Why do people feel like they're familiar with someone else? Why do I feel that way to him? But every time I see him, my heart ached. It feels like my heart doesn't want to see him. Para bang sinaktan niya ako ng sobra dati, para bang may malaking kasalanan siyang ginawa sa akin. Pero imposible naman ata iyon, this is my second time of seeing him.
High school ako noong naaksidente ako. My mother didn't made my amnesia a secret. Pero hindi din niya ako pinilit na alalahanin lahat ng 'yon. Hanggang sa nag-college na ako, naging distant muli kami ni mama.
Nagsimula na siyang magdala ng mga lalaki sa bahay namin, maybe that's the way of coping up. Namatay kasi si papa bago ako nacoma, ayon kay mama. Nasanay na din naman ako hanggang ngayon last year na namin sa college.
"Punta muna akong dancefloor, sama ka?" Selene asked. Ngumiti lang ako at umiling.
"Nah. I'll pass," she shrugged then, continue walking to the dancefloor. She even swayed her hips that made me frown.
Ang landi talaga ng babaeng iyon. Paniguradong maghahanap lang iyon ng prospect niya para sa gabing ito.
"Why didn't you go with her?" tanong sa akin ni Theo.
Lumapit naman ako sa kaniya bago sumagot. Masyado na kasing malakas ang tugtog kaya no choice talaga kung hindi lumapit sa kausap.
"Too tired to do it. Wala din namang mawawala kung hindi ako sasayaw doon," I smirked.
"Right," wika niya at mas lumapit sa akin. Nagulat naman ako doon.
"Don't. There's someone who's constantly staring at you," he whispered.
"Who?" I asked. Mas inilapit niya ang katawan niya sa akin. Umayos naman ako ng pwesto at uminom ulit.
"Alex. The birthday boy," napalingon naman ako sa pwesto ni Alex.
He's right, Alex is staring at us. He's staring darkly at us na parang may ginawa kaming mali. Problema niya?
"Do you know him?" Theo asked.
"I just met him once," I heard him chuckled. Napalingon naman ako doon. Nakatingin siya sa akin habang sumisipsip sa inumin niya.
"When is it?" he smirked. Napailing naman ako.
"Remember the fight on the first day of school? He caught me back then. He wanted me to apologize, but I didn't do it," I shrugged.
Tumawa naman siya dahil doon. "As if."
I nod then, chuckled too. As if he can do that to me. Hindi ako katulad ng iba diyan na nagpapaalipin sa mga lalaki.
Lumingon naman ako sa pwesto ni Alex. Wala na siya doon. Mukhang busy sa mga bisita niya. Buti naman, at least the chills I feel stop.
"Pupunta lang akong CR," ani ko kay Theo.
"Sasamahan pa ba kita?" tanong niya sa akin. Napatawa naman ako dahil doon. What a pervert!
"No need," natatawang kong tugon. Tumango lang siya at lumayo sa akin.
Pagkatapos kong magbawas ay naghugas na ako ng kamay. May mga kasabayan pa ako na nagreretouch ng make-up nila. Kinuha ko naman ang liptint ko at naglagay ng kaunti sa labi ko para magkakulay muli. Kanina pa kasi ako umiinom kaya napawi na. Ayos pa naman ang make-up na nilagay ni Selene sa akin kaya hindi ko na pinakialaman pa.
Pagbukas ko ng pinto ay biglang may humila sa kamay ko, "What the?" gulat kong sabi sabay tingin sa humila sa akin.
Mas lalo naman akong nagulat sa nakita ko, it's Alex. Si Alex ang humihila sa akin sa hindi malamang dahilan.
"Hey, anong problema mo?" tanong ko sa kaniya habang hinihili niya ako papunta sa hindi ko alam kung saan.
Diretso lang siyang nakatingin sa daan, hanggang sa nakalabas na kami ng bar. Nandito na kaming dalawa ngayon sa parking lot at kami lang dalawa ang tao dito. Mukhang lahat sila nagkakasiyahan sa baba.
"Ano ba?!" irita ko ng tanong habang pinipilit alisin ang pagkakahawak niya sa akin. Ang higpit na kasi masyado ng hawak niya.
Hindi niya ako pinansin at binuksan niya lang ang sasakyan niya, "Masakit na so, pwede ba, bitawan mo ako!?"
Napatingin naman siya sa akin dahil doon, pinasok na niya ako sa loob ng sasakyan niya at kinabitan niya ng seatbelt. I was just staring at him curiously, while he's doing that. Pumihit na din siya sa kabila pagkatapos non at pinaandar na ang sasakyan.
"Saan ba tayo pupunta? Bigla ka na lang nanghihila, tapos ganito?" tanong ko sa kaniya.
"We need to talk," He firmly said.
I got dumbfounded at what he said. Hindi man lang siya tumingin sa akin habang sinasabi yon, myghod. At saka anong dapat namin pag-usapan? It's not like we have unfinished business to talk to, e kakkakita pa lang namin dalawa.
Tahimik lang kaming dalawa habang nag-co-concentrate siya sa pag-da-drive, hindi ko na siya tinanong muli kung saan kami pupunta, ayaw naman kasi niyang sumagot, so why bother asking him again? Magsasayang lang ako ng laway pagtatanong.
Tumigil na siya pagddrive, so I conclude na nandito na kami para mag-usap kuno. Lumabas na siya pero nakatingin lang ako sa kaniya dahil doon. Lumingon naman siya sa kotse, particularly sa pwesto ko kahit tinted naman iyon at hindi niya ako nakikita. Umiling naman siya at naglakad papalapit sa kinauupuan ko. Binuksan niya ang pinto at tiningnan ako.
"Why aren't you getting off the car?" tanong niya sa akin.
Tiningnan ko lang siya. Bumuntong hininga naman siya at umiling. Inalis na niya ang seatbelt ko ang bigla akong binuhat, na ikinagulat ko.
My tummy is in his shoulder as he lifts me up, "Ibaba mo ako! Ano ba?!" sabi ko habang pinapalo ang likod niya.
Hindi naman niya ako pinansin at diretso lang siyang naglakad habang buhat ako. Dinala niya lang naman ako sa park ng La Puerte, ang park na ito ang pinakasentro daw ng bayang ito. Maliwanag ngayon pero wala ng tao probably because it's past midnight.
Binaba niya ako sa malapit na bench na nakita niya. Busangot naman ang mukha ko habang nakatingin sa kaniya. Nasa harap ko lang siya at nakatitig din sa akin. I saw a glint of amusement in his eyes, habang nakatingin sa akin.
"Ano ba talagang problema mo?" tanong ko sa kaniya.
Hindi siya sumagot bagkos ay umupo sa tabi ko. Umisod naman ako para bigyan siya ng space. Pinihit ko na din ang katawan ko para tumingin sa kaniya at nakita kong ganoon din ang ginawa niya.
"I told you, we need to talk," sabi niya sa akin.
"Talk about what?" I confusedly asked to him.
"Us," maikli niyang sagot. Napatingin ako lalo sa kaniya dahil doon. Meron bang kami? What the hell.
------
BINABASA MO ANG
Revamping Affinity
Romansa"The two of us is struck by the lightning. An ill-fated love." Euphemia Iantha Serrano suffered amnesia because of an unknown accident. Since then, she lived quietly with her mother. Her father died even before she got hospitalized. Until she met Pr...