"So, tuloy ba tayo mamaya?" biglang tanong ni Andrey sa amin. Nagtataka naman akong tumingin sa kaniya.
"Saan naman tayo pupunta?" tanong ko sa kanila. Nakita ko namang siniko ni Theo si Selene at may binulong dito. Tsk, mukhang may lakad na naman silang hindi sinasabi sa akin.
Gulat na napatingin sa akin si Selene, "Oo nga pala, nakalimutan kong sabihin sa iyo. Nag-aaya kasi si Andrey, birthday nung pinsan niya. Sa bar daw gaganapin. Nawala sa isip ko kaya hindi ko naulit sa iyo."
"Sinong pinsan?" tanong ko. Ngayon lang kasi kami naimbitahan sa ganito, kadalasan ang punta namin sa bar ay gala hindi yung ganito.
"Iyong SSG President," muntik ko ng maibuga ang iininom ko dahil sa sinabi ni Selene. What the, hindi niya agad sinabi na pinsan pala ni Andrey yon. Kulang kulang talaga lagi ang chismis ng babaeng ito kahit kalian.
"Wala naman akong gagawin, so sige call ako," ani ko. Maganda na din ito para hindi kami magkita ni mama sa bahay. Panigurado tulog na iyon pag-uwi ko, kung hindi naman ay nagpapakasasa sa mga lalaki niya.
Napangiti naman si Selene sa sinabi ko, "So dahil diyan pupunta tayo sa bahay para magpalit ng damit."
Buti na lang pala at nag-iiwan ako ng damit sa condo ni Selene, kung hindi uuwi pa ako. Halos lahat kasi ng mga pangparty kong damit ay nasa closet ni Selene, kasi gusto niya sabay kami laging pupunta doon sa venue.
"Susunduin na lang namin kayo sa condo ni Selene," ani Theo pagkatapos namin kumain.
Tumango na lang kami ni Selene at tumayo na para pumunta sa klase namin. Buong maghapon namin klase ay yung pinsan lang ni Andrey ang nasa utak ko.
There's something in him na kahit hindi ko pa siya nakikita ay parang kilala ko na siya. Pero hindi ko matandaan kung saan, at saka hindi ko nakita ang mukha niya kanina sa canteen kaya imposible na kilala ko siya.
Aish bahala na mamaya. Makikita ko naman siguro siya doon at makukumpirma ko din ang kutob ko.
Pagkatapos ng klase ay hinila na ako ni Selene pauwi sa condo niya hindi ko na nakita ang dalawang lalaki pero ang sabi naman nila ay susunduin kami kaya mamaya ko pa sila makikita.
Pagdating namin sa condo ay hindi magkaintindihan si Selene sa pagpili ng susuotin ko. She picked a spaghetti-strap white crop top na may layers, then a black high-waisted short with black, 3-inch heels.
Simple lang pero okay na, hindi naman ako ang may birthday kaya hindi na kailangan ng bonggang damit. Noong una gusto pa ni Selene na mag-mi-mini dress ako, pero tinanggihan ko. Masyadong agaw pansin ang mga mini dress na nandito kaya ayokong suotin.
Pagkatapos namin mag-ayos ay bumaba na kami, nagtext na din kasi si Theo na nasa baba na sila. Pagkababa ay sumakay na kami sa kotse ni Theo, isang kotse na lang ang ginamit namin para hindi hassle mamaya pag-uwi, since apat lang naman kami kaya ayos lang. Theo said well go to Underworld. Iyon ang pangalan noong bar na pagdadausan noong party.
Kakaiba iyon dahil imbis na pataas ay underground ang natripan ng may ari, sa taas ay parking area lang, tapos sa gitna ng parking area ay may mini house kung saan nandoon ang elevator pababa, pinaka lounge area ang mini house kung saan doon chinecheck kung nasa tamang edad ka na. 1st floor, nandoon ang resto bar, dito kami minsan tumatambay kapag ayaw namin magpakawild, 'yung tamang inom lang.
Kapag nasa elevator ka ay hindi mo makikita ang 2nd floor, diretso 3rd floor na agad, dahil nasa 3rd floor ang dance floor, then 2nd floor is the private area, nandoon tumatambay yung mga kilalang tao. Mostly billionaires and such high-profile person, isang beses pa lang akong nakakaakyat doon dati at sobramg high class talaga.
BINABASA MO ANG
Revamping Affinity
Romance"The two of us is struck by the lightning. An ill-fated love." Euphemia Iantha Serrano suffered amnesia because of an unknown accident. Since then, she lived quietly with her mother. Her father died even before she got hospitalized. Until she met Pr...