ra 20

104 9 3
                                    

"Aish! Seryoso kasi!" lumakas lalo ang tawa niya sinabi ko. May nakakatawa ba doon? Why does he keep on laughing?

"Seryoso naman ako, destiny tayo kaya familiar ako sa'yo," natatawa niyang sagot sa akin. Tumigil na siya sa pagtawa pero nandoon parin yung ngisi niya.

"Siguro nga," sakay ko sa sinabi niya. Nagulat naman siya doon na naging hudyat ko para tumayo at tumakbo.

"Hey!" sigaw niya sa akin. Nilingon ko naman siya. Nakaturo siya sa akin habang nakanganga. Napatawa naman ako sa itsura niya. That's priceless, boy.

"Goodbye, destiny!" sigaw ko sabay takbo. Tumatawa lang ako habang papalayo sa kaniya. Alam ko namang mahahanap niya din ako kahit na mapalayo ako. Mahahanap ko din siya kahit mawala ako. My mind probably don't remember but my heart says he's my family. He's my everything.

Napatigil ako sa pagtakbo ng maramdamang sumakit and ulo ko. Kumapit ako sa bench na malapit sa akin habang sapo ang ulo ko.

"Hey! Priam...!" kumakaway na sabi noong babae. Malawak na ngiti ang nakapaskil sa mga labi niya habang nakatingin sa lalaki. Samantalang seryosong nakatingin lang ang lalaki sa kaniya but I can see the spark as he stare on her.

"Oh. Why are you here?" tanong noong lalaki sa babae sabay alalay dito. The girl looks exhausted, mukhang malayo ang pinaggalingan niya.

"Gusto kitang makita!" nakangiti ngunit hinihingal na sagot noong babae. Napailing naman iyong lalaki at pinitik ang babae sa ilong.

"Aish, not again!" irita usal ng babae sabay layo sa lalaki. Lalong lumawak ang ngiti noong lalaki sa ginawa.

"So sensitive," natatawang usal noong lalaki sabay abot ng bottled water sa kaniya. Pairap na inabot noong babae ang tubig. But still you can clearly see her struggle in stopping herself from smiling.

"Thanks," sabay tabi niya doon sa lalaki. Napaisod naman ng konti yung lalaki.

"Why are you here, really?"

"I told you, gusto kitang makita."

"Saka nga pala, I want to share something confidential. Hindi ko na talaga alam kung kanino ko ilalabas ito," malungkot na sabi noong babae.

"Hm," pagpapatuloy niya sa sasabihin noong babae.

"Si mama kasi, I really think may lalaki siya. I saw her one time having dinner with some random guy. May nakita rin akong binigay sa kaniya noong lalaki,"

Revamping AffinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon