"Nandito na tayo!" masayang ani Selene habang nasa harap kami ng Mcdo.
Akala ko naman kung saan kami pupunta. At saka sabi niya kikitain daw namin yung greek god ko. Ang cheap naman niya at sa Mcdo niya lang ako dinala.
"Sino ba kasi yung sinasabi mo?" pangungulit ko pang muli kay Selene. Baka mamaya binenta na ako ng babaeng 'to sa kung sino sinong lalaki diyan.
"Basta. Matutuwa ka sa makikita mo," excited niyang sabi sabay hila sa akin papasok. Palinga linga siya kaya sinusundan ko din kung saan pumapatak ang mata niya para makita kung sinong hinahanap namin.
"Ayun!" masayang sabi niya sabay hila sa akin. Nagulat naman ako kaya hindi ko na nasundan kung saan siya nakatingin.
Habang hinihila niya ako ay nakita ko na din ng maayos kung saan kami pupunta. He's a greek god, indeed. Priam Alexius Medina is seating comfortably in a 4-seater table.
Nakatitig siya sa akin habang sumisipsip sa softdrinks na hawak niya. As I scan the whole place, I saw people glancing at him. Meron pang mga teenager na panaka-nakang kumukuha ng picture niya. Tsk, masyado na siyang agaw pansin.
"Ano? Greek god right?" bulong sa akin ni Selene bago pa man kami makalapit. Wala sa wisyong tumango ako sa sinabi niya na nakapagpatawa sa kaniya.
"Naku! Ikaw na girl. Chinat niya ako habang nasa underworld tayo kanina. Gusto ka daw makita, kaya pinagbigyan ko. Mukha kasing may lakad kayo," tuwang tuwa niyang sabi.
"So, ingatan mo tong friend ko ha? Ibalik mo siya sa condo ko ng 7, aayusan ko pa siya dahil may lakad kami sa underworld mamaya. Siya na ang bahalang magsabi kung saan 'yon. Goodbye, Enjoy!" masaya niyang sabi sabay takbo na paalis ng makalapit na kami sa pwesto ni Alex.
"So? Akala ko ba i-te-text mo ako?" tanong ko sa kaniya pagkaupo ko sa harap niya.
"Can't wait. What do you want?" nakangiti niyang alok sa akin. Tsk, hindi niya man lang sinagot ang tanong ko.
"Ikaw na ang bahala. Kakain lang din naman namin e. A snack will do," tumango naman siya at tumayo na. Sumunod naman ang tingin ng mga babae dito sa kaniya. Busog na busog sila sa view ngayon, swerte nila.
Matagal bago siya nakabalik sa pag-order. Madaming babae ang lumalapit sa kaniya pero hindi naman niya pinapansin. Yung iba napapahiya pa pero, todo push pa din sila sa pagpapakilala.
"Here," sabi niya habang inaayos ang inorder niyang pagkain.
Fries and burger lang 'yon, then drinks of course. Ganoon din naman ang inorder niyang pagkain para sa kaniya. Though mas malaki ang size noong burger niya, I guess kulang sa kaniya yung regular size. Tsk, boys and their appetite.
"Bakit mo ba biglang chinat si Selene? Close pala kayong dalawa," sabi ko sa kaniya.
I can taste the bitterness in my last words kahit na pinipigilan ko 'yon. I don't want to sound like a possessive girlfriend.
"Jealous?" he smirked. Narinig ko naman ang mahihinang irit ng mga babae sa paligid.
"Tsk, hindi. Huwag ka ngang ganan. You're attracting too much attention," saway ko sa kaniya.
I honestly want to have a peaceful date with him ( kung date man ito) but with those girls that thing won't probably happen.
"Oh, bawal na ba akong ngumiti ngayon?" ngisi niya pa ding sabi na ikinaani ng irap ko. He's obviously enjoying this.
"Tsk. Bahala ka diyan," irap kong sagot sa kaniya at nagpatuloy na sa pagkain noong fries at burger.
"What will you do? Sorry but I can't do anything about it," he winked at me after that. Napailing naman ako habang nakangiti.
Ang vain niya but what can I do. Totoo naman e. He has this charms that attracts so many girls.
"Kumain ka na nga lang," pairap kong sabi sa kaniya. Ngumisi naman siya at kumain na lang muli. Tahimik lang kaming dalawa kaya rinig na rinig namin ang mga bulungan ng mga babae sa paligid.
"Sino kaya sila?" Secret.
"They look perfect for each other. Nakakinggit naman." Lol.
"Sanol may bebe!" Sanaol nga.
"Tsk. Mas maganda naman ako doon sa babae kaya bakit siya ang kasama noong lalaki!" Oh girl, dream on. Mas maganda pa din ako.
Napatawa naman ako sa mga sinasabi ko sa utak ko.
Napatingin tuloy si Alex sa akin, "What? Something's wrong?"
"Nothing, nakakatawa lang ang sinasabi nila. Matagal ka pa ba diyan? I want to get out of here already," inip kong sabi. Nakakailang din na sobrang daming tao ang nakatingin sa amin tapos ang dami pa nilang side comments.
"Hello, nandito kaming dalawa. Mahiya naman sana kayo sa mga sinasabi niyo. Ako na yung nahihiya e," gustuhin ko mang sabihin ito pero baka makuyog lang ako ng mga babae dito. Kahit naman may kasama ako ngayon, feel ko hindi din namin kakayanin ang dami ng mga babae dito.
Matagal na noong last na sumabak ako sa catfight. Nakakasawa din naman kasi, wala namang kwenta ang mga nakakalaban ko.
"Where do you want to go after this?" tanong niya sa akin.
Napaisip naman ako, wala naman kasi talaga sa plano ko ang magmall kaya hindi ko alam kung saan ako pupunta.
"Don't know. Wala akong maisip na pwedeng puntahan," sabi ko.
"I see, tambay na lang tayo sa park?" alok niya sa akin. Napaisip naman ako, pwede naman. Wala naman talaga ata kaming plano ngayon e.
"Bakit ba sa park mo lagi gustong tumambay?" kuryoso kong tanong. I really want to know the reason why. Hindi ako satisfied sa sagot niya sa akin dati.
"I told you before right? Doon kami unang nagkakilala then she'll always bring me to parks. Malayo man o malapit gusto niya laging puntahan 'yon. Pero wala naman siyang ginagawa, she'll just sit there and watch the kids. Then she'll smile. The kind of smile that makes me fall," nakangiti niyang sabi.
I felt something clenched my heart after that. He really looks like he's really in love na para bang walang makakapagpabago noon.
"Fine, so let's go?" nakangiti kong alok sa kaniya. Tumayo na ako na naging hudyat ng pagtayo niya din.
Sumabay siya sa akin sa paglalakad at naramdaman ko pang nilagay niya ang kamay niya sa bewang ko. Nagiging habit na niya ang pagiging clingy sa akin.
Bago lumabas ay lumingon ako at ngumisi sa mga babaeng nakatingin sa aming dalawa. Mainggit lang kayo diyan, girls. Kitang kita ko kung paano ngumiwi at sumama ang mga mukha noong mga babae dahil sa ginawa ko. Oh girls, sabihin niyo mang mas maganda kayo nasa akin pa din si Alex so sa inyo na ang ganda niyo.
-----------
BINABASA MO ANG
Revamping Affinity
Romance"The two of us is struck by the lightning. An ill-fated love." Euphemia Iantha Serrano suffered amnesia because of an unknown accident. Since then, she lived quietly with her mother. Her father died even before she got hospitalized. Until she met Pr...