"Get in my car," pagpigil sa akin ni Alex sa pagsakay sa kotse ni Theo.
Tiningnan ko naman ng masama ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Saka ko itinaas ang tingin ko sa mukha niya.
His face is begging for me to get on his car. Halatang halata mo 'yon. Ni hindi man lang niya tinago 'yon. To save his pride, at least.
Because of that, hindi ko din napigilan at sumama na sa kaniya. Galit ako, oo. But the look on his face always makes me weak.
"Sorry," mahina niyang sabi ng makasakay na kami sa loob. Kami lang dalawa ang nandito dahil nasa kotse ni Theo yung dalawa.
"About what?" inosente kong tanong. I want to hear his reason kung bakit ganoon na lang ang ekspresyon niya kanina.
"About the way I act. I just remember something. Sorry that I acted rudely on you," he paused and smiled apologetically.
"Then?" naiinip kong tanong.
"I really don't want to go, honestly. But, I want to show that I am sincere about you. It's just that, it's hard to say because you don't remember it," napakunot naman ang noo ko. Ano ba ang dapat kong maalala?
He always says that it's because of my stupid amnesia. Bakit ginusto ko ba 'yon? It's not like I did it to myself.
"Bakit ba hindi niya masabi agad? Nakakafrustrate yang paliwanag niyo," naiiyak kong sabi. Napansin niya 'yon at biglang kinabig ang steering wheel. Tumigil kami sa may tabi.
"Hey," mahinahon niyang sabi sabay lapit sa akin. He tightly embraced me.
"I know it's hard. Pero kaya mo pa naman di'ba? I know your strong. You can endure all of this. Once you remember everything, please. Just please, let me explain it all to you," bulong niya na sapat na para mapaiyak ako.
Ano bang ginawa niya sa akin? Why do I feel like I know him even before we met? Why does he need to explain.
"Shh," pagpapatahan niya sa akin.
"I love you. I really do," bulong niya habang pinapatahan ako. I stiffened because of that. Napaangat ako ng tingin dahil doon. He is also staring at me.
"W-what?" humihikbi kong tanong. He loves me? How? Why?
"It's true. I'm not able to say it to you before. But I love you," nakangiti niyang sabi. Napaubob naman ako sa kaniya dahil doon. His sudden confession, confused me.
Paano niya nasabing mahal niya ako? I mean, we just met, recently.
He'll always say the word before but I can't remember it. I want to remember. Gusto ko ng matapos ang pagpapahirap nila sa akin. Nakakapagod hulaan kung ano ba talaga ang nangyare.
Bumitaw din ako sa yakap niya. Nagsuot na uli kami ng seatbelt at nagsimula na siyang magdrive ulit. Nakarating kami sa harap ng McDo doon kasi ang sinabi ni Selene sa text niya. Lately, puro McDo ang nakakainan ko.
Pumasok na kami sa loob. Mabilis ko namang nakita yung tatlo kaya lumapit na ako. Tumabi ako kay Selene. Tumabi naman sa akin si Alex. Nasa 6-seater kami ngayon, kaya walang katabi sina Andrey at Theo sa harap namin. Though, wala si Andrey ngayon.
"Nag-order na kami, kayo na bahala sa order niyo," sabi ni Theo. Kaya siguro wala si Andrey dahil siya na naman ang naorder.
Tumango naman si Alex at tumayo. Nilingon naman niya ako. "What do you want?"tanong niya.
"Anything," tinatamad na akong magsabi ng kakainin. Kaya siya na ang bahalang mag-order.
Tumango naman siya at naglakad na papunta sa counter. Naiwan tuloy kaming tatlo.
BINABASA MO ANG
Revamping Affinity
Romance"The two of us is struck by the lightning. An ill-fated love." Euphemia Iantha Serrano suffered amnesia because of an unknown accident. Since then, she lived quietly with her mother. Her father died even before she got hospitalized. Until she met Pr...