"Si mama?" nanghihina ko pa ding tanong.
I actually have doubts that she's alive. But there's a thin hope that she'll be.
Tumungo siya bago sumagot. "Dead on arrival."
Nanghihina akong napatango sa sinabi niya. Scenes of my mother taking her own life flashed on my head.
"Hey? Relax," sabi niya sa akin sabay hawak ng kamay ko. Napatingin naman ako doon. I saw my hands trembling.
"Sorry," sabi niya.
"Tell me everything. Bakit nagkagon? Anong nangyari noon? May relasyon ba kayo ni mama noon? " sunod sunod kong tanong. Gulong gulo na ang utak ko kung ano ba talaga ang nangyari.
I remember my mother said that she loves him. Na hindi niya mahal si papa.
"Will you be okay? I told you, I don't want to stress you." nag-aalala niyang ani. Tumango naman ako. I really want to know.
"First, I want to clear that I don't have any relationship with your mother," he paused.
"Bata pa lang daw sila papa, the man that you saw, magkasama na silang tatlo. Your father and mother then my father. Your mother was diagnosed with schizophrenia ever since. Kaya ingat na ingat sila papa sa kaniya,"
Your mother was diagnosed with schizophrenia ever since.
That part keeps lingering on my mind. Ibig sabihin matagal ng may sakit si mama pero wala man lang nagsabi sa akin.
"She's obsessed with my father. Noong una walang problema si papa hanggang sa nakilala niya si mama. Your mother didn't like that, kaya ginawa niya ang lahat para maghiwalay sila. Pero hindi siya nagtagumpay. Hanggang sa nagkaroon ng party, cliche it may sound pero nabuntis ng papa mo doon ang mama mo. Parehas daw silang lasing noon, kaya hindi napigilan," he said.
That... That was a big blow for me. Akala ko pa naman mahal nila ang isa't isa. I never notice it. Akala ko sa time na aalis si mama busy lang siya sa kumpanya.
"Your mother killed your father. Hindi agad kami nakapagsumbong sa pulis ng mga oras na 'yon. We need concrete evidence kaya nilapitan namin ang mama mo. Busy si papa that time kaya ako ang nautusan niya. The first plan is for me to be friend with you. But then, biglang ikaw yung lumapit sa akin," he paused.
"So I take advantage of that situation. I let you linger on me as I protect you from your mother. Pero nalaman ng mama mo na nagkikita tayo. She thought mawawala ako sa kaniya. Then that happened,"
"I'm really sorry. I know that's wrong pero yun lang ang option namin ni papa noon. We don't want another victim because of your mother," hinging paumanhin niya.
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. All this time, I thought kaya ganoon si mama dahil biglang namatay si papa. I never thought that she will kill him.
My family is so fucked up.
"This is why I told you, I don't want you to remember it quickly. Ayoko ding ikwento dahil alam kong masasaktan ka lang," sabi niya sabay pahid sa may pisngi ko. Hinawakan ko naman ang parteng pinahidan niya. I didn't notice that my tears fell down.
"Si Theo, he knows," sabi ko. Tumango naman siya.
"Matagal na kayong magkakilala ni Theo. At sa kaniya ko din sinabi lahat. So that he can help me," sabi niya.
That's why Theo said never let Priam meet my mother.
"I actually called him. Papunta na daw sila dito," nag-aalangan niyang sabi.
"Sila?" tanong ko.
"Kasama niya ang barkada mo noong tumawag ako. Ngayon lang nila nalaman ang nangyari sa iyo, I was so busy watching over you kaya hindi ko agad sila na-inform," kaya naman pala walang maingay dito.
"I want to talk to your father," sabi ko sa kaniya. Nagulat siya sa sinabi ko pero tumango din siya.
"Sure. I'll tell my father about it," sabi niya. Natahimik kami ng biglang bumukas ang pinto.
Niluwa noon sila Selene, Theo and Andrey. Pare pareho silang hinihingal.
"Guys" alangan kong tawag sa kanila. Nagulat naman ako ng biglang tumayo si Theo at lumapit kay Priam.
"This is for hurting her," sabi niya sabay biglang pinagsusuntok kay Priam.
Nagulat naman kaming lahat doon. I even heard Selene gasped and Andrey cursed.
"Shit, man. Pinsan ko pa din 'yan," rinig kong sabi ni Andrey sabay lapit sa pwesto nila Priam.
Priam just stood there. Inaantay lang niyang matapos si Theo sa ginagawa niya. Hindi siya lumaban hinayaan lang niya si Theo.
Naramdaman ko namang may tumabi sa akin.
"Akala ko kung ano na ang nangyari sa'yo," bigla may yumakapa sa akin kaya napatingin ako sa kaniya. Si Selene pala yung biglang yumakap sa akin.
"I'm okay," natatawa kong sabi sa kaniya. Hindi naman siya sumagot bagkus ay humikbi lang at yumakap pa sa akin.
Medyo nadadanggil niya yung sugat ko kaya napapangiwi ako pero tolerable naman kaya hayaan na.
Biglang may humablot kay Selene. "Yung sugat," galit na sabi ni Andrey kay Selene.
Napatingin naman sa akin si Selene. Noong nakita niyang nakangiwi ako ay napalayo na siya.
"Sorry. Kinabahan lang talaga ako. Hindi ka man lang nagkukwento sa akin. Ganoon pala ang nangyari sa'yo noon," naiiyak niyang ani. Bigla naman niyang niyakap si Andrey na katabi niya.
Gulat ang mukha ni Andrey dahil sa nangyari. I saw his body stiffed because of the sudden embrace. I chuckled because of that. Halata siya masyado e.
"Paano niyo nalaman?" nagtataka kong tanong.
"Theo told us habang papunta kami sa'yo," naiiyak niya pa ding sabi.
How I wish bumalik na lahat ng alaala ko. Feel ko kulang pa din kahit kinuwento niya sa akin.
Nakita ko namang lumapit sa akin si Priam. I saw blood stains in his shirt, mukhang ginamit niya 'yon pamunas ng dugo sa labi niya.
"Tsk. Ang dumi mo na," sabi ko pagkalapit niya. Umupo naman siya sa tabi ko. Lumapit na din sa amin si Theo. Kalmado na siya ngayon.
Hinawakan ko ang labi niyang may konting dugo pa. Nakita ko namang napangiwi siya dahil doon kaya diniinan ko pa 'yon.
"Aish shit," sabi niya at hinawakan ang kamay ko. Napatawa naman ako dahil doon. At least naexplain na niya lahat bago ko pa man maalala lahat. At least some things are cleared pero marami pa din akong tanong na ang hirap hanapan ng sagot.
-------------
BINABASA MO ANG
Revamping Affinity
Dragoste"The two of us is struck by the lightning. An ill-fated love." Euphemia Iantha Serrano suffered amnesia because of an unknown accident. Since then, she lived quietly with her mother. Her father died even before she got hospitalized. Until she met Pr...