ra 22

102 9 13
                                    

"Be ready," bungad sa akin ni mama pagkabukas ng pinto ko. Hindi pa man ako nakakasagot ay muling nagsara ang pinto.

Napatingin naman ako sa alarm clock ko. 5:00 pm pa lang pero pinaghahanda na niya agad ako. We usually eat dinner at 7.

Maghapon ata akong tumambay lang sa kwarto ko. Since, soundproof nga ang kada kwarto at nakasara ang pinto ko. Hindi ko naririnig ang ginagawa nila.

At saka, ayoko na makita ang ngiti ni mama. Para ako nakakakita ng baliw. She actually looks obsessed with something.

Nagsimula na akong mag-ayos as per my mother's advice. Actually nagpolbo lang ako then liptint dahil wala naman akong alam sa ganon.

I pick a white off-shoulder dress that stop at may mid-thighs. Kinuha ko din ang nakita kong white strap sandals. Hinayaan ko na lang na nakakababa ang buhok ko at naglagay ng isang clip sa right side.

Hindi muna ako bumaba. Aantayin ko na lang si mama na tawagin ako. Ayoko namang sabihin niya na excited din akong makita niya. Though, slight.

Nakaupo lang ako sa harap ng vanity table ko habang hawak ang kwintas na nakita ko kagabi.

"Suotin kaya kita? Baka maalala ko kung kanino ka galing," kausap ko sa kwintas. Tsk, naluluka na din ata ako.

At the end, I still decided to wear the necklace. Bagay naman kaya hindi na ako nagabala lang tanggalin 'yon. It's the only accessory that I wear. Two if the clip included.

Tatayo na sana ako ng biglang bumukas ang pinto.

"Bumaba na daw po kayo," magalang na sabi noong babae. Napakunot naman ang noo ko hanggang sa narealize na naghire si mama ng maid for a day.

Tumango naman ako hudyat para isara niya ang pinto. Huminga muna ako ng malalim. I felt my heart clenched, all of the sudden.

Nagsimula na akong maglakad patungo sa pinto. Every step that I make, I feel my heart clenching. Hindi ko naman 'yon pinansin. Diretso lang akong naglakad palabas ng kwarto ko.

I heard my mother's laugh, as I'm getting nearer on our kitchen. Mukhang nag-eenjoy talaga siya.

Bumaba na ako sa hagdan hanggang sa nakarating na ako sa kusina namin. From there I saw my mother facing me. Nakatalikod naman si Priam sa akin.

There's this stranger besides him na hindi ko matandaan kung kailan namin ininvite. Pero baka kakilala ni mama kaya hindi ko pinakialaman pa.

Napansin kong suot ni mama ang singsing ng tinaas niya ang kamay para batiin ako. She looks like a royalty with that. Nakasuot din siya ng dress. May mga suot din siyang jewelries na hindi nagmukhang OA kahit madami.

"Anak," sabi ni mama habang nakataas ang kamay. Nakangiti naman siya sa akin. Napalingon ang dalawang lalaki sa pwesto ko.

I saw Priam slowly smile as our eyes met. Nakatitig din sa akin yung lalaki. He somewhat resembles Priam sa unang tingin. Pero mahahalata mo din ang kaibahan nila. The guy looks rough compared to the soft features of Priam.

Lumapit naman ako sa pwesto ni mama at humalik sa pisngi niya. Tumayo bigla si Priam at inayos ang upuan ko.

"Thank you," ani ko pagkatapos non. Tumango naman siya at bumalik na sa upuan niya.

"Since you're already here," pagbabasag ni mama sa titigan namin ni Priam. Napalingon naman ako sa kaniya. Nakatingin siya sa akin ng masama at biglang ngumiti noong bumaling sa dalawang lalaki sa unahan namin.

I awkwardly smile because of that. Nakakahiya sa mga nandito.

"I want to start a toast," dugtong niya. Tinaas naman niya ang baso niya kaya tinaas ko na din ang akin. Sumunod naman yung dalawa.

Pagkatapos noon ay nakangiting ibinaba ni mama ang baso.

"I don't want you for my daughter," my mother firmly said na ikinagulat namin.

"Mama," mahina kong banta sa kaniya. Hindi naman niya ako pinansin.

"And of course you already know why," ngiti niyang ani. Bumaling naman siya sa akin at ngumiti. A creepy smile, take note.

"Aria," bantang sagot noong katabi ni Priam. Hindi naman sumagot si Priam pero seryoso lang siyang nakatangin kay mama.

"What?" natatawa sabi ni mama.

"I have the full rights. And when I say I don't. I don't." she darkly said. Diniinan ni mama ang salita niya. Napansin ko din ang paghigpit ng hawak niya sa tinidor.

"Stop interfering on the children. I told you, it's already done." sabi noong lalaki. Napakunot naman ang noo ko. Anong tapos na?

"No!" biglang bulalas ni mama na ikinagulat ko.

"It's not yet done!" sigaw niya muli sabay baling sa akin. Bigla niya akong hinili. Sobrang higpit ng hawak niya sa braso. I actually felt her nails digging in my skin. Napangiwi naman ako.

Biglang napatayo si Priam dahil doon. " Let go of her. Alam mo namang wala siyang natatandaan," pagpapahinahon niya kay mama.

Hindi naman siya pinansin ni mama at tuloy pa din sa paghigpit ng hawak niya sa braso. Pagtingin ko doon ay nakita kong may dugo ng lumalabas.

The man who's with Priam right now, became alert because of that. I tried to shake my mother's hand pero hindi ko talaga matanggal.

"I already told you. Hindi ko kasalanan na ginalaw ako ni Ian! Kasalanan 'yon ng stupidong lalaki!" galit na sabi ni mama. I saw some tears slowly drop from her eyes.

"Alam ko 'yon. Hindi kasalanan ni Ian. Lasing din siya," ani noong lalaki. Napakunot naman ang noo ko. What's with my father?

Lumapit naman sa akin si Priam at biglang tinanggal ang kamay ni mama. Since, hindi inaasahan 'yon madali lang niyang natanggal ang kamay ni mama 'yon.

"Ikaw lang naman ang mahal ko! Bakit kailangang magkaganito?" sigaw ni mama na ikinagulat ko. He loves that man?

What about my father?

Sapo ang balikat, lumapit ako kay mama para pakalmahin siya. Hahawakan ko pa lang siya ng bigla siyang humarap sa akin at bigla akong sinampal. Hindi ko 'yon inaansahan kaya hindi ako nakaiwas.

The sound of a palm that hit a face echoed in the room. Tumahimik ang lahat dahil sa ginawa ni mama. Nakangiwing sinapo ko ang pisngi ko. The sting is the only thing that I can feel.

"Shit," rinig kong mura ni Priam. Bigla may lumapit sa akin at inalalayan akong tumayo. Pagtingin ko ay si Priam 'yon. Nag-aalala siyang nakatingin sa akin.

Hinawakan niya ang pisngi kong tinamaan. He look at there darkly na parang isang kasalanan na mapunta 'yon doon.

"Aria! I said stop! Nakalimutan mo na bang anak mo 'yan?" galit na sabi noong lalaki sabay lapit sa amin.

Pumwesto siya sa unahan namin ni Priam. That looks like he's protecting us.

"Bakit mo ba ako pinapakialaman. Ever since nabuhay ang batang 'yan puro kamalasan na ang nangyayari sa akin. Lagi ko na lang siyang kahati. Bakit ba kailangang buhayin ko pa siya!" Unti unting tumulo ang luha ko sa sinabi ni mama.

From what I heard lasing sila ni papa kaya siya nabuntis. Kaya naman pala bata palang ako ay may gap na sa kanilang dalawa. May time din na bigla akong sinasaktan ni mama noong bata pero hindi ko na 'yon pinapansin. I thought, disiplina lang 'yon. She just want me to be a fine lady.

"Hindi mo siya kahati! Sinabi ko na sa'yo si Euphy ang gusto ng anak ko," seryosong ani noong lalaki.

Napatingin naman ako sa kaniya dahil doon. Does he mean?

------------------

Revamping AffinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon