmamadaling makuha ang dalaga kung hindi makauwi na sa kanila.

Saka na niya poproblemahin ang pagdala rin kay Magayon. Ang mahalaga, mapa-oo na niya itong si Masagana.

Naging mas mabilis ang pangyayari na hindi na niya napansin pa ang pagtakbo ng oras. Halos mag-iisang taon na nung sinimulan niya ang panliligaw kay Masagana at ngayon, sinagot na siya nito!

Niyakap niya si Masagana nang mahigpit at inangat sa ere habang sinasambit ang kaniyang pagmamahal sa dalaga. Tuwang-tuwa naman itong si Masagana.

Lumipas man ang halos isang taon, hindi nagbabago ang pagiging masungit ni Masagana. Hindi naman sa nais niya itong mawala sa pagkatao ng dalaga. Mas naiibigan niya pa nga itong si Masagana dahil sa pagiging masungit.

Pero sa loob ng mahigit isang taon, hindi puro saya ang kanilang dinanas. Sa gitna ng kaniyang masugid na panliligaw, nagkasakit ang ama ng dalaga, si Adlaw. Ang sabi ng manggagamot sa kanilang nayon, naging pabaya raw ito sa pagsasaka na kinagalit ng diwata ng pagsasaka. Kaya hayun at natagpuang nakahandusay sa putikan si Adlaw sa gitna ng sikat ng araw.

Matapos ang araw na iyon, hindi na muling nakabangon pa sa pagkakahiga ang naparalisang si Adlaw. Kaya halos si Kamagong ang gumagawa ng gawaing-panlalaki sa kanila sa tulong ni Apitong, ang kaniyang kapatid, at ng musmos na si Dalisay.

Ibinaba niya ang mapapang-asawa at dinikit niya ang noo niya sa noo nito. Tinignan niya nang may namumungay na mga mata ang kaniyang sinisinta. Ngumisi siya.

Si Masagana naman ay halos matunaw na sa pagtitig sa kaniya ni Kamagong. Hindi niya na napigilang ngumiti rin.

Nag-iwas siya ng tingin at pinagtuonan ng pansin ang magandang tanawin. Nasa tuktok sila ng bundok matapos siyang ayain ng binata na magpahangin at maglaan ng oras para sa isa't isa. Naging abala rin si Masagana sa pag-aalaga sa ama at pagtulong sa labada kaya nawalan siya ng panahon kay Kamagong.

Ngayon, kahit sandali, nagkaroon sila ng masayang oras upang damhin ang pag-ibig ng isa't isa.

Salamat kay Magayon na tinutulungan siya sa pag-aasikaso sa kaniyang ama. Hindi pa rin ito nakakapagsalita ngunit marami naman itong nalalaman sa mga bagay-bagay. Alam na nito ang direksyon maging ang pagsasaing, pagluluto at pag-aalaga. Mabilis itong matuto kahit hindi marunong makisalamuha gaya ng ibang tao. Magaling din kasi magkabisado at mahilig manood sa mga pinaggagagawa nilang mag-anak.

Naisip niya na kung sana napunta si Magayon sa mga ginoo o kahit sinong mayaman, na kadalasang marunong magsulat ng baybayin ay sana marunong itong makisalamuha kahit sa ganoong paraan.

Nagkatinginan sila ni Kamagong na magkahawak-kamay na bumababa sa bundok. Kapwa nakangiti ang dalawa dahil sa magkaparehas na sayang nararamdaman.

Ngunit napawi ang kaniyang ngiti nang matanaw si Dalisay na tumatakbo sa kanilang daanan. Tila papunta sa kanila at kung makatakbo, tila kulang ang oras kaya hindi dapat aksayahin.

Sa nakikita niyang pagmamadali ng kapatid na lalaki, nag-aalala niyang nilingon si Kamagong na tila iyon ang nais niya paghugutan ng tatag ng loob at mapawi ang nararamdamang kaba.

***

SoFluvius

Si Magayon at ang Lakan Isug  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon