"So? Anong nangyari?" tanong sa akin ni Selene pagkalabas ni Priam ng condo. Her creepy smile is back, ganang-ganan yung ngiti niya sa akin kanina e.
"The usual," sabi ko at tumayo na para makapagsimula na kaming mag-ayos. Sobrang dami pa kasing arte ng babaeng ito kaya hindi pwedeng magpalate kahit na simpleng night out lang ang pupuntahan namin.
Napairap naman siya sa sagot ko, "Paanong 'the usual'?"
"Kumain. Gumala. That's all," wala akong balak sabihin sa kaniya ang tungkol sa nangyari sa park. Mahirap na, madaldal ang isang ito.
"Yun lang?" dismayado niyang tanong. Napatango naman ako at tumawa.
Umupo na ako sa harap ng vanity table niya para makapagsimula na. Nagkalkal naman siya ng mga make up kits niya at nilagay sa ibabaw ng lamesa.
"What do you prefer?" tanong niya sa akin habang inaayos ang mga kit. Napairap naman ako, para namang may alam ako sa ganan.
"Bahala ka na," inip kong sabi. Gusto ko ng magpalit at lumabas dito.
"Okay!" hyper niyang sabi at nagsimula na sa paglalagay ng mga kolorete sa mukha ko.
Light lang naman lagi ang nilalagay niya sa mukha ko, sabi kasi niya ang oa na daw kapag makapal e ayos na naman daw ang mukha ko.
Napatigil siya ng nay marinig kaming cellphone na nagring. Tumayo siya para lumapit na doon sa cellphone namin na nasa kama niya. Nandoon kasi yung bag ko tapos doon din ata niya binaba yung kaniya.
Nakita kong inaangat niya ang cellphone ko. Sino naman kaya ang nagtext?
"The who?" tanong ko habang abala pa din siya sa pagbabasa. Ganon ba talaga kahaba yung text?
"Si Alex ata 'to. Hindi nakasave sa contacts mo e. Pero ang sabi ay susunduin niya daw tayo, just text him when daw," sabi ni Selene sabay tingin sa akin. And again that creepy smile is back.
"Hindi man lang kayo nagtetext?" intrigang tanong niya. Oo nga ano, hindi ko naman kasi hinihingi ang number niya at saka paano niya nalaman ang number ko?
"Yup," I said popping the 'p'. At saka, I'm not really a techie person. Sila mama at yung tatlo lang ang laman ng contact ko.
"Tsk. Wala ka talagang kwenta," sabi niya habang kinakalikot ang cellphone ko. Anong magagawa ko, ganoon talaga ako e?
"Ginagawa mo?" tanong ko habang pinapanood siyang kalikutin ang cellphone ko.
"Reply saka sinesave ko yung number ni Alex. Alex right?" tanong niya, probably asking kung anong gagamitin pangalan. Tumango naman ako.
"Okay," tango niyang sabi habang patuloy pa din sa pagkakalikot noon.
Inaantay ko lang siyang matapos sa pagkalikot noon. Hindi ko na siya pinakialaman dahil lalo lang kaming tatagal. Basta huwag lang siyang maglalagay ng katarantaduhan doon, kung hindi patay siya sa akin.
"Anong sabi?" inip kong tanong. Ang tagal tagal niya. Para siyang nakikipagtext sa boyfriend niya, walanjo.
"Miss ka na daw," sabi niya sabay baba ng cellphone ko at lumapit na sa akin.
"Shut up!" irita kong sabi pero naramdaman ko ang pagpula ng pisngi ko. Napansin 'yon ni Selene kaya lalong lumawak ang ngisi niya.
"Asus. Kinikilig si ateng," tumatawang tukso niya sa akin.
"Magsimula ka na nga!" hindi pa din siya tumitigil sa katatawa. Ohgod, nakakahiya na.
"Yes madame. Para makita mo na ang panginoon mo," tuksong sabi pa niya muli sa akin sabay dampot ng makeup pallet.
Hinampas ko naman siya ng mahina dahil doon. Hindi ko malaksan dahil baka bumagsak yung pallet, sayang mahal pa naman ang isang ganan.
Original kasi ang binibili niyang pallet kaya nakakapanghinayang talaga kapag nasira lang. Mahilig din kasing mangolekta ng mga pang-makeup ang babaeng ito kaya sa kaniya talaga ako nalapit.
Natapos na siya sa pag-aayos sa akin. Tumayo na ako para siya naman ang makaupo at makapag-ayos. Wala naman akong matutulong sa kaniya bukod sa taga-suggest ng magandang kulay na pwedeng gamitin.
Pumasok na ako sa walk-in closet niya at nagkalkal ng masusuot. I ended up choosing a gold V-neck sling backless dress that ended up half of my thighs.
"Okay lang?" tanong ko sa kaniya habang nakatingin sa salamin.
"Yup, it perfectly suits you body girl. Saktong sakto sa mga curves mo. Good choice," sabi niya habang nakathumbs up pa ang dalawang kamay.
Napatawa naman ako at kinuha na lang ang skin tone colored 3-inch heels na nakita ko. Sakto yon sa kulay ng damit ko at sa makeup ko.
Lumabas na ako ng closet, habang siya naman ay pumasok na. Lumabas naman siya matapos ng ilang sandali. She wears a blue velvety spaghetti strap crisscross cutout bodycon dress.
Hapit na hapit sa kaniya yon na nagpapakita ng mga curves niya. Sexy din naman kasi si Selene. Mas maganda ang hubog ng katawan niya kaysa sa akin. Though mas light ang complexion ng balat ko kaysa sa kaniya. Medyo tan kasi siya.
"Ready?" sabi niya sabay kuha ng purse niya. Tumayo na din ako mula sa pagkakaupo ko sa kama at kinuha na ang cellphone ko.
Wala na naman akong ibang ilalagay kaya hindi na ako nagdala ng purse. Pwede ko namang ipahabilin sa sasakyan yung cellphone ko para hindi abala mamaya.
Habang naglalakad kami pababa ay nagsimula na akong i-text si Priam. Napatigil ako ng pagtatype ng makita ang latest na text ni Selene sa kaniya.
I miss her, already.
Miss ka na din daw niya
"SELENE!" inis sigaw ko matapos mabasa yung text. Sinong may sabing miss ko na siya, the heck. Malakas na tawa niya ang narinig ko. She probably know kung bakit ako sumigaw.
You're welcome, girl," balik niyang sigaw sa akin. Inis akong nag-type ng text para kay Priam. Nagreply din naman siya na papunta na.
"Bumaba na tayo," aya ko kay Selene matapos makababa papunta sa sala.
"Nandiyan na daw?" natatawa parin niyang ani.
Inirapan ko naman siya bago sumagot, "Papunta na daw. Huwag na nating paghintayin yung tao."
Tumango naman siya at binuksan na ang pinto. Lumabas naman ako doon. Sumunod siya at tumigil para maglock ng pinto.
Nakarating na kami sa harap ng tower. Tinext ko na din si Alex na nandoon kami para hindi na siya mahirapan. Maya maya ay may tumigil na sasakyan sa harap namin. It's a Porsche, hindi ako familiar sa model but I based it on the logo.
----------
For their dress, you can search them on google.
BINABASA MO ANG
Revamping Affinity
Lãng mạn"The two of us is struck by the lightning. An ill-fated love." Euphemia Iantha Serrano suffered amnesia because of an unknown accident. Since then, she lived quietly with her mother. Her father died even before she got hospitalized. Until she met Pr...