Pagkatapos ng pag-uusap naming 'yon ay naging tahimik na sa sasakyan. Panaka-naka akong tumitingin sa pwesto niya pero hindi talaga nagababago ang ekpresyon ng mukha niya.
He looks mad about something. Baka tungkol pa din 'yon sa pagpapapunta ko sa kaniya sa dinner. Hindi ko naman siya pinipilit, I actually don't want him to go dahil kahit ako naccreepyhan kay mama.
Tahimik siyang tumigil matapos magpark ng sasakyan. Inis kong tinanggal ang seatbelt ko at binuksan na ang pinto para makalabas. Kung ayaw niya sabihin niya na agad. Hindi yung ganito.
"If you don't want to go, then don't. You don't need to give a cold shoulder because of that," inis kong sabi sabay labas na ng kotse niya.
Diretso lang ang lakad ko papasok sa school. Hindi ko na siya nilingon dahil lalo lang akong naapektuhan sa ginagawa niya.
"Badmood?" bungad sa akin ni Theo. Napasimangot lalo ako. Nakapasok ako ng school ng hindi niya man lang sinusundan, tsk. Huwag siyang magpapakita sa akin.
"Hindi naman," pilit na ngiting sabi ko. Ayoko namang maapektuhan sila ng pagkabadtrip ko.
"Sus. Si Alex ba?" tanong niya sa akin. Dahan dahan akong napatango sa sinabi niya. Napatango din siya sa naging sagot ko.
"Anong ginawa niya?" hindi man niya pinahalata but I sense the annoyance in the tone of his voice.
"My mother wanted to invite him for a dinner. Sinabi ko 'yon sa kaniya pero parang napipilitan lang siya. Kaya sinabi ko na kung ayaw niya, sabihin niya," kwento ko.
"Your mother?" gulat niyang tanong sabay baling ng tingin sa akin. Napatango naman ako sa gulat dahil doon.
"Masama nga 'yan," bulong niya pero narinig ko naman. Napakunot naman ang noo ko. Anong masama doon?
"Don't. Don't let him go," seryoso niyang sabi. "Whatever happens, don't let him meet your mother," dugtong niya.
Nakakunot man ang noo ay dahan dahan na akong napatango dahil sa sinabi niya. Napahinga naman siya ng malalim dahil doon.
Anong bang mangyayari kapag nagkita si mama at si Alex?
"Be careful, okay? Ayokong masaktan ka," nag-aalala niyang sabi. Unti unti naman akong napangiti dahil doon.
He's really sweet. Matagal na kaming magkakilala ng isang 'to. And he's always like that.
"Yes, sir!" nakangiti kong tugon sabay saludo pa sa kaniya. Napangiti naman siya at pinisil ang ilong ko.
Napasimangot naman ako dahil doon. How many times do I have to repeat na ayaw ko ng pinapakialaman ang ilong ko?
"Let's go?" aya niya. Tumango naman ako at umangkla sa braso niya. Sabay kaming pumasok sa school. Ang dami pa ngang napapalingon sa amin pero hindi na lang namin pinapansin. I miss my bestfriend, so bad. I miss him.
Bago pumasok sa classroom ko ay naramdaman kong may nakatitig sa akin kaya napalingon ko. There I saw Alex staring darkly at my hands on Theo's arms.
Hindi ko naman siya pinansin at pumasok na lang sa room ko. Bago pa man ako makapasok ay nagpaalam na ako kay Theo. Si Selene lang kasi ang kaklase ko dahil magkaiba kami ng course nila Theo at Andrey.
"Bye," nakangiti kong paalam sa kaniya. Ngumiti naman siya pabalik at nagpaalam na din bago tumalikod at umalis na.
"Ano 'yon?" Selene teased. Napairap naman ako.
"Tsk. Tungkol saan ba yung practice na sinasabi mo?" pag-iiba ko ng topic.
"Practice?" tanong niya. Tiningnan ko naman siya ng masama. "Ah. Naalala ko na."
"May papanoodin practice mamaya," excited niyang sabi. I think I saw hearts formed in her eyes.
"Akala ko naman tayo ang may practice," sabi ko at umupo na sa tabi niya.
"May laro mamaya si Eos. Minsan lang 'yon magkamatch kaya manood na tayo," excited niyang sabi.
Eos is her brother. Masyado kasing seryoso sa pag-aaral ang isang 'yon kaya minsan lang pumayag sa isang swimming match kaya hindi talaga namin pinapalampas 'yon.
Eos was nicknamed as Poseidon dahil siya daw ang hari ng karagatan. Though sa pool ko pa lang siya nakikitang lumangoy. Masyado lang talagang OA ang mga fans. Though gwapo naman kasi si Eos kaya pagbigyan na.
"Fine," masaya ko ding tugon.
Ang ganda naman kasi talagang panoodin ni Eos kapag lumalangoy. Kung hindi lang 'yon kapatid ni Selene, feel ko gagawin niya yung fling. So sad, dahil kapatid niya 'yon. Pero swerte na din dahil ganoon kagwapo ang kapatid niya.
"Mag-fa-fan girl na naman ba tayo mamaya?" ngiwi kong tanong.
Last time na nanood kami inaway ni Selene lahat ng nagtangkang lumapit sa kapatid niya. Akala tuloy nila isa kaming desperadang fan kaya nagkaroon ako ng kaaway dati e. Mostly mga fan ni Eos.
"Of course. Hindi nila deserve si Kuya," seryoso niyang sabi.
Napatango na lang ako. Kailangan ko na ata muling magbanat ng buto. Matagal na noong last na napasali ako sa cat fight.
Tumahimik na kami ng biglang dumating ang teacher namin. Business Management ang kukunin ko since kailangan kong tulungan si mama sa company ni papa.
Wala na akong masyadong balita doon but I think it's stable since, mukhang marami pang time si mama para mag-aliw.
Si Selene naman ganoon din, BS BIO kasi ang kinuha ng kapatid niya. Kaya napilitan siyang kumuha dahil walang magmamana ng kompanya. Though, kayang kaya naman daw ng kuya niya. Mas maganda daw yung graduate.
"Sa labas tayo kumain," aya sa amin ni Andrey pagkalabas nami ng room. Nakabantay na kasi sila doon.
"I brought someone," lalong lumawak ang ngiti niya habang nakatingin sa akin. Napakunot naman ang noo. Does that smile means para sa akin 'yon?
"Tada," masayang turo niya.
Sinundan namin ang pwestong tinuro niya at doon nakita namin si Alex na nakasandal sa pader habang nakabulsa ang dalawang kamay. Nakatagilid siya at nakatitig sa akin.
He looks cool with that poise, no doubt. Pero galit pa din ako sa kaniya. Kaya hindi na ako nagsalita at hinila na si Selene. Sumunod naman sila sa akin.
"LQ?" bulong sa akin ni Selene. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Hindi naman kami, kaya paano magiging LQ?" irap kong sagot sa kaniya. Napanganga naman siya sa sagot ko at biglang tumawa ng malakas.
"Oh girl. Sorry," tumatawa niyang sabi. Napairap naman ako dahil doon. Ang ingay niya talaga.
----------
BINABASA MO ANG
Revamping Affinity
Romance"The two of us is struck by the lightning. An ill-fated love." Euphemia Iantha Serrano suffered amnesia because of an unknown accident. Since then, she lived quietly with her mother. Her father died even before she got hospitalized. Until she met Pr...