"Ano aalis ka? Saan ka naman pupunta, sa lalaking iyon? Bakit, sigurado ka bang tatanggapin ka niya? Akala mo ba kakampi siya sa'yo? Kamamatay lang ng tatay mo, tapos iiwan mo na din ako," usal ni mama habang nag-aayos ako ng gamit ko at nilalagay iyon sa maleta ko.
"Iyon na nga mama e, kamamatay lang ni papa, pero heto ka busy sa mga lalaki mo. Hindi mo man lang ginalang si papa, mahal na mahal ka ni papa, pero anong ginagawa mo ngayon? Para namang mag-iisa ka kapag umalis ako. At saka sino bang may sabing sa kaniya ako pupunta?"
"Saan ka naman pupunta?! Sino bang mga lalaki ang sinasabi mo?" ani mama habang pinipigilan ako sa paglalagay ng gamit ko sa maleta ko.
"Oh, Sorry lalaki mo lang pala. Iisa nga pala 'yon. Bata pa! So disgusting!" I ruthlessly said to her. Naramdaman ko naman ang biglang pagdampi ng kamay niya sa pisngi ko. Napangiti naman ako ng mapait.
I woke up with a heavy feeling again. I think, memories flashed on my dream last night. Pero tungkol lang 'yon sa amin ni mama. I think my mother has a man after my father died, siguro magandang kausapin ko muna si mama. Ayokong mag-away kaming dalawa.
Bumaba na ako pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ko. I really want to confront my mother about my dream, ayoko namang isipin na lang lagi 'yon. I don't care whatever things will be confessed, atleast I get to know the truth, right?
Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang tanong ko kay mama ngayon. She's happily cooking our breakfast. Naghuhum pa nga siya ng mahina, pero dahil tahimik sa bahay ay rinig ko pa din.
"May kailangan ka ba? Kanina ka pang nakatitig sa akin," naguguluhan niyang tanong sa akin.
"Huh?" it seems like napatagal ang pagtitig ko sa kaniya. Her chuckles echoed the whole kitchen. She's really sweet, kahit noon na may nakikita akong kasama siyang lalaki. I don't think my mother can do to that to my father even if he's already dead.
"Mama," napatingin naman siyang muli sa akin.
"Ano ba 'yon?" sabi niya habang naghahalo noong ulam namin.
"May tanong po sana ako," unti-unti kong sabi sa kaniya.
"Ano ba kasi 'yon? Gutom ka na ba? Malapit ng matapos itong niluluto ko," natatawa niyang usal sa akin.
"I think I remember something ma," nabitawan niya ang hawak niya dahil sa sinabi ko. The horror on her face is so visible.
"W-what? What is it?" tanong niya sa akin pagkatapos ay pinatay niya ang kalan at lumapit na sa akin.
"I think we argued before something happens to me, ayon po sa natatandaan ko na nag-aaway tayo tungkol sa paglalayas ko. Tapos po biglang napunta sa topic na mga lalaki niyo," pikit mata kong sabi sa kaniya. She sighed after that.
"Oh that! Nagkaaway nga tayo. The truth is, you want to go to your friend or maybe your boyfriend? Hindi mo kasi talaga nilinaw ang relasyon niyo sa akin. I opposed that plan of yours kaya ka nagalit sa akin," napatango naman ako sa sinabi.
"But what about the 'mga lalaki mo'?" tanong ko sa kaniya. I really want to clear that part. Hindi ko na kailangan malaman kung bakit ako naglayas. I just really want to fix that part para maging okay na kami lalo ni mama.
I can still remember our closeness before my father died. 3 lang naman kasi kami, my mother didn't have a chance na magkaanak muli pagkatapos ko. Kaya nag-iisa lang akong anak. Our family is just simple, nagtatarabaho si papa sa maliit naming company katulong si mama. But, that never hinders our bond. Lagi silang gumagawa ng time para makasama ako.
"It's not true, hija. Natatandaan mo naman siguro na bumagsak ang stock noong biglang namatay ang papa mo. Kinailangan kong makipagkita sa mga kasyoso ng papa mo para tulungan ako. Dahil doon kaya inakala mong may lalaki ako, I never got the chance to explain myself before that happened to you," mahabang lintanya niya sa akin.
I got chills habang nagpapaliwanag siya. Para bang nagsisinungaling lang siya pero, imposibleng gawin ni mama sa amin ni papa 'yon. Maybe, I was really wrong before. Dala na rin siguro ng biglang pagkamatay ni papa kaya pinagdudahan ko si mama, tuwing nakikita ko siya noon.
"Ganoon po ba, Siguro nga nagkamali lang ako noon ma," tango kong sabi sa kaniya. Ngumiti naman siya sa akin at lumapit na muli sa niluluto niya kanina.
"What about that boy, anak? Kailan daw?" tanong niya.
"He's not sure pa daw ma. Titingnan niya pa kung kailan siya pwede," tumango naman siya.
Something shines on her fingertips kaya napakurap ako. As I see it clearly, napakunot naman ang noo. It's a ring, a new ring. Ngayon ko lang nakitang suot niya ang singsing na 'yan. Wala akong natatandaang may suot siyang ganang singsing noong buhay pa si papa.
"Ma, bago ba yang singsing mo?" napaigtad naman siya sa tanong ko na ikinakunot lalo ng noo ko. She seems troubled, nanginginig ang kamay niya habang nakatingin sa akin.
"O-oh this?" sabi niya sabay taas noong kamay niyang may singsing. Napatango naman ako.
"Engagement ring namin ito ng papa mo. Hindi mo ba natatandaan?" kinakabahan niyang sagot sa akin.
Tinitigan kong mabuti yung singsing. I really can't feel any familiarity with that ring. Imposible namang hindi pa niya nasuot 'yon noon.
"Baka nga hindi ko lang matandaan ma," sabi ko sa kaniya. I just shrugged my shoulders and my thoughts. Epekto siguro ng amnesia kaya nagiging makakalimutin ako. I seriously need to remember every details para hindi ganito.
"Yes, yes" hindi pa din mapakaling usal niya sa akin habang hinahawakan yung singsing.
"Owkay," tumatango kong sabi. She's really getting weird all of the sudden. Huminga ulit siya ng malalim at bumalik na pag-aayos ng kakainin namin.
Natapos ang breakfast namin at nagpaalam sa akin si mama na aalis siya. May urgent meeting daw siya ngayon kaya ako na lang ulit mag-isa sa bahay.
I really can't help to think pero nabobother talaga ako sa ginawa ni mama kanina. I mean she can just easily say na engagement ring nila ni papa 'yon pero mukhang siyang nagka-anxiety attack kanina.
Nasa harap ako ng kwarto ni mama. I know this is absurb pero gusto ko talagang makita ang kwarto ni mama. Ever since the accident hindi na ako nakakapasok dito.
I lifted my hands palapit sa door knob. The atmosphere feels chilly right know for an unknown reason. Para namang may lalabas na kung ano dito kapag nabuksan ko ang pinto ng kwarto ni mama. I tried to open it but I heard a click. Mukhang nakalock ang pinto ng kwarto ni mama.
I just sighed heavily at pumunta na sa kwarto ko. Akala ko pa naman mabubuksan ko 'yon. Pero bakit naman maglolock ng pinto si mama e ako lang ang nandito? There's something fishy about that piece of jewelry.
---------
Any thoughts about it?

BINABASA MO ANG
Revamping Affinity
Romance"The two of us is struck by the lightning. An ill-fated love." Euphemia Iantha Serrano suffered amnesia because of an unknown accident. Since then, she lived quietly with her mother. Her father died even before she got hospitalized. Until she met Pr...