ra 8

118 12 0
                                    

"Euphy, anong nangyari sa'yo?" pigil tawang tanong sa akin ni Selene.

Inirapan ko naman siya at umubob muli. Paano ba naman hindi ako nakatulog ng ayos kagabi. I always wake up because lf those weird dreams.

"Bakit ka ba kasi nagpupuyat, alam mo namang may pasok tayo ngayon," natatawa pa din niyang usal sa akin.

"May magagawa ba ako? E sa ayaw pang pumikit ng mata ko," inaantok kong sabi sa kaniya. Hindi ko naman napagilan ang paghikab ko sa harap niya.

"Ano ba kasing nangyari?" aniya.

"Shit happened," pagtatapos ko sa usapan namin.

I can't risk my remaining energy sa pagkukwento. Hindi ako pwedeng makatulog sa klase mamaya. Strikto ang teacher namin mamaya at ayaw niya ng tinutulugan siya ng estudyante niya.

"Fine, fine" irap niyang sabi sa naging sagot ko.

"Gusto mo i-excuse na lang kita? Tapos doon ka na lang matulog sa clinic. Mukhang hindi matatahimik 'yan katawan mo hangga't hindi ka nakakatulog e," concern niyang sabi.

"Pwede naman, mapapagalitan lang ako ni Ma'am mamaya dahil hindi ko mapipigilang hindi makatulog," hikab kong sabi sa kaniya.

Tinulungan naman niya akong dalhin ang gamit ko at hinatid pa niya ako sa clinic. Sinabi na lang namin na masama ang pakiramdam ko para payagan akong matulog sa clinic. Hindi kasi sila papayag na makikitulog lang dahil strictly for patient only daw sila.

"Ako na bahalang magpaalam kay ma'am na nandito ka sa clinic. Wala ng masasabi 'yon," ngisi niyang sabi pagkapwesto ko sa kama. Sinara naman niya ang partition noong kama para walang makakita sa akin bago siya umalis.

Nagising ako ng may marinig na nag-uusap malapit sa tinutulugan kong kama. Hindi ko naman alam kung anong oras na dahil wala akong makitang orasan.

"Naku, Alex. Napakabait mo talaga. Ang tagal na noong huli kang dumalaw sa akin, akala ko nakalimutan mo na ako," nang-aakit ang boses noong babae. Mukhang ito yung nurse na nag-assist sa akin kanina na ang sama kung makatingin. Inggit ata sa beauty namin si ate.

"How could I?" malanding sabi noong lalaki. Nako, mga lalaki nga naman. Kung kanino pumapatol.

"Bakit ka nga pala nandito? Nandito yung babaeng humahabol sa'yo dati. Akala ko tumigil na siya pero nasundan ka pa rin niya pala dito. Hindi ko nga dapat papasukin kaya lang baka mapatalsik ako," mataray na sabi noong nurse.

Sino kaya ang tinutukoy nila? Kawawa naman 'yong girl.

"Where is she?" seryosong tanong noong lalaki. Narinig kong ang paghawi niya sa partition noong mga kama. Malayo ang kama ko sa may desk kaya hindi agad nila ako kita.

"Wait nga, huwag mong sabihing interested ka na din sa kaniya? Akala ko ba you'll never fall sa kaniya? Siguro that girl make gayuma to you. Witch talaga siya. Napakaland- "naiinis na sabi noong babae.

That kind of hurt my ears. Grabeng conyo naman 'yan. Nurse pa naman siya tapos ganan.

"Shut up! Where is she?" galit na tanong noong lalaki doon sa babae.

"D-dulo," nanginginig ang boses noong babae noong sinagot niya ang lalaki. Buti nga sa kaniya, ang ingay ingay niya kasi kitang may natutulog dito.

But wait, dulo daw. E, ako ang nandito. Bobo ba siya? Narinig ko ang mga yabag ng paa noong lalaki habang palapit ng palapit dito. Kinabahan naman ako dahil hindi ko naman siya kilala. Bakit ako ang tinuro noong nurse, wala naman akong alam kung anong pinag-uusapan nila kanina.

Nakapikit ako noong narinig kong bumukas ang partition sa harap ng kama ko. I tried to relax my body and breathing para hindi halatang nagkukunwari lang ako.

"Why are you here?" tanong noong lalaki sa akin. His voice sounds familiar, kanino ko ba narinig 'yon?

"Euphy, I asked why you are here?" he impatiently asked to me. Napamulat naman ako dahil doon, pakialam ba niya kung bakit ako nandito.

Nagulat naman ako sa nakita ko. Si Alex 'yong lalaking nasa harap ko kaya naman pala parang pamilyar yung boses niya.

"May sakit ka ba?" mahinahon niyang tanong pagkamulat ko sabay kapa ng noo at leeg ko.

"Your temperature's fine, so bakit ka nandito?" tanong niya pa muli.

"Why are you here? And what's with that?" I fired back at him.

"Just tell me! Why are you here!" he shouted. Nagulat naman ako dahil doon. Who is he to shout at me like that!

"Alex!" I shouted back. Nagulat naman siya.

"Sorry, just... Just tell me, why are you here?" mas mahinahon niyang sabi. Tsk, bigla bigla na lang siyang nag-bu-burst out ng ganoon.

"Im okay. Inaantok lang ako kaya ako nandito. I seriously need to sleep, kaya no choice ako," mahinahon ko ding sagot. But my eyes shot daggers on him. Napahinga naman siya ng maluwag sa sinabi ko.

"Thank god. Akala ko may nangyaring masama sa'yo, hindi ko na alam kung anong magagawa ko sa sarili ko kapag may nangyari sa'yo habang wala ako sa tabi mo," sabi niya sabay yakap sa akin.

"Oh? Get off me," sabi ko sabay tanggal ng kamay niya sa baywang ko.

Napangisi naman siya sa sinabi ko, "Akala ko di mo na mapapansin."

"Aba't" galit kong sabi sa kaniya. Tumawa lang siya dahil doon.

"Anong oras na ba?" tanong ko sa kaniya.

"It's almost lunch time," sabi niya pagkatingin sa suot niyang relo. He looks like a model noong ginawa niya yon.

"Oh," sabi ko ng biglang tumunog ang tiyan ko. Grabe, nagpaparamdam na siya dahil halos kalahating araw akong tulog. Napatawa naman si Priam dahil doon.

"Let's eat?" aya niya sa akin.

Napaisip naman ako dahil doon. Why would I go with him? We're not that close.

"Nah. Paniguradong inaantay na ako nila Selene," ngiti kong wika.

"I'll just walk with you until we reach there," he added. Alanganin naman akong napatango. Mukhang gusto niya talagang sumama. Bahala na.

Whispers sufaced everytime we walk past by them.

"The bitch's new target is the President?"

"Kita mo naman siguro di'ba? Ang landi niya talaga."

"I also heard na ang sweet daw nila ni Theo sa birthday ni Pres. Tapos ngayon si Pres. naman ata ang balak patusin."

"Tsk. Slut!"

Ilan lang 'yan sa mga naririnig ko mula sa kanila. Sanay na naman ako dahil lagi nilang ginagawa 'yan. I don't know what they can gain from there. Pero siguro ganoon talaga. Mahirap pigilan ang insecurities.

"Euphy!" rinig kong sigaw kaya napatingin ako sa likuran ko.

"Hey!" I said. Lumapit naman sila sa akin. Tiningnan muna nila si Alex.

"Why are you with him?" Selene asked maliciously. Napairap naman ako.

"He offered to walk with me until the canteen. Hinayaan ko na," I shrugged.

Tumango naman siya pero kita kong hindi siya kumbinsido sa sinabi ko.

"Nandoon na daw yung dalawa. Want to go with us?" alok niya kay Alex.

Alex just smiled apologetically. "I still need to euj some errands."

"I don't take no for an answer. So, tara na!" hyper niyang sabi. Hinila niya pa kaming dalawa.

Lumingon naman ako kay Alex at ngumiwi. I mouthed him sorry dahil ganito talaga minsan kapag tinotopak si Selene.

He just smiled at me. Hinayaan na lang namin na hilahin kami ni Selene hanggang sa makaabot na kami sa canteen. Buti na lang at sa 6-seater nakaupo sila Theo. Saktong sakto dahil lima kami ngayong kakain.

--------

Revamping AffinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon