Nakalimutan niya atang bawal na ako ngayon mag laro ng badminton o kahit ano mang sports? Siya lang ang may alam sa nangyaring yun seven years ago.
"Dati iyon hindi na ngayon. It's been almost seven years ng last kong pag sali sa school sports at paglalaro ng badminton. I lost my confidence and interest in sports," sambit ko pa habang nakatigin kay Ma'am Olive. What can I do? Kahit naman gustuhin ko pang mag-laro, hindi na pwede ngayon.
I went to regional level nung grade six kami, pero kasi nung nag high school na, parang gusto ko na lang ituon ang oras ko sa pag-aaral. Besides, Mom and Dad advised me to stop playing badminton at ituon na lang ang pag-aaral after one horrible incident.
"Ita-try mo lang ulit ngayon, Mauricé. There's nothing wrong in trying as long as you tried your best." Ma'am Olive convinced me but I refused.
"Sorry talaga Ma'am but I'm not sporty na ngayon. Baka mapahiya lang ako diyan sa pag lalaro ng badminton." Tugon ko sa kaniya.
"Hindi naman iyan, Maurice."
"May isang pambato man lang."
"You'll try lang naman tsaka hindi ka din naman magrereview during Intrams eh."
"Tama iyan Joy. Eh matalino na yan si Mau," sabat ng aking mga kaklase. Siguro kanina pa sila nakikinig sa usapan at tapos ng sumagot sa worksheet.
"Oo nga naman Mau. Matalino ka na hindi ka naman mag rereview dito sa school kasi sanay kang mag review pag nasa bahay lang tapos gabi," Sharlaine second the motion on my left side.
"Ay ewan! Basta I don't want to join. Period." Maarte ko namang sambit sa dalawa kong katabi.
"Uh--okay! I think you are all finished answering the worksheet. So let's check." Then after we check already our worksheets. Nag exchange lang ng worksheets sa kabilang side since parehas tatlo tatlo ang magkabilang side.
"Ilan ang score niyo?" tanong ni Callix nang maipasa na ang mga papel namin.
"17 lang out of 20 eh," sagot naman sakanya ni Cath. Hindi kasi naniwala sa akin na tama yung sagot ko sa sagot niya, 'yan tuloy may mali siya.
Pinasadahan niya naman ako tingin. "Perfect." Tipid na sagot ko naman sakanya. "Ikaw?" Pabalik kong tanong sakanya
"20 din," tumango tango na lang ako sakanya tsaka ngumiti. Nang tingnan ko ang nasa right side kong si Cath ay may mala-demonyong ngiti sa kanyang labi na pati sa mata ay makikita mo sakanya ang pagkakilig.
Umiling na lang ako sa kanya at umupo pagkatapos naming mag usap ni Callix habang inaayos naman ni Ma'am ang worksheets.
Dati ko kasing crush itong si Callix noong Junior High pa kami. It's been two years noong naging crush ko siya. I never confess my feelings to him directly, nalaman niya lang na crush ko siya because of my bestfriends mouth.
So I have nothing to do with it and accept na nalaman niya. Simula nung nalaman niya iyon, malimit ko na siyang kausapin, minsan lang kapag kailangan but since classmate kami naging close ko na lang siya pati iyong boys na classmate namin. Nawala lang iyong pagtingin ko sa kanya sa manliligaw kong si Jones.
"Ikaw ahh," humagikgik naman si Cath at pinipigilang tumawa dulot ng kilig sa amin ni Callix.
"Shut the fuck up Cath, move on ne. Hindi ko na siya crush, it's been two years." Sambit ko sa kaniya, pero ayun at tuloy pa rin siya sa pag-ngisi. Mas kinikilig pa sa amin ni Callix. "At saka may girlfriend na si Callix."
"Hindi mo na ako crush? How sad?" Nag pout naman si Callix sa harap ko. Kung wala lang talaga siyang girlfriend, paniguradong iisipin kong may gusto siya sa akin o kaya naman ay magustuhan ko pa siya.
BINABASA MO ANG
The Girl Who Can't Confess (Book 1)
Teen FictionThe Girl Who Can't Confess [Book 1] COMPLETED STORY Have you ever fell in love with someone and confess how do you feel for them? Confess your feelings without a doubt? Not thinking that confessing your feelings to someone may change your whole...