ra 5

169 14 0
                                    

Am I imagining things or not? Last time I check I didn't drink that much and if I do, I'm a heavy drinker so, why does things like these happened now?

"W-what?" usal ko sa kaniya habang nakatingin sa kaniya. Seryoso naman siyang nakatitig sa akin.

"We need to talk about us," aniya. Napanganga naman muli ako sa sinabi niya.

I don't care if I look stupid right now, pero hindi ko talaga maprocess kung anong sinasabi ng lalaking ito. Imagine, dalawang beses pa lang kaming nagkikita at sa dalawang beses na iyon, wala naman kaming ibang encounter kung hindi iyong mga simple lang.

So, bakit kami biglang mag-uusap tungkol sa aming dalawa, at anong pag-uusapan namin kung sakali.

"Wait, I think you are drunk right now. Ano namang pag-uusapan nating dalawa?" natatawa kong tanong sa kaniya.

It's like I'm giving a 'what-the-fuck-are-you-talking-about' look, dahil iyon talaga ang nasa utak ko ngayon.

"I'm not drunk, okay? I'm serious, I actually have so many questions to ask. The last time that we talk didn't go right and I want to say sorry. I know I fucked up, I regret not realizing my true feelings since the beginning," aniya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

Napaigtad naman ako sa ginawa niya, ano bang sinasabi ng isang ito. Gwapo pa naman siya pero mukhang nahithit ng drugs, tsk sayang.

"Huh? Wait lang, hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, kung dahil ito sa nahuli mo ako dating nakikipag-catfight at nagsabi ng kung anu-ano. Wala na iyon. No hurt feelings. Sanay na ako sa ganoon. Ganoon naman kasi talaga, people tend to close their minds and stay focused on what they can only see," ngiti kong sagot sa kaniya habang pinipilit tanggalin ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko.

He's such a weirdo, hindi na naman kasi talaga bago iyon. Kay hindi na dapat siya nagguilty dahil doon.

"No, not that. Though, I'm still sorry for that too, pero iba ang tinutukoy ko dito. And please I know you already said you're done pero huwag ka namang ganito, don't pretend that you didn't know me," nalulungkot niyang usal sa akin.

I confusedly stare at him, kung hindi naman pala dahil doon, para saan?

"I don't really know you; I just know that you're Andrey's cousin who hosted the party for today, that's all," nakangiti kong sabi sa kaniya.

Malungkot naman siyang nakatitig sa akin. I feel my heart clenched at that sight of him. Hindi ko talaga kayang makakita ng ganan, pero anong magagawa ko? I don't really have an idea of what's going on.

Bigla namang niya akong hinila at niyakap ng mahigpit, "I'm sorry. Please, come back. I really miss you," aniya habang nakabaon ang mukha niya sa balikat ko.

I felt something cold at my shoulder as he places his head there. Nagulat din ako ng maramdamang gumagalaw ang balikat niya.

"Wait, are you crying?" nanginginig kong tanong sa kaniya.

Oh god, wala naman akong ginawa. Nagsabi lang ako ng totoo, bakit naman ganito. Ayoko ng nag-papaiyak ng iba, tapos ganito. And he's a man for Christ sake, hindi ko sinasabing bawal sila umiyak, but it's my first time experiencing this. Hindi ko pa nakikitang umiyak sila Theo at Andrey so, I don't really know what to do.

Hindi siya sumagot sa tanong ko pero hinigpitan pa niya ang yakap sa akin. Inalo ko na lang siya at hinayaang umiyak sa balikat ko dahil hindi ko alam kung anong gagawin.

We just sit there for I don't know how many minutes, hanggang sa tumunghay na siya at pinunasan ang mga mata niya. Hindi pa din ako makagalaw dahil sa nangyari, mukhang Malala talaga ang pinagdaanan niya para umiyak ng ganon, to think na hindi naman kami ganoon kaclose.

"You okay?" tanong ko sa kaniya na ikinapikit at ikinangiwi ko.

What a stupid question, self. You're really great.

Pagkamulat ko ng mga mata ko ay nakangisi na siya. He's really weird, kakaiyak niya pa lang heto siya at nakangisi na saakin.

"I'm alright. Thank you for letting me do that. I just feel like I really need to do that," sagot niya.

Ngumiti naman ako, "No need. Hindi ko naman talaga alam kung anong gagawin ko e. Just make sure next time don't drink too much."

Napangit naman ako sa sinabi, ano kayang dahilan kung bakit siya iniwan noong girlfriend niya mukha naman siyang mabait. Though medyo may pagka-playboy yung itsura niya, mukhang hindi siya yung type na nang-two-two time. Typical playboy lang siguro siya na papalit palit ng babae.

"So, ano ba dapat ang pag-uusapan natin?" tanong ko.

Hindi siya sumagot sa tanong ko. Tingnan mo itong lalaking ito, matapos akong dalhin dito para daw mag-usap, iniyakan lang ako, "Akala ko ba may pag-uusapan tayo? Dinala mo ako dito para doon pero iba naman ang ginawa mo," wika ko.

"Forget it," he said, sabay tayo.

"Wait, iyon lang 'yon?" pagpigil ko sa kaniya. Mukhang may balak na siyang umalis at iwan ako dito.

"Magagalit ka lang sa akin kapag nalaman mo 'yon," sabi niya at naglakad na palayo. Mukhang may balak talaga siyang iwanan ako, paano ako uuwi nito.

"Wait lang, iiwan mo ba ako dito? Paano ako uuwi ngayon?" irita kong sabi sa kaniya.

Ang layo layo ng nalakad namin kanina at hindi ko rin tanda lahat ng iyon. Dala ko ang cellphone ko, but I'm not sure if they're sane enough para masundo ako.

"Just call them. Forget everything that happened," he seriously said. Hindi man lang siya lumingon sa pwesto ko at diretso lang na naglakad papunta sa sasakyan niya.

I just watched his car go as I was left alone.

"What the fuck just happened?" I mumbled.

"Huwag na huwag siyang lalapit sa akin," I hissed.

Makikita niya. Hinding-hindi siya makakalapit sa akin. Ang kapal niyang bigla akong hilahin papunta dito tapos iiwan niya lang ako.

I fished out my phone from my pocket and dialed Theo's number. Buti na lang at hindi pa siya nakakainom ng husto kaya nasundo niya pa ako.

Tinanong niya pa ako kung paano ako napunta doon pero hindi ko na lang iyon sinagot. I don't want to remember what just happend.

At siya na naman mismo ang nagsabi, forget what happened. Tsk, ang kapal talaga.

"How are the others?" I asked Theo.

"Wasted. Kakauwi ko lang sa kanila bago ka tumawag," he said.

"Oh. Driver ka talaga namin," natatawa kong sabi. Umirap naman siya.

"Tsk. Wala na akong magagawa. Alangan namang iwan ko kayo doon. At ikaw naman bigla ka na lang nakarating dito sa park. Lasing ka na ba?" that's my cue to turn my mood.

"Tsk. Wala nga. Ewan ko din kung anong nangyari. But thank you though. Hindi ko alam kung paano ako uuwi sa amin. Masyadong malayo ang park sa bahay namin," I said changing the topic.

Kanina pa siya tanong nang tanong kung paano ako nakarating doon.

"Fine," he sighed. Mukhang nagets niya na hindi ko sasabihin kung paano ako nakapunta doon.

------

Revamping AffinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon