La Puerte always feels like home for me. I was born here and hopefully I'll die here too. Maliit lang na lugar ang bayan namin.
Although, may mayayaman na tumitira dito. Mostly, mas sarili silang mga hacienda na malalayo sa bayan. Kung mayroon mang malapit mga dalawa o tatlong pamilya lang iyon.
Sabi nila noon ang pinakasentro nga daw ng bayang ito ay ang park. Pabilog 'yon na malaki. Nilalagyan ng peryahan kapag malapit na fiesta o kaya pasko na kinalakihan ko na ding puntahan.
Tricycle at jeep lang ang kadalasang makikita mo sa kalsada. Makakakita ka ng kotse ay puro sarili lang. Hindi katulad sa Manila na ginagamit as taxi and such.
Nandito ako ngayon sa may park. Malapit lang kasi ang mall sa park kaya dito muna ako dumiretso. Maraming tao ngayon dito. May mga nag-pi-picnic pamilya man o magkakaibigan.
May mga batang tumatakbo, kung hindi nakikipag-habulan ay naglalaro ng tagu-taguan. Ang saya sigurong bumalik sa pagkabata.
"You're at it again," napaangat naman ako ng tingin sa nagsalita.
Napairap naman ako ng makitang si Alex na naman 'yon. Magyayabang na naman ang isang ito.
"Oh. Who are you, mister?" I innocently asked. Napakunot naman ang noo niya.
"Tsk. Stop that," I just shrugged then, continues on watching the kids.
What if I'm still a child like them, will I experience having an amnesia again? Natatandaan ko man ang kabataan ko, iba pa din sa pakiramdam na kumpleto ang naalala mo.
Hindi naman kasi talaga halatang may amnesia ako dahil kaya kong ikwento ang kabataan ko. Unless, high school days ko ang gusto nilang ikwento iyon ang hindi ko masasagot.
"Why do you love watching the kids?" he suddenly asked. Napalingon naman ako sa kaniya.
"I just feel like watching them," I shrugged. Hindi ko naman kasi talaga alam kung bakit.
Kapag tumatambay din kami dito ganoon din ang nangyayari, nauuwi lang ako sa panonood sa mga bata.
"I told you, I'm not comfortable with you. Why are you here?" I said.
"Masama na bang tumambay sa park ngayon?" He smirked. Umirap naman ako.
"Nah. Maraming bench pero bakit dito ka lumapit?" tanong ko.
"I just want to," mayabang niyang sabi.
Hindi na ako sumagot. Wala na din naman siyang sinabi pagkatapos noon. Until I felt my head ache.
"Hi...!" bati ng babae sa lalaking nakita niya sa isang bench.
"Ngayon lang kita nakita dito," masaya niyang sabi sabay upo sa tabi ng lalaki. Napaisod naman ang lalaki dahil doon.
"How do you say so?" tanong ng lalaki doon sa babae. Napangiti naman ang babae ng malawak.
"Ito lagi ang pinepwestuhan ko dito at ngayon ko lang nakitang may nakaupo dito," nagulat naman ang lalaki dahil doon.
"Oh, aalis na lang ako," akmang tatayo na ang lalaki ng biglang pigilan siya ng babae.
"Can you stay for a while? Ang boring kasi kapag lagi kang mag-isa," nakangiting usal noong babae.
Pero bakit parang hindi totoo ang ngiti niya? At bakit ko sila nakikita. Ito ang eksaktong bench na inuupuan namin ni Priam ngayon.
"Gusto mong kumain? Tara!" hindi na hinintay noong babae ang sagot noong lalaki at hinila na agad ito sa stall.
The stall looks exactly like the one where we brought our food. It looks exactly like how Priam dragged me to the stall. Ang kaibahan lang ay lalaki ang nanghila at hindi yung babae.
"H-hey," gulat na sabi noong lalaki ng makarating sila sa harap ng stall. Walang pakeng kinuha noong babae ang dalawang cup at namili na.
Pagkatapos noon ay inabot na din niya ang isang punong cup sa lalaki. Hindi makapaniwala ang lalaki sa nangyari. Hindi din niya inabot yung cup mula sa babae.
"Ayaw mo ba?" malungkot na tanong noong babae. Mukhang naawa yung lalaki dahil dahan dahan niya yung kinuha.
"It's just that this is my first time eating this," napatawa naman ang babae dahil doon.
"Halata naman e. Your food looks high maintenance," humahalakhak na sabi noong babae. Napangiti naman ang lalaki dahil doon.
That looks like what I just said about Priam in my mind. They also look like a couple.
"What's your name?" biglang tanong noong lalaki.
"E- "
"Hey, are you okay?" putol ni Alex sa nakita ko. I was about to know the name of the girl at mukhang kasunod na din noon ang pangalan noong lalaki.
"Ah, yes, yes" sabi ko.
Sino kaya ang dalawang 'yon? At bakit bigla ko siyang nakita? Anong kinalaman nila, maybe it's just my imagination. Kadalasan naman ganito ako, bigla akong may nakikitang kung ano.
"You sure?" paninigurado niya pa.
"Yes, may naalala lang ako. Though, hindi ako sure kung alaala 'yon. Maybe, it's just a product of my imagination," sabi ko sa kaniya.
"What is it?" tanong niya.
"Just some random stuff," pagtatapos ko sa usapan naming dalawa. I don't want to recall it again. Those things make my heart pound and ache at the same time.
"Fine," sabi niya. Tumayo na ako para umuwi na. Mahirap na baka kung ano na naman ang pumasok sa isip ko.
"You're going now?" he asked. Tumango naman ako. Obvious naman na aalis na ako dahil tumayo na ako di'ba?
"Can I send you home?" nagulat naman ako dahil doon.
We're not friends nor enemies. We're just merely stranger but he offered to send me home. Is he crazy?
"Why would you?" I asked. Mahirap ng magtiwala kung kani-kanino. We meet but that doesn't justify that he is a good person.
"Hm. Libre pamasahe?" He said unsure.
Napairap naman ako. Tama naman siya pero may pera naman ako para makauwi sa amin.
"Nah. Save it. I'll allow it when we're friends," I said to him then, walk away.
"You really are different now, just like what he said to me," I heard him muttered something kaya napalingon ako.
"What?"
"Nothing. Take care," he said to me.
At least he didn't push me to get on his car again just like the last time. Maybe he's not that bad after all.
Nakauwi ako sa bahay and as usual wala na namang tao. Mukhang busy na naman si mama sa business namin. Although maliit lang 'yon. Pinag-ipunan talaga ni papa 'yon para daw may pagkukunan kami ng pang-gastos.
I really miss papa. Hindi ko matandaan kung paano namatay si papa, actually. Sinabi lang nila na naaksidente si papa noong high school ako. Lumipat din kami ng bahay dahil ayaw ni mama na maalala lahat ng memories doon sa luma naming bahay.
Pero napilitan pa din siyang alagaan yung business na pinundar ni papa. Unless gusto niyang magtrabaho pa di'ba?
-------
BINABASA MO ANG
Revamping Affinity
Romance"The two of us is struck by the lightning. An ill-fated love." Euphemia Iantha Serrano suffered amnesia because of an unknown accident. Since then, she lived quietly with her mother. Her father died even before she got hospitalized. Until she met Pr...