ra 12

98 9 0
                                    

Silence enveloped us. Parehas lang kaming nakatingin sa mga batang masayang naglalaro sa harap namin. I wish I could go back to those days.

I wanted to feel that moment again. Being carefree in any aspects. Being able to smile without worries. To speak whatever comes in your mind without minding the consequences. How I wish, I could.

"You already say na dito kayo nagkita. Ano ba talagang nangyari sa inyo ng girlfriend mo?" he shifted on his position because of my question. I'm really curious, he cried to a stranger just because of that girl.

"Girlfriend?" natatawa niyang tanong sa akin. Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. " We're not in a relationship, actually," malungkot niyang dugtong.

Nagulat naman ako dahil doon. I thought sila dahil sa mga ginagawa niya.

"Oh. Sorry," ngumiti lang siya sa sinabi ko. "It's okay."

"I love her, but it's not enough for me to have her," he paused. "Ang tanga ko dahil ginawa ko 'yon. Falling in love with her was never in plan. It should be her, to fall for me. But I guess, karma strikes me so bad."

My heart clenched as he tell his story.

"I want her to be mine pero alam ko ang limitation ko. Alam kong hindi kami pwede. I made a grave mistake to her. I ruined her life," he bowed his head as he continued.

Nakita ko ang unti unting pag-alon ng balikat niya. Nagsisimula na naman siyang umiyak. Dali dali ko siyang niyakap. I felt his body stiffen pero yumakap pa din siya.

"I never had the chance to explain myself. Nawala siya sa akin ng hindi ko man lang nasabi na mahal ko siya. I lost her for good. Hindi ko alam kung mababalik ko pa siya," umiiyak niyang kwento.

Hindi ako nagsalita. I just hug him and comforted him. Tears slowly formed in the corner of my eyes. But I don't want to cry too kaya tumingin ako sa taas para mapigil ang pagtulo. Baka masabahin kami ng kung ano dito kapag pati ako umiyak din.

"Sorry," sabi niya pag-angat niya sa ulo niya. Pugto pa din ang mata niya at mayroon pang traces ng mga luha sa pisngi.

Tiningnan ko kung may panyo ba akong nailagay sa bag ko. Luckily, may nakita ako at ginamit ko 'yon para malinis ko ang mukha niya.

Nakatingin lang siya sa akin habang ginagawa ko 'yon, "What?" natatawa kong tanong. Nakatitig pa din kasi siya sa akin.

"Forgive me," seryoso niyang sabi sa akin. Again, I saw tears forming in the corner of his eyes. Madali ko itong pinunasan. Ang iyakin niya ngayon, grabe.

"Hey. Wala ka namang kasalanan. Bakit ka nagsosorry sa akin?" malumanay kong tanong sa kaniya habang patuloy pa din sa pagpunas ng mukha niya.

"Just... let me say sorry. Kapag naalala mo na, saka mo ako patawarin o kahit hindi. Whatever decision you'll make I'll accept it fully," mahina niyang sabi sabay tungo.

Itinaas ko naman ang mukha niya. What did I do to see this kind of man. Wala siyang paki sa pride niya para lang sa isang babae. Nakangiting mukha ko ang sumalubong sa kaniya.

"I don't want to be a hypocrite, kaya hindi ko sasabihin na mapapatawad ka din niya. Maybe, it'll happen or maybe not. But at least you own up your mistake and beg for forgiveness," nakangiti kong ani. Gumaan ang pakiramdam ko sa hindi malamang dahilan.

Napatango siya sa sinabi ko at hinila ako palapit sa bisig niya.

"You're right. You're always are," mahina niyang ani na para bang para sa sarili lang niya 'yon.

I accidentally landed my eyes on wristwatch. Malapit na pala mag-6 pm.

"Hey, can you drive me home? Kung hindi naman magtataxi na lang ako. You probably need some time alone," sabi ko habang kinakalas ang yakap niya sa akin.

"I'll drive you home," sabi niya sabay tayo na. Tumayo na din ako at sabay kaming naglakad papunta sa kotse niya.

Nakasakay na kami sa kotse niya ngayon. Seryoso lang siyang nakatingin sa daan. Habang ako nakatitig lang sa kaniya. Naituro ko na sa kaniya ang dadaan, pamilyar din naman daw siya sa tower na 'yon kaya hindi na ako nahirapan pa sa pagtuturo ng daan.

"We're here," rinig kong sabi niya pagkatigil namin sa harap ng tower.

"Thank you," sabi ko habang tinatanggal ang seatbelt. Narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya natigil ako sa pagtatanggal at hinanap ang cellphone ko.

Galing kay Selene yung text kaya binasa ko agad.

From: Selene

Bring Alex to my condo. May sasabihin ako. Enjoy your date!

Napakunot naman ang noo ko. Ano naman ang sasabihin niya kay Alex?

"What's wrong?" rinig kong tanong ni Alex.

"Pinapakyat ka ni Selene sa condo niya. May sasabihin daw," nagulat din siya sa sinabi ko. He even shifted on his seat.

"Bakit daw?" nagtataka niyang tanong. I just shrugged my shoulders. Kahit ako hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak ng isang 'yon.

"Okay," napipiliting sabi ni Alex.

Pagkapark niya ay sabay kaming pumunta sa elevator. Hindi niya binigay sa valet ang susi, kaya naman daw niya kaya siya na ang magpapark.

Kumatok na ako ng makarating kami sa harap ng pinto ng condo ni Selene. Rinig ko naman ang daling daling hakbang papalapit sa pinto.

"Ang aga niyo," sabi ni Selene pagkabukas niya ng pinto.

"Something happened," sabi ko na lang at diretso ng pumasok sa loob.

"Balita?" bulong sa akin ni Selene. Nilingon ko naman siya. "Mind your own, girl."

Umirap siya at nauna na sa paglalakad na ikinaani ng tawa ko. Naramdaman ko naman ang presensiya ni Alex sa tabi ko.

"Bakit ba pati si Alex pinaakyat mo?" tanong ko kay Selene matapos naming umupo sa sofa.

"Ah yes. Aayain ko lang sana siya. Pupunta tayo sa bar mamaya di ba. Since kilala mo din naman yung may-ari and may kilala ka din naman sa amin, so I want to invite you. Ikaw ang bahala kung sasama ka," nakangiting sabi ni Selene. Napatingin naman ako kay Alex.

"Sasama ka?" tanong ko sa kaniya.

"Pwede naman," sabi ni Alex sa akin. "I'll go to my house first."

"Ingat ka," sabi ko ng nakatayo na siya para umalis.

"I'll go first," paalam ni Alex kay Selene.

"Tsk. Sige na. Ngayon niyo lang ako napansin dalawa, samantalang ako ang nag-invite," irap na sabi ni Selene. Nagkatinginan kami ni Alex at sabay na napatawa.

----------

Revamping AffinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon