Sobra talagang najujustify yung greek god na nickname ni Selene kay Alex. Wala naman siyang ginagawa kung hindi maupo doon sa driver's seat habang nakatingin sa akin at inaaya akong sumakay na pero iba ang naging hatak noon sa akin.
Ang gwapo niya masyadong tingnan. May iba akong nakikita na mukhang driver talaga kapag nasa pwestong 'yon. But with him, para bang kasalanan na napaupo siya doon. Hindi bagay sa kaniya ang magdrive lang. He deserves more than that, for god sake.
"Hey?" he asked me. Napakurap naman ako dahil doon. Masyado akong busy sa pagpuri sa kaniya sa utak na hindi ko namalayan na nasa harap ko na siya.
"Ah yes? Let's go," aya ko sabay lapit na sa backseat kung saan nakaupo si Selene na na may nakapaskil na namang nang-aasar na ngiti. She probably guessed why I was like that.
"Sa unahan ka," pagpigil sa akin ni Alex bago ko pa man mabuksan ang pinto ng kotse.
"Okay," sabi ko. Wala na akong magagawa nabuksan na niya ang pinto sa unahan. And the look on his face adds as a reason for me to seat at the frontseat.
Sumakay na ako sa loob, siya naman ang naglagay ng seatbelt ko bago siya umikot para makaalis na kami.
"Underworld, right?" tanong niya sa akin. Napatango naman ako at nagsimula na siyang magdrive. Malapit lang ang underworld sa condo ni Selene kaya hindi din magtatagal ang byahe.
After some minutes of driving, he parked the car at the parking of the underworld. Maliwanag na dito hudyat na nagsisimula na ang party sa baba.
"Drooling, aren't we?" bulong sa akin ni Selene matapos naming makababa sa sasakyan. Sinamaan ko siya ng tingin sabay kurot sa tagiliran niya.
"Shit," natatawang ani niya. Lumayo naman siya sa akin at nauna ng pumasok sa loob.
Habang naglalakad papasok ay naramdaman kong may humawak sa bewang ko.
"Your dress is a bit short," ngiwing bulong sa akin ni Alex. Pinadaan ko naman ang tingin ko sa suot ko. Ayos lang naman ang haba niya, for me. Mahaba pa nga ito kumpara sa suot ng mga babaeng nakakasalubong namin.
"Okay lang," sabi ko. Hinayaan ko na lang ang kamay niyang nakapatong sa bewang ko. I feel comfortable with it, kaya ayos lang. Unless I feel some discomfort, saka ko 'yon aalisin.
"Tsk, I brought your phone," sabi niya sa akin. Napatingin naman ako sa kaniya. Iniwan ko na nga 'yon para hindi sagabal mamaya pero dinala pa din niya.
"Why? Makakasagabal lang 'yan mamaya kaya nga iniwan ko sa kotse mo."
"Baka mawala e. It's in my pocket so, it's alright," walang pakialam niyang sabi. Diretso lang kaming nakapasok hindi katulad dati na chinecheck pa and other stuff.
"Ang bilis natin," komento ko ng makasakay kami sa elevator. Kami lang dalawa ang nandito.
"They already know me, that's why."
Oo nga pala. Dito pa nga siya nagbirthday noon.
"I heard your friends with the owner," sabi ko.
"Yes. Cymone's a great friend," nakangiti niyang sabi. So, Cymone's the name.
Pagbukas ng elevator ay bumungad sa amin ang isang lalaki. Why am I being surrounded by greek god like human. Seryoso lang siyang nakatingin sa amin na parang bored na bored na siya sa buhay niya.
"Bro," rinig kong bati ni Alex sa lalaking kaharap namin.
Tumango lang ang lalaki at tinapik ang balikat ni Priam at diretso pumasok sa elevator. Lumabas naman agad kami dahil doon.
"Who's that?" nakakunot noo kong tanong habang nakatingin pa rin sa nakasarang elevator.
"That? That's Cymone. The owner that we're talking about," sabi ni Alex.
So that's him? Sino pa ba ang kakilala nitong lalaki ito? Malay mo lahat sila biniyayaan din ng magagandang itsura.
"Oh. Gwapo," out of the blue kong sabi. Napatingin siya ng masama sa akin. What? Totoo naman e.
"Tsk," sabi niya sabay hila na sa akin papalapit sa pwesto nila Theo.
"What? Totoo naman e" natatawa kong tanong sa kaniya.
"Stop," irita niyang ani. Lalong sumama ang timpla ng mukha niya sa sinabi ko.
"Jealous?" bawi kong tanong sa kaniya. Hindi naman siya sumagot. Diretso lang siyang naglalakad pero dahil nakahawak pa din siya sa bewang ko ay nadadala ako kada lakad niya.
"Hey? Answer me?" I playfully asked. His jaw clenched as I tease him.
"Yes, I am." Pinal niyang sagot sa tanong ko. Napatigil ako sa paglalakad dahil doon. Napatingin naman siya sa akin.
"You okay?" he teased. Inirapan ko naman siya at inalis na ang kamay niya sabay lapit na sa pwesto nila Selene.
"Nandyan na pala ang lovebirds," sigaw ni Selene pagkakita sa akin. Inirapan ko naman siya at umupo sa tabi ni Theo since, yun ang pinakamalapit.
"Oh. LQ?" natatawang tanong sa amin ni Selene. Naramdaman ko namang tumabi sa akin si Priam pero hindi siya nagsalita. I heard him talking to his cousin besides him.
"Manahimik ka diyan," sabi ko sabay ambang ibabato ang beer na hawak ko. Nakita ko lang ito sa harap ko. Kay Theo ata 'to dahil kagaya 'yon ng hawak niya.
Umakto naman siyang izinizip ang bibig niya pero kita mong natatawa pa din siya dahil umaalon ang balikat niya.
"Hey," bulong sa akin ni Alex. Napaigtad naman ako dahil naramdaman ko ang hininga niya malapit sa tainga ko.
"Yes?" tanong ko. Lalo siyang lumapit sa akin.
"I am jealous. What will you do?" he smirked. Hinampas ko naman siya dahil doon.
"Wala!" pulang pula na ang pisngi ko dahil sa mga sinasabi niya. Halata mong tuwang tuwa siya base sa ngiti niya ngayon. He enjoyed watching me being embarrassed.
"Problem?" tanong sa amin ni Theo. Nakita kong nagtama ang tingin ni Theo at ni Priam. I can sense the dark aura dahil sa kanila.
"Wala, wala." ako na ang sumagot dahil mukha na silang magsusuntukan dahil sa tiitgan nila. Hindi man lang nila ako pinansin at tuloy pa din sa staring contest nila.
"Baka magkainlaban kayong dalawa diyan ha," walang paki kong sabi sabay inom sa beer na hawak ko kanina pa.
Napansin ko namang nawala na sa harapan ko si Selene. Mukhang nakahanap ng prospect ang babaeng 'yon. Tsk, pati si Andrey nawawala na din.
"Tsk." sabay nilang ani. Since, nakapabilog kami ay kita kong sabay silang nag-iwasan sila ng tingin at sabay ding uminom sa mga hawak nilang alak. Napatawa naman ako dahil doon. They're fun to watch.
----------------
BINABASA MO ANG
Revamping Affinity
Romance"The two of us is struck by the lightning. An ill-fated love." Euphemia Iantha Serrano suffered amnesia because of an unknown accident. Since then, she lived quietly with her mother. Her father died even before she got hospitalized. Until she met Pr...