ra 15

93 10 0
                                    

"Napapadalas ata ang pag-uwi mo ng gabing gabi," bungad sa akin ni mama. Hinatid ako ni Alex dahil nagkayayaan ng umuwi. Kami lang dalawa ang magkasama kanina dahil kay Theo na sumabay si Selene dahil out of the way daw ang bahay ko.

"Ah, ma. Nagkayayaan po e," sabi ko habang tinatanggal ang heels na suot.

"Sinong naghatid sa'yo?" tanong niya. Napakunot naman ang noo ko. Nahuhuli ako ni mamang umuwi ng gabi dati pero never niyang tinanong kung sino ang naghatid sa akin.

"Kaibigan lang ma," napatango naman siya sa sinabi ko. Pero nandoon pa din yung tingin niya na parang nagdududa sa sagot ko.

"Pangalan?" tanong niya muli.

Hindi agad ako nakasagot. Nakatingin lang ako sa kaniya. Like seriously, never ko namang tinanong ang pangalan ng mga lalaking inuuwi niya pero simpleng naghatid lang sa akin, tinatanong niya pa.

"Alex. Priam Alexius Medina," simple kong sabi kahit nagdududa na sa mga tanong niyo.

Napaayos naman siya ng upo dahil doon. Lumapit naman ako sa kaniya at umupo sa 1-seater namin sofa habang minamasahe ang binti. Nanakit masyado ang binti ko dahil hinila ako ni Selene na mag-sayaw.

"Medina?" gulat niyang tanong. May dumaang pagkasabik sa mga mata niya pero mabilis itong nawala. Maybe I'm just hallucinating, imposible namang masabik siya kay Alex.

"Uhuh," sabi ko habang patuloy na nagmamasahe.

Kung gaano kabilis sumilay ang ngiti niya ay ganoon din iyon kabilis naalis. Ang weird ni mama ngayon.

"I want to meet him," napatigil ako sa ginagawa dahil doon.

Bakit naman niya gustong makilala yung tao? It's not like nanliligaw sa akin 'yon.

"Bakit naman, ma?" kuryoso kong tanong sa kaniya.

Tiningnan naman niya ako bigla ng masama na ikinatakot ko. Ano bang ginawa ko? It's normal na magtanong kung bakit dahil gusto kong malaman ang dahilan kung bakit bigla niyang gustong makita si Alex. Ni hindi nga niya tinatanong kung sino pang kaibigan ko.

"Gusto ko siyang makilala. Baka mamaya manliligaw mo na 'yon," seryoso niyang sabi.

But the emotion in her eyes says the opposite. Noong sinabi niya iyong manliligaw part, I saw disgust quickly surfaced her eyes pero nawala din ito.

"Okay," napipilitan kong sabi. "Tatanungin ko kung kailan siya pwede."

Masayang tumango si mama. Mabilis siyang tumayo at umakyat na sa kwarto. Naiwan naman ako doong nawiwindang sa nangyari. Maybe, she's really that happy to see the manliligaw daw ng anak niya.

"Tsk. Naluluka na ata si mama," bulong ko sa sarili ko. Tumayo na ako at umakyat na din. Naglinis ng konti sabay palit at diretso ng humiga.

I heard my phone beeped kaya kinuha ko 'yon. Inabot sa akin 'to ni Alex kanina. Muntik ko na ngang makalimutan.

I'm home.

Simple niyang text na nakapagpangiti sa akin. At least tinupad niya yung sinabing niyang magtetext siya pagkarating.

Okay. Goodnight. Sleep well.

Reply ko bago inilagay ang cellphone sa bedside table ko. Pinatay ko na din ang ilaw para diretso na ang tulog ko. Narinig ko pang tumunog muli ang phone ko but I'm too sleepy to check kaya hinayaan ko na lang.

"Natanong mo na ba?" excited na tanong sa akin ni mama. Iyan ang bungad sa akin ni mama pagkagising ko.

"Hindi pa po," sabi ko sabay kuha ng baso at nilagyan ito ng tubig.

Disappointment surfaced the whole face of my mother. Masama siyang nakatingin sa akin ngayon na ikinakunot ng noo ko. Anong ginawa ko?

"What?" nagtataka kong tanong sa kaniya.

The looks on her face brings discomfort to me. Para bang anytime kaya niya akong saktan dahil doon.

"Wala. Just make it asap," inip niyang sabi.

Bakit niya ba ginagawang big deal yung usapan namin kagabi? There's nothing to worry about, para namsng first time ko magkaroon ng kaibigang lalaki.

Tumango naman ako at umupo na sa upuan ko at nagsimula ng magbreakfast. Tahimik lang siyang kumakain ng breakfast namin like the usual pero ramdam mong iba ang aura ni mama ngayon.

I also feel her constant glance at me. Pero hindi ko na 'yon pinansin dahil lalo lang akong naweweirduhan kay mama.

"Baka pala gabihin ako mamaya, ma." paalam ko sa kaniya.

May practice kami mamaya, hindi ko naman kung para saan 'yon pero nagtext lang sa akin si Selene kanina na gagabihin nga daw dahil sa practice.

"Bakit daw?"

"Practice daw po," sabi ko sabay subo ulit.

Maaga pa naman kaya okay lang hindi magmadali. Wala kaming 1st class ngayon kaya 9:30 ang simula ng klase namin ngayon. 9:00 pa lang at hindi din ako malelate since, malapit lang ang school.

Tumango naman siya at nagpatuloy na sa pagkain. Pagkatapos ko ay tumayo na ako at humalik sa pisngi niya sabay lakad ng mabilis papalabas ng bahay.

"Don't forget to tell him okay," pahabol na sigaw ni mama bago ko pa man maisara ang pinto.

Tumango naman ako kahit hindi niya ako nakita. Bahala na siya. She's really creeping me out.

Still at home?

Napkunot naman ang noo ko dahil sa text niya.

Yes. Pasakay na.

Reply ko habang nag-aantay ng taxi dito sa labas ng subdivision.

Wait for me.

Napakunot naman ang noo ko dahil doon. Hindi ba maaga ang class niya. I heard his course is AB PolSci. Buti na lang nakakaya niya pang pagsabay sabayin 'yon.

Nagtataka man ay inantay ko pa din siya. Maya maya ay may tumigil ng sasakyan sa harap ko. Binuksan naman niya ang frontseat hudyat na doon ako sumakay.

Pagkasakay ko ay siya ulit ang naglagay ng seatbelt ko, just like the usual routine.

"My mother wants to invite you over a dinner. Okay lang ba? Nakita niya kasing hinatid mo ako, then bigla ka niyang gustong makita," sabi ko.

Okay naman pumunta siya pero mas okay talaga na hindi. Madali lang namang sabihin na busy siya masyado since graduating na kami.

He shifted on his seat after he heard me. Kumunot pa ang noo niya. His jaw clenched and his grip tightened on the steering wheel.

Nagtataka naman akong napatingin sa kaniya. Dahan dahan kong nilapit ang kamay ko sa kamay niya.

"Something's wrong?" nag-aalala kong tanong. From the way he reacts parang ayaw niya talagang makita si mama. Hindi ko naman siya pinipilit.

"Okay lang kung hindi ka makakapunta," pampapalubag loob ko sa kaniya.

Napabuntong hininga naman siya at bumaling saakin. Naramdaman kong medyo nagloose na ang grip niya sa steering wheel.

"Next week, may plano pa ako para sa ating dalawa," mukhang napipilitan niyang sabi. I just caressed his hands implying that it's okay then smile.

---------------

Revamping AffinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon