"Ano 'yon?" seryosong tanong sa akin ni Theo. Nandito kami ngayon ng barkada sa Underworld.
Mukhang natripan nila dito tumambay simula noong party. Kakilala pala nila Andrey yung may-ari kaya dito dinaos yung party ni Alex dati.
"Anong 'ano 'yon?" maang-maangan ko sa tanong ni Theo.
"Tsk. Bakit kayo magkasama noon?" dagdag niya pa.
"Magkasama nino? Si Selene lang naman ang kasama ko."
"Kanina sa labas ng room niyo," napatango naman ako. So, si Alex pala ang tinutukoy niya. Ang dami pang ikot e.
"Oh, Si Alex?" bigla kong usal sabay tingin ng masama kay Selene.
"Sino pa ba?" inip niyang tanong. I pursed my upper lip because of that. Ang laki talaga ng galit niya sa lalaking iyon.
"Iniwan ako ni Selene. At saka, i-te-text niya daw ako."
"Bakit naman niya gagawin 'yon?!"
"Chill. Di'ba mag-uusap kuno daw kami."
"Tsk. Bakit ka ba kasi pumayag," he mumbled.
"Pagbigyan mo na, okay. Usap lang naman. Wala naman kaming ibang gagawin."
Napapout naman siya sa ginawa ko at sumipsip na lang sa hawak niyang juice. Nasa resto bar kasi kami ng underworld since, maaga pa naman.
Napailing naman si Theo sa sinabi ko. Papalapit na sa amin si Andrey dala ang order naming snacks, nauna kasing inabot ang drinks namin.
"So anong meron sa inyo ng pinsan ko?" malisosyong tanong sa akin ni Andrey. Tiningnan ko naman siya ng masama pero tinawanan lang niya ako.
"Wala nga. Paulit-ulit kayo," irap kong sagot kay Andrey. Narinig ko naman ang galit na angil ni Theo sa unahan ko. Napatingin naman ako sa kaniya dahil doon.
"Problema mo?" tanong ko kay Theo. Hindi naman siya sumagot at pinagpatuloy lang ang pagkain ng order niya.
"Nagseselos 'yan," tumatawang bulong ni Selene sa akin. Masama ang tingin na napalingon ako kay Selene.
"What?" Selene playfully asked. Tumataas baba pa ang kilay niya habang nakatingin sa akin.
"Shut up," pagpapatahimik ko sa kaniya. Kung ano ano na ang sinasabi ng babaeng ito.
"Aantayin pa ba nating magbukas ang bar o uuwi muna tayo?" biglang tanong ni Andrey na nagpakinang ng mata ni Selene. Adik talaga sa bar ang babaeng 'to. Basta gala ang usapan g na g.
"Uwi muna tayo. May pupuntahan pa kami ni Euphy," hyper na sabi ni Selene. Napatingin naman ako sa sinabi niya. Saan naman kami pupunta? Hindi man lang niya ako sinabihan kaagad.
"May pupuntahan tayo?" inosente kong tanong. Seryoso, wala talaga akong maalalang may usapan kami para sa araw na ito. Ang usapan lang ay makikichismis siya. Tapos bigla niya akong hinila papunta dito. Tapos biglang magbabar daw kami. At ngayon, gagala pa pala kami.
"Nalimutan mo?" galit na tanong ni Selene sa akin. Napaisip naman ako ng mabuti. Wala talaga akong matandaang may usapan kami.
"May nakalimutan ako?" inosente ko pa ulit tanong. Seriously, ayaw niya pang sabihin agad. Pinag-iisip pa niya ako.
"Aish! Sabi ko naman sa'yo magpapasama ako sa mall. Kakasabi ko lang sa'yo kanina sa sasakyan," iritang sabi sa akin ni Selene. May kasama pa yung kurot na nagpaigtad sa akin.
"Ewan ko. May magagawa pa ba ako?" sabi ko na lang. Mukhang sobra talaga akong preoccupied kanina dahil hindi ko natandaang may usapan kaming ganon.
Hinihimas ko pa din ang tagiliran ko dahil sa kurot ni Selene sa akin. Kita ko naman ang ngisi nung dalawang lalaki dahil sa aming dalawa. Tiningnan ko sila ng masama kaya hindi na sila nakapagsalita.
"So it's settled then? Uuwi na din muna kami ni Theo para makapagpalit. 8pm?" tanong sa amin ni Andrey.
Tumango naman ako. Feel ko naman tapos na kami ng ganoong oras. It's only 2 in the afternoon, may time pa kami para sa gala at pag-aayos.
"Call," cool na sabi ni Theo. Kita ko namang naghehesitate si Selene. Siniko ko naman siya dahil doon at sinamaan siya ng tingin.
"Huwag mong sabihing hindi pa tayo tapos ng ganang oras? Ang haba haba pa ng oras natin bago 'yon! Baka naman balak mo na namang ikutin ang buong mall," irap kong sabi sa kaniya.
The last time na nagpasama siya sa mall, halos ikutin na namin lahat ng boutique pero in the end wala naman siyang napili.
"Fine. Fine," napipilitan niyang ani. Tumawa naman yung dalawa dahil doon.
"Girls stuff," rinig kong ani ni Andrey. Mukhang si Theo ang kausap niya dahil narinig ko ang mahinang pagsang-ayon ni Theo.
"Una na kami!" hyper muling sabi ni Selene sabay hila sa akin patayo.
"Alis na kami," nagmamadali ko ding ani sa dalawa dahil hila hila na ako ni Selene palabas ng bar. Buti na lang hawak ko ang bag ko kaya wala akong naiwan bukod sa pagkain ko. Nakita ko naman ang pagkaway ni Andrey sa amin. Nakatingin lang sa amin si Theo pero medyo nakangiti siya sa akin na sinuklian ko din ng matipid na ngiti.
Nakarating na kami sa sasakyan ni Selene. Nagstart na din siya ng kotse pagka-settle namin.
"Wala ka talagang sinabi, right?" bigla kong tanong kay Selene. Imposible naman kasing wala akong natatandaang may sinabi siyang ganoon. E kanina lang nangyari 'yon.
"Uh yes hehe," ngiwing sabi ni Selene. Sabi ko na nga ba!
"Saan ba talaga tayo pupunta?" inip kong tanong sa kaniya. Bigla namang nag-iba ang mood niya.
Ngumiti siya ng nakakakilabot sa akin at hindi na nagsalita. Buong byahe naming dalawa ay hindi maalis ang ngiti niyang 'yon. I think I got goosebumps because of that. Masama ang kutob ko sa ngiting 'yan.
Tumigil kami sa parking lot ng mall. Medyo nakahinga ako ng malalim dahil doon. At least sa mall niya pa din ako binaba.
"So?" tanong ko kay Selene. Ngumiti pa din siya pagkababa namin at bigla akong hinila papasok sa mall.
"Pupuntahan natin ang prince charming mo. No scratch that- Pupuntahan natin ang greek god mo," tawa niyang sabi habang papasok kami sa loob.
Greek god ko? Who the heck is he?
-------
BINABASA MO ANG
Revamping Affinity
Romance"The two of us is struck by the lightning. An ill-fated love." Euphemia Iantha Serrano suffered amnesia because of an unknown accident. Since then, she lived quietly with her mother. Her father died even before she got hospitalized. Until she met Pr...