Pagkagising naming dalawa ni Priam ay umalis na din siya agad. He just check my conditions before he go.
Maaga din naman daw pupunta ang papa niya. Kaya may kasama na din ako mamaya. True to that, dumating din agad ang papa.
"Do you want something, hija?" tanong niya sa akin.
Umiling naman ako dahil naghanda din ng pagkain ko si Priam kanina.
"So, what do you want to talk about?" panimula niya.
"Narinig ko na po kay Priam kung paano nagkakilala nila mama. Pero bakit po ba talaga nagkaganon? What really happened?" taka kong tanong.
"Siguro naman alam mong matagal na kaming magkakaibigan. You see, obsessed ang mama mo sa akin dahil una talaga kaming nagkakilala. Gusto niya lagi akong kasama. Noon normal lang sa akin, siguro naghahanap lang siya ng kasama. Bata pa lang ay namatay na agad ang magulang ng mama mo." he said.
"Kaya ako na ang naging sandalan ng mama mo. Hanggang sa bigla siyang inatake. That's why we consult on a doctor. Schizophrenia, yun ang sabi ng doctor. Pati ang obsessive behavior ng mama mo napansin nila, dahil daw 'yon sa sakit niya. That's why I always spoil her. Hindi pwedeng atakihin siyang muli. Hindi namin alam kung anong pwedeng gawin niya," dugtong niya.
"But things got worst. High school kami ng makilala ko ang asawa ko. Nakilala din namin doon si Ian. Naging close kaming apat. But I fell, I fell for my wife. Iyon ang hindi nagustuhan ng mama mo kahit nakikita naming nagkakamabutihan na silang dalawa ni Ian," malungkot niyang dugtong.
"Your mother loved your father before. It's just that her sickness stop her from realizing it. Masyadong naattach sa akin ang mama mo, that she failed to realize it. Hanggang sa may nangyari nga sa mga magulang mo. Eventually, she got pregnant. Masaya kami para sa kaniya but, she can't be happy for herself," dugtong niya.
"I feel sorry for your father, actually. Mahal na mahal niya ang mama mo. But they got married, walang nagawa ang mama mo. But I swear, she really loves you. Nakita ko 'yon noong sinilang ka. Her smile that day is the most precious and genuine smile that she did," he said.
Tumulo ang luha ko dahil sa sinabi niya. My father. It's so cruel, why do these things had to happen to him? Bakit siya pa?
"Lumaki ka ng maayos kaya akala namin okay na siya. But she called me one night. May nangyari daw sa papa mo, hindi daw niya sinasadya. Doon na ako kinabahan. I helped the police in getting the evidences. Pati ang anak ko nadamay doon. She became obsessed with my son because of that. Maybe because she saw the resemblance between us, naalala niya ang kabataan niya."
"Then my son met you. That's the first time that I saw my son cried. Gusto na niyang tumigil dahil ayaw niyang madamay ka. Your mother started to hurt you physically, na talaga namang ikinagalit ng anak ko. Muntik na niyang sugudin ang mama mo ng nalaman niya 'yon."
"Hanggang sa nakakuha na kami ng sapat na ebidensiya. Ibibigay na dapat namin sa pulis kinabukasan. At ang plano ibebreak ka ng anak ko. Hindi naman namin alam na may planong ganoon ang mama mo. Gusto lang alisin ng anak ko ang connection niya sa inyo. He doesn't want you to know all the things that he did. But you got hospitalized, nacoma ka na. That's the biggest regret of son."
"Lumapit siya sa akin noon, umiiyak. Hindi daw niya dapat ginawa 'yon. Dapat daw pinapasok ka niya. Your mother knows the plan kaya sure siyang magagawa niya ang plano niya sa iyo. Dahil doon hindi na namin kayo pinakialaman. Nasa akin pa din ang mga ebidensiya sa krimeng ginawa ng mama. Do you want to have it?" tanong niya.
So that's what happened. Sunod sunod na tumulo ang luha ko. Tumango ako sa tanong niya.
Kinuha naman niya ang bag na dala niya at nilabas ang mga papeles.
"This is the evidences that we got. Mostly mga pictures ng pakikipagkita ng mama kung kani-kanino noon. Pati ang legality ng kumpanya niyo, gusto niyang palitan because your father named it after you," sabi niya.
I read all the things na nakalagay doon as my tears flow. Ang daming pictures. Pictures of my mother with lots of men. The last page hurts me the most.
"That, I shouldn't have let you see that. Sorry," paumanhin niya.
It's a letter, a letter of my mother confessing for her crime. But the last part made me cry so hard.
"I love him. I love Ian. But the voices, I can't win on them. That's why it happened. Please, make my daughter safe. Let her be safe from all of this," humihikbi kong basa sa huling talata ng letter ni mama.
"That one is just a recent evidence. Kakakita lsng ng pulis 'yan noong naghalughog sila sa bahay niyo. Ibinasura na nila ang kaso since patay na nga ang mama mo. That's why, they give it to me." wika niya.
I don't know when did my mother write all of this. Wala man lang akong kaalam-alam na ganito ang dinadanas ni mama. I should've been with her. Baka sakali, baka sakali lang naman na bumalik siya sa dati. Hindi sana siya inatake ng sakit niya.
She shouldn't have died. Masaya sana kami ngayon. Sorry, mama. May you rest in peace.
"Tito," umiiyak kong tawag sa kaniya. Hindi naman siya nagsalita at bigla akong niyakap. Napaiyak naman ako lalo dahil doon. I miss my father. I miss my mother. I miss my family.
"Magiging okay din ang lahat, hija. Just cry, cry until you accept everything. Don't be afraid to show your feelings. May dadamay sa iyo palagi. There's always someone who'll comfort you, whatever situation you encounter. So, don't be afraid," he said. Lalo lang lumakas ang hikbi ko dahil doon.
Their family always makes me cry. I'm happy to know them and I'm thankful because they didn't left me alone.
My mother may not be the perfect mother but, she is my mother. Whatever happens, I'll never regret being her daughter.
---------------
Last 2 chapters. Thank you for reading!❤️
BINABASA MO ANG
Revamping Affinity
Storie d'amore"The two of us is struck by the lightning. An ill-fated love." Euphemia Iantha Serrano suffered amnesia because of an unknown accident. Since then, she lived quietly with her mother. Her father died even before she got hospitalized. Until she met Pr...