TGWCC XII- Thirdwheel

77 17 11
                                    

Napailing-iling pa si Callix sa akin habang nakangiti, si Kael naman ay in-ignore ang sinabi ko. Mukha tuloy akonv desperadong magka-boyfriend kahit hindi naman.

Sa totoo lang, minsan naiisip kong naiinggit rin ako sa kanilang may mga boyfriend at kasama sa tuwing uwian pero binabalewala ko na lang. Ano ako kinder para may kasama pang umuwi ng hapon o pakatapos ng klase?

"Eh kasi naman, kaninang nandiyan si Jack di mo pinapansin tapos ngayon magsa-sanaol ka," usal ni Ruby.

Nauuna sa amin si Ruby at Sharlaine, hindi kasama ni Ruby si Andrew. Hindi ko rin alam ang rason baka tinopak na namang 'tong isa.

Katabi ko naman si Cath at nasa likod namin si Geoff. Ewan ko ba dito sa babaeng ito at ayaw tabihan ang jowa niya.

"Ako lang ata single dito sa ating magkakasama ah,"  nakangiting sabi ko dahil tahimik masyado si Cath.Hindi naman ako naiinggit, may crush naman ako, pero kasi walang topic na mai-open.

"Nandiyan kasi si Jack ayaw mo." Ruby at tinignan pa kami ni Cath.

"Mama mo Jack-ol," mahinang boses na usal ko na napatawa naman si Cath sa tabi ko.

"Ang bastos mo, Mau! Iyan ba epekto ni Jack?" Tanong niya sa akin na ikinangisi niya pa.

"Shut up. Jack-ol si Geoff, charot!" tumawa pa ako ng malakas dahil sa sinabi ko. Bastos lang ako pero 'di ko 'yan ginagawa o sinasabi sa mga lalaki.

"Yaks! Kadiri ka, Mau! Baka ikaw kay Jack?" Napabalikwas naman ako sa sinabi niya.

"Bakit? Gagawin mo din 'yan soon.. pag naging kayo," tinulak ko siya sa likod papunta sa jowa niya.

"Geoff ang bastos ng jowa mo," sumbong ko kunwari sa boyfriend niya. Wala siyang idea sa pinaguusapan naming dalawa. Wala rin naman akong plano na sabihin ang kabalastugan ko minsan sa buhay ko.

"Hoy mauna na kami ni Sharlaine," ani Ruby.

Pumunta na silang dalawa sa kabilang kalsada dahil iba ang route nila sa amin nila Cath. Bagama't ibang ruta rin naman itong si Geoff ay hinihintay niya lang na makasakay si Cath.

Oh edi sanaol diba, may kasama mag-hintay ng jowa.

Nginingitian pa ako nila Ruby at Sharlaine dahil tumi-thirdwheel na naman ako sa dalawang 'to.

Kapag ako nagka-jowa, who you kayo sa akin. Ay charot, wala pa nga pala ako planong mag-jowa. Study first pala ako.

Just a couple of minutes ay may nag-stop ng jeep sa harapan nila Ruby pero bago pa sila makasakay sa jeep ay may sinigaw pa sila.

"Bye! Thirdwheel ka na naman Cheska Mauricé," pang-aasar ni Ruby.

Napangisi na lang ako dahil sa kagagawan ng babaknitang iyon. Isigaw ba naman pangalan ko buti na lang walang apelyido, baka mamaya may mag-message na sa aking Engineer diyan.

Nag-uusap naman si Cath at Geoff kaya hindi na ako nakisawsaw sa kanila. Mahina rin kasi boses ni Geoff.

Nag-cellphone na lang ako para malibang ako habang naghihintay sa jeep. Punuan halos lahat ng jeep. Asan na ba kasi yung taga sundo ko, 'yung jowa ko?

Jack?! Where are you?

Napailing na lang ako sa iniisip ko. Bakit ba kasi kapag nandiyan yung crush ko binabalewala ko, pero kapag wala ay saka ko naman hinahanap. Baliw rin talaga ata ako.

Baliw sakanya, charot!

"Congrats Mau, naglalaro ka pala ng badminton?" Binalingan ko ng tingin si Geoff dahil ako yung kinakausap nito.

The Girl Who Can't Confess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon