"Ano ang lakas ng loob mo kanina, ngayon hindi ka naman makalaban!" sigaw ko sa babaeng naghamon ng away sa akin kanina. Nagdala pa siya ng kasama kanina, tapos ako mag-isa lang pero tingnan mo nga naman. Bagsak na silang lahat. Puro kayabangan kasi silang lahat.
"Ang yayabang hindi naman maalam. Cheap girl fights lang naman kaya niyo. Ngayon na nakatikim na kayo ng totoong laban bagsak na kayo," pinunasan ko ang dugo sa may labi ko. Nasampal kasi nila ako kaagad kanina, kaya ayan. Instant putok labi na naman.
"Who told you that you can do this in the school premises?" I heard someone said. Nilingon ko naman siya at napatitig ako sa kaniya. He looks good huh. Hindi siya mukhang nerd sa suot niyang eye glasses. Mas dumagdag iyon sa appeal niya.
"Who are you?"kunot noong tanong ko sa kaniya. Napatingin naman siya ng masama sa akin. What, bakit parang kasalanan ko pa na hindi ko siya kilala?
"Tsk. You clearly didn't attend the briefing earlier. How come you didn't know me?" iling niya. I saw some ghost smile formed on his lips.
"Pasaway ka pa rin," napakunot naman ang noo ko. Pa rin? What does he mean by that? Kilala ba niya ako, sino ba kasi itong lalaking ito? Teacher ba siya? Pero masyado pa siyang bata para don.
"Sino ka ba kasi talaga? Teacher ka ba? Kung oo, irereport ko ang mga babaeng ito. Nagpunta sila dito para bugbugin ako kahit wala naman akong ginagawa sa kanila," walang pakialam kong sabi sa kaniya. Lalong sumama ang tingin niya sa akin. Totoo naman yung sinabi ko eh, kaya lang mali sila ng kinalaban kaya ayan sila tuloy ang nabugbog.
"Bubugbugin ka nila? Sinong maniniwala sa iyo?" tsk, sabi na hindi siya naniniwala sa akin.
"Sabagay, mata mo lang naman kasi ang pinapagana mo. Try to analyze the whole scenario, Sir." I rolled my eyes. Napaka-judgemental ng tao dito. Puro mata ang pinapagana, matuto dapat silang gamitin ang utak nila. Nakakabadtrip.
"Wait, won't you say sorry to them?" pagpigil niya sa dapat na pag-alis ko. Bakit ako mag-sosorry sa kanila? Sila naman ang nag-umpisa. Hindi ko sila papatulan kung hindi sila nanghamon at nang-insulto.
"Why would I? And I don't want to waste my saliva talking to those sleeping person," napangiti naman siya sa sinabi ko. Lol, naloloko na ata ito.
"Because of what you did to them, of course." He smirked pero mukhang hindi naman siya sincere sa mga sinasabi niya. It's like he just wants me to stay with him a little longer. Though, ang assumera ko sa part na 'yan.
Pero ang kapal niya pa ding manghusga na lang bigla dahil sa nakita niya lang. Mukhang fan siya ng 'What you see is what you get' at talagang hindi na niya ako pinagpaliwanag pa. Nakakasuka ang mga taong may ganang ugali.
Hindi ko na siya pinansin pa at tumalikod na ako para umalis. Bahala na siya sa mga babaeng iyan. Puro dada lang naman sila.
Diretso lang ang lakad ko paalis sa likod ng gymnasium, doon kasi nila ako dinala kanina. Pagkaalis ko doon ay diretso na ako sa gate para umuwi, tanghali pa lang ngayon pero dahil first day ngayon ay wala teacher na pumupunta so free cut kami ngayon. Ganon daw talaga dito e, hindi sila ganoon kahigpit.
Sumakay na ako sa taxi at nagpahatid na sa subdivision namin, siguro naman wala si mama doon dahil maaga pa. Hatinggabi naman kasi kadalasan umuwi ang isang iyon, kaya sanay na ako.
At tama nga ako, walang tao sa bahay pagdating ko. Patay ang lahat ng ilaw sa bahay, mukhang siya ang nagpatay dahil tanda ko sa pagmamadali ko ay hindi ko na napatay ang ilaw sa sala at cr namin.
Maliit lang ang bahay namin, sakto para sa amin ni mama.
Umupo na ako sa sofa at binuksan ang TV, kumuha na din ako ng chichirya at juice para may makain habang nanonood. Habang nanonood ako ay narinig kong biglang bumukas ang pinto namin, nilingon ko naman ito na hindi ko na dapat ginawa.
Bumungad sa akin si mama na may kasamang lalaki. Mukhang napansin ako nang lalaki kaya medyo naitulak niya si mama.
"Akala ko ba walang tao ngayon sa bahay niyo?" bulong niyang tanong kay mama habang pasulyap sulyap sa akin. Mukhang hindi napapansin ni mama na bukas ang TV namin.
"Wala nga, bakit ba?" rinig kong sabi ni mama.
Itinuro ako noong lalaki kay mama, pagtingin niya sa akin ay medyo nagulat siya nang makita ako. Inayos niya pa ang sarili niya noong makita ako.
"Bakit ka nandito? Akala ko may pasok ka ngayon?!" gulat na tanong sa akin ni mama. Ngumiti naman ako sa kaniya bago siya sinagot.
"Free cut namin ngayon. Kaya umuwi na ako. Hindi ko naman alam na uuwi ka agad." sagot ko sa kaniya sabay baling na uli sa TV. Hindi ko naman na sila pinansin dahil sanay na ako.
Narinig ko ang yapak nila pataas, mukhang doon nila itutuloy dahil nandito ako. Soundproof lahat ng kwarto dito kaya ayos lang. Sadyang pinagkagastusan ni mama yon. Sabi niya sa akin dati matagal na daw 'yon.
Ilang oras na ang nakakalipas ngunit hindi parin sila nababa, nagluto na ako ng panghapunan namin para diretso kain na lang siya.
Inabot na ako ng hapon pero nakatulala lang ako sa TV namin. Hindi ko na nga naintindihan iyong palabas e. Pagkapatay ko ng TV ay kumain na ako. Nagtira naman ako ng pagkain para kay mama at doon sa lalaki niya. Umakyat na ako sa kwarto para maghanda na para matulog.
---------
BINABASA MO ANG
Revamping Affinity
Romance"The two of us is struck by the lightning. An ill-fated love." Euphemia Iantha Serrano suffered amnesia because of an unknown accident. Since then, she lived quietly with her mother. Her father died even before she got hospitalized. Until she met Pr...