ra 2

287 16 4
                                    

"Euphy, sayang hindi tayo nagkita kahapon. Aayain sana kita, nagpunta kaming bar nila Theo." inis na wika ni Selene nang makita ako sa classroom.

Buti na lang at may kaklase akong kakilala ko kung hindi ang boring sana ng buong school year ko.

"Umabsent ako kahapon e. May naghamon sa akin. Bagsak naman pagkatapos." tumawa naman siya.

Si Selene ang isa mga matalik kong kaibigan. Sila ang lagi kong kasama. Actually, siya lang ang kaisa-isa kong kaibigan na babae. Siya lang kasi iyong hindi plastic at saka mapilit ang babaeng 'yan.

"Mukhang hindi ka nila kilala. Hindi naman sila manghahamon kung kilala ka nila e." natatawa niyang dagdag sa sinabi ko kanina. Nagkwentuhan pa kaming dalawa hanggang sa dumating ang teacher namin.

Recess na kaya lumabas na kaming dalawa ni Selene, "Nandoon na daw sila Theo, naka-order na din daw sila ng kakainin natin." hinila niya ako papunta sa canteen.

Madami na ang tao sa canteen nang makarating kami doon kaya pahirapang hanapin sila Theo. Nakailang ikot pa kami bago namin sila nakita na nakikipag-tawanan sa mga babae.

Nagkatinginan kami ni Selene at sabay na umiling. Napatawa naman kami dahil doon. Naghahanap na naman ng target sila Theo. At mukhang nauuto na nila iyon. Mga bata nga naman, ang daling mahulog sa mga mabubulaklak na salita.

Nilapitan na namin sila Theo at Andrey. Hinila ko ang tainga ni Theo, samantalang hinila naman ni Selene ang tainga ni Andrey. Pareho namang napangiwi ang dalawa at napahawak sa tainga nilang hawak namin.

"Nanloloko na naman kayong dalawa don." Pangaral ko sa dalawa, pareho naman silang nakayuko na parang napagalitang aso.

Si Selene naman ay nakapameywang at masama ang tingin sa kanila. Alam kasi nilang pinakaayaw namin ni Selene na ginagawa nila iyon lalo na at mga freshmen pa ang tinitira nila.

"Last year na natin ito. Tapos puro freshmen tinitira niyo. Ano pedophile lang?" napatingin naman sila sa akin na parang nandidiri. Natawa naman si Selene sa sinabi ko.

"Euphy naman. Ang sama ng term na pedophile e. Hindi ba pwedeng trip lang namin sila ngayon, it's not like may ginagawa kaming masama katulad noong mga tunay na pedophile," angal ni Theo na ikinatango naman ni Andrey.

"Kasi gusto niya iyong fresh pa ganon?" lalo naman lumakas ang tawa ni Selene na ikinanguso nang dalawang lalaki.

"Siya, magsikain na lang tayo. Sayang naman iyong inorder niyong dalawa." umupo na ako ng maayos.

Nagpipigil parin si Selene ng tawa dahil sa kanina. Habang ang dalawa ay walang angal na umayos nang upo pero nakasimangot pa din.

"Kakain o sisimagot? Para kayong batang dalawa. Nanggaling pa daw kayo sa bar kahapon, hindi niyo man lang ako tinawagan. Buryong-buryo ako sa bahay tapos kayo nagsasaya kagabi." I said then, bite on the food that they bought. Burger lang naman iyon at saka mountain dew.

"Oo nga pala, hindi ka nagsasabi. Dapat umabsent na din kami kahapon. Edi sana nakapaggala pa tayo."Andrey said while biting on his burger. Medyo hindi ko naintindihan yung iba niyang sinasabi dahil ngumunguya siya habang nagsasalita.

"May biglang nangyari kahapon. Biglang may nag-aya sa akin, inagaw ko daw boyfriend niya, e hindi ko naman sila kilala." Napatigil naman ang dalawang lalaki sa sinabi ko. Eto na naman dadali na naman ang pagiging-oa nilang dalawa.

"Hindi mo agad sinabi, reresbakan ka sana namin," Theo said arrogantly.

"Tama, tama at saka nagsayang ka pa ng lakas, e kaya naman na namin sila. Sila ba ang may gawa ng sugat mo sa may labi?" Andrey said while staring at my lips.

Kung hindi ko lang ito kilala iisipin ko itong manyakis kung makatingin sa labi ko parang kakainin e. Dahil doon napatingin din sila sa labi ko. Pati si Selene ay nagulat dahil hindi niya napansin iyon kanina.

"Nako dapat mabilis iyan gumaling, sayang naman yung lips mo, bakit mo ba hinayaang tamaan nila iyan?" tanong ni Selene. Tingnan mo itong isang ito, yung labi ko ang pinoblema hindi man lang tinanong kung nasaktan ba ako.

"Gagaling din ito, okay? At saka simpleng sugat lang ito kaysa sa nakukuha ko dati." Natatawang kong sabi sa kanila. Hindi naman sila natawa sa sinabi ko at tumuloy lang sa pagkain.

Pagkatapos ng recess namin ay dumiretso na kami ni Selene sa classroom namin. Naupo na kami at nakinig na lang sa teacher namin. 2 hours muli ang klase namin bago maglunch.

Hanggang sa natapos ang klase at inaaya na ako ni Selene papuntang canteen, nagtext pa nga sila Theo na maglunch out na lang kami pero hindi ako pumayag dahil lalaki ang gastos namin. At saka mas malapit kung sa canteen na lang kami kakain.

I become friends with Theo and Andrey first bago ko makilala si Selene. Maraming may gustong kaibiganin si Selene dati kaya nagulat ako dahil sa akin siya lumapit. Hindi daw kasi ako kagaya noong iba na kumakapit lang. Mayaman ang pamilya ni Selene kaya ganon na lang ang dami nang gustong kumapit sa kaniya. Akala siguro nila mauuto nila si Selene, pero doon sila nagkakamali.

Lumayo na din naman sila nang nalamang kaibigan ako ni Selene, maraming galit sa akin ditto dahil kumalat dati ang issue ni mama. Ewan ko ba, pero maraming insecure sa akin dati. Ang dami ding nagsasabi na mang-aagaw daw ako ng boyfriend, pero hindi ko naman kilala kung sino ang mga iyon.

Pagkarating namin doon ay sobrang gulo ng mga tao. Wala naman kaming paki ni Selene at diretso lang na lumapit kila Theo.

"Anong nangyari?" naguguluhan kong tanong sa dalawa dahil sila ang naunang dumating dito.

"Dumating daw kasi iyong SSG President," walang pakialam na sagot ni Theo.

"May bago na?" hindi ko man lang nabalitaan na nagbotohan na pala.

Mukhang absent ako nang araw na iyon. Hindi man lang nila ako sinabihan. Minsan talaga wala silang kwentang kaibigan.

"Hindi naman bago but, Priam Alexius Medina is his name. Hindi ko pa din nakikita ang mukha noon," sabi ni Selene.

Bakit kaya iyon tinitilian, mostly kasi ang natakbo sa SSG ay yung mga nerdy type. First time kong nabalitaan na may tinitilian mula doon. Bulag na ata ang mga tao ngayon.

Basta lalaki sinisigawan na. gwapo naman kaya iyon, baka naman hindi. Sino ba namang gwapo ang mag-aaksaya ng oras nila sa SSG. Mga kilala kong gwapo busy sa bar, o di kaya mang-flirt nang kung sino-sino. Kaya siguro hindi gwapo iyon.

-------

Revamping AffinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon