ra 9

116 11 0
                                    

"Bakit ba hindi pa kayo u-mo-order? Ang thoughtful niyo naman, thanks," walang hiyang sabi sa akin ni Selene. Napailing naman ako.

"Bakit niyo kasama 'yan?" nagtatakang tanong ni Theo.

"Bro! Bakit ka nandito?" tanong naman ni Andrey sa pinsan niya.

"I was just walking with Euphy pero bigla kaming hinila ni Selene," he said. Tumango naman ang dalawa.

"Ano bang gusto mo, Euphy?" tanong sa akin ni Andrey. Silang dalawang lalaki ang laging nakatoka para umorder saaming apat.

"Anything," nakangiti kong sabi. I don't really know what to eat kaya sila na ang bahalang bumili.

"Ako na ang mag-o-order," prisinta ni Alex. Napatingin naman kami sa kaniya dahil doon.

"No need. Kaya na namin ni Andrey," Theo said coldly. Napakunot naman ang noo ko dahil doon. May galit ba siya kay Alex?

"Then, I'll just go with you." Theo just shrugged.

"Ako kahit ano na lang din," nakangiting sabi ni Selene. Nasense niya siguro na iba na ang atmosphere sa dalawang 'yon.

"Okay," Andrey said. Tumayo na sila at pumila na.

"Why did you really brought him here? Pansin mo naman siguro na mainit ang ulo ni Theo sa kaniya. And it's not like we're friends with him," ira kong sabi kay Selene.

"Nah. Just want to know him more. At saka kita mo ba kung paano tumingin 'yung mga babae sa atin? They're jealous sister!" she laughed.

Napailing naman ako. Kaya ang daming nagagalit sa amin, gustong-gusto niya laging surahin ang mga babaeng 'yon.

"Tsk. Ewan ko sa'yo," iling kong wika.

"At saka hindi mo ba napapansin 'yung mga tingin niya sa'yo? Girl, it looks like anytime huhubaran ka na!" I looked at her with horror. Ano bang sinasabi ng isang ito?

"What the hell? Ano bang sinasabi mo diyan?" gulat kong wika.

"Nah. Kitang-kita ko 'yon noong birthday niya. Ang sama ng tingin niya sa inyong dalawa ni Theo," she smirked.

"Speaking of Theo, bakit nga ba ang sweet niyo noon?" malisosyo niyang wika. Ayan na naman siya.

"Nah. Napansin din kasi namin na panay ang tingin ni Alex sa amin. We're just talking about that," irap kong wika.

"Sus. Pwede namang mag-usap ng hindi ganoon kalapit," wika niya.

"Malakas ang tugtog that time. Sa tingin mo magkakarinigan pa kami?" nakataas ang kilay na wika ko sa kaniya.

Napaisip naman siya at biglang tumango.

"Tama ka naman. Though, ang sweet niyo pa din," napailing naman ako. Hindi niya talaga bibitawan ang topic na 'yon.

Dumating na din sila dala ang order namin. Tahimik na kumain lang si Theo. Sa tatlo ay si Theo ang pinakamatagal kong naging kaibigan. Kilala na din siya ni mama pero hindi ko matandaan kung bakit. Si Andrey lang ang nag-iingay ngayon kausap ang pinsan niya o kaya ay si Theo na puro tango o iling lang ang sagot sa kaniya.

"I really need to go, kailangan na ako sa office." paalam sa amin ni Alex. Tumango lang ako, he can go if he want.

Halata namang gusto na niyang umalis hindi dahil may gagawin pa siya.

"Sure. Thank you sa pagsama sa amin," nakangiting sabi ni Alex.

"Bro! Sama ka sa amin mamaya? Pupunta kaming Underworld. Tambay?" aya ni Andrey kay Alex. Napalingon naman si Theo kay Andrey.

Revamping AffinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon