ra 6

160 12 0
                                    

I woke up with a heavy feeling. I can still remember my dream, sobrang nakakaawa nung girl kasi naghahabol siya doon sa boy. Kung anu-ano siguro ang iniisip ko kagabi kaya napanaginipan ko iyon. Though, hindi ko matandaan yung mukha nila. Pero ganoon naman talaga siguro kapag panaginip lang. May mga times na may hindi ka natatandaan.

"Ma, may hindi ka ba sinasabi sa akin tungkol sa pagkakaaksidente ko?" tanong ko.

Nasa dining kami ni mama ngayon at kumakain ng almusal. Hindi ko man matandaan kung bakit hindi na kami nag-uusap ay gusto ko sanang maayos na iyon.

"Ano bang gusto mong malaman?" nagulat man ay nakabawi din si mama.

"Kung bakit hindi tayo nag-uusap?" hindi sigurado kong sagot. Nakita ko namang nagulat pang lalo si mama.

"Simpleng away lang iyon," napakunot naman ang noo ko.

"Paanong away, ma?"

"Huwag mo ng isipin yon. Tapos na iyon, kaya kumain ka na lang diyan," pagtatapos niya sa usapan namin. Napanguso naman ako sa sinabi niya. Bakit ba ayaw niyang sabihin?

"Pero mama, sorry sa kung anuman ang ginawa ko noon. Hindi ko man matandaan iyon, alam kong pinagsisisihan ko na iyon." ngiti kong sabi sa kaniya at sumubo na uli.

Napaangat naman siya ng tingin sa akin. Napatawa naman ako dahil mukha na siyang paiyak.

"Ma, akala ko ba tapos na'yon. Bakit paiyak ka na?" natatawa kong usal sa kaniya. Napangiti naman siya dahil doon at kumain na lang.

Gumaan ang loob ko dahil sa nangyari sa breakfast namin kanina. Mula kasi noong ma-ospital ako ngayon na lang kami nakapag-usap ng maayos ni mama.

"Euphy! Anong nangyari kagabi?" Excited na tanong sa akin ni Selene.

Oo nga pala, naalala ko na naman ang nangyari kagabi. Hindi ko pa din alam kung ano ba ang dapat namin pag-usapan pero mukhang hindi ko na malalaman iyon.

"Euphy? Euphy?! Ano na ateng? Tulala ka na diyan!" rinig kong sabi ni Selene.

"Huh?"

"Sabi ko, ano ng nangyari sainyong dalawa ni Alex kagabi," pangungulit niya.

"Wala," sabi ko. Totoo naman e, naging curious lang ako dahil doon.

"Anong wala? Hindi na kayo bumalik kahapon, paanong walang nangyari?"

"Wala naman kasi talaga. Huwag ka ng makulit, dadating na si maam." pagtatapos ko sa usapan.

Napanguso naman siya dahil sa sinabi ko. Hindi na siya nangulit dahil biglang dumating si maam.

"Teka nga lang, paano mo nalaman na magkasama kami kagabi?" bigla kong tanong pagkatapos namin lumabas ng room.

"Secret," pabiro niyang sabi sabay takbo. Napatanga naman ako sa ginawa.

"Hoy!" natatawa kong sigaw sa kaniya sabay habol sa kaniya.

Napatingin naman sa amin yung ibang nakakasalubong pero dedma na lang. Umabot kami hanggang canteen sa paghahabulan.

Hingal na hingal kaming dalawa pagka-upo sa puwesto nila Theo. Naguguluhan naman silang napatingin sa amin. Nagkatingin naman kami ni Selene dahil doon at napatawa na lalong ikinakunot ng noo ng dalawang lalaki.

"Problema niyo? May marathon na sa school na hindi namin alam?" tanong ni Andrey.

"Kumain ka na lang," sabay namin sagot ni Selene na nakapagpatawa muli sa aming dalawa.

Gulong-gulo ang dalawa dahil hindi namin sinabi kung bakit nagkaganon.

"Pero, paano nga?" pangungulit ko pang muli kay Selene.

"Nakita ko kayo ni Alex. Ngayon ko lang nalaman na nagpapahila ka na," natatawa niyang sagot.

"Bwisit ka, hindi ko nga alam kung bakit niya ako biglang hinila."

"Naku, may patanong-tanong ka pa kung sino yung president kilala mo naman pala," wika niya sa akin sa mapanuring tono.

"Hindi ko nga kilala, okay."

"Asus, sige na. Hindi mo na kilala, kunwari haha" natatawa niyang gatong sa sinabi ko. Naku, bakit ba ayaw niyang maniwala na hindi ko kilala iyon.

"Aish, ang kulit mo!" kunwaring naiinis kong sabi sabay lakad ng mabilis.

Narinig ko naman ang malakas niyang tawa sabay habol sa akin. Nagmustra pa siya ng pag-ma-mouth zip pagharap ko sa kaniya.

Nasa library ako ngayon dahil wala kaming klase. Hindi ko na mahanap kung nasaan si Selene kaya mag-isa ako ngayon. Kung saan saan na naman nagsuot ang babaeng iyon, nako.

"Alone?" biglang tanong ng nasa harap ko. Inaangat ko naman ang tingin sa kaniya at nagulat alo dahil si Alex 'yon.

"Oh, I thought we need to forget everything?" I mocked at him.

"Nakalimutan mo na nga," I heard him mumbled something but I didn't hear it clearly.

"What?" tanong ko sa kaniya. Hindi naman siya sumagot.

"Ano ba kasi ang kailangan mo?" tanong ko sa kaniya. Mahina lang ang boses namin dahil strikta ang librarian dito. Konting ingay mo labas na agad.

"Ah, about yesterday- "

"What happened yesterday?" I cutted him off.

"You really forget it huh," I nodded at what he said.

Siya naman mismo ang nagsabi na kalimutan ko na ang lahat di'ba?

"You're the one who told me," I shrugged.

"Fine," he sighed. I smiled triumphantly.

"What do you really need? Nakikita mo naman siguro ang tingin ng mga babae dito Mr. President," I said to him that made him roam his eyes.

"Oh about that. Don't worry. It's always like that," he arrogantly said.

Umirap naman ako. Ganiyan siguro talaga kapag famous, kumakapal ang mukha.

"Tsk, ang kapal. What do you really need?" I asked.

"Nah. Just want to hangout a bit," he shrugged. Napairap naman muli ako. Mukha ba akong hangout place para puntahan niya?

"So, why are you here?" I bitchily said.

Masyado na siyang abala sa alone time ko. As I roam my eyes, I saw the frequent glances of the students, mostly girls. Nagbubulungan pa sila.

Maybe they're speaking ill of me. Lagi namang ganiyan, konting lapit ko lang sa lalaki nasasabihan agad ako ng malandi. Kahit wala naman talaga akong ginagawa.

Bakit ba sobrang daming insecure na tao sa mundo ngayon? Bakit hindi na lang sila makuntento sa kung ano ang mayroon sa kanila kaysa magsabi sila ng kung anu-ano sa ibang tao. Does speaking ill on a person you hate, makes you a better person?

Alam ko namang hindi lang nila mailakas ang boses nila dahil nasa library kami ngayon. Mahirap na kapag napalabas ka dito, kahihiya ang kalalabasan mo. Mayroon pang iba na kumukuha ng litrato sa aming dalawa.

Mukhang instant famous na naman ako bukas. Ano na naman kayang bagong headline para sa akin, tsk.

Narinig naming tumunog ang cellphone niya kaya hindi siya nakasagot. Kinuha naman niya iyon at kinalikot.

"I need to go," paalam niya. Tumango lang ako. Ano naman ngayon kung aalis na siya?

"You told me to forgot everything. I hope you do it too. Im not comfortable meeting you, Mr. President." I said that made him stop.

"Sorry to disappoint you, missy. But I think I can't do that. You'll be seeing my handsome face for the whole year, I think or maybe forever?" he said. Umirap naman ako at hindi na nagsalita.

Nagpatuloy lang ako sa pagbabasa hanggang sa naramdaman kong umalis na siya sa harap ko.

------

Revamping AffinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon