TGWCC XV- Lunch

71 14 11
                                    

Mga ilang minuto ay kinalabit ako ni Jack kaya naman tinignan ko na naman siya ng masama.

Napabaling ang tingin  ko sa hawak niya pabalik sa mukha na naman niyang nakangiti. May hawak-hawak siyang burger at bottled softdrinks.

Oo gutom na ako pero pag galing sayo, hindi ko kakainin. Baka mamaya may gayuma pa iyan eh!

"Gutom ka 'di ba? Oh heto pinabili ko pa iyan sa pinsan ko." Mabait na tugon niya sa akin.

"Umurong 'yung gutom ko bigla," maarteng salita ko sa kanya tsaka tumingin na ulit kila Callix na naglalaro.

Ngunit labis ang pagka-bigla ako nang hawakan niya ang dalawang kamay ko at nilagay niya doon ang burger at bottled soft drinks. Nakaramdam pa ako ng kuryente sa katawan ko nang hinawakan niya iyon. Why do you have to do this?!

"Hindi mo na nga kinain yung lunch na binili ko sayo kanina," napatigil naman ako sa sinabi niya. "Tapos hindi mo pa ito kakainin?" Seryosong tanong niya sa akin.

What the heck?! Siya ang bumili ng lunch ko pero ang sabi sa akin nila Cath kanina ay sila ang bumili no'n dahil nga tulog ako. Naloko na naman ako nila Cath, kaya pala hindi naman talaga nila ako pinapayad no'ng lunch at sa akin lang ang naiiba na pagkain kanina.

"O baka gusto mo lang na subuan pa kita?" May nakakalokong ngiti sa mukha niya na ikinailang ko naman. Ramdam na ramdam ko na naman ang panghihina ng mga tuhod ko at ang mabilis na tibok ng puso ko.

Tumawa pa siya nang bahagya sa tabi ko at hindi ko mahulaan kung ano ang nararamdaman ko. Kaba na may halong kilig, 'yan ang nararamdaman ko.

Ano bang ginagawa sa akin ng lalaking ito?!

Hindi na ulit siya nag-salita kaya hindi na rin ako nagsalita. Hindi ko pa rin ginagalaw ang binigay niyang pagkain sa akin.

Natapos ang laro nila Callix at panalo sila laban sa grade 10. Hanggang matapos ang laro ay hindi ko pa kinakain ang pagkaing binigay ni Jack.

"Congrats boys!" Sabay-sabay na bati namin kila Callix at sila naman ay may malawak na ngiti sa mukha.

"Salamat! Grabe kasi ang sigaw ni Mau," napatingin pa ako sa nag-salita dahil hindi ko iyon inaasahan.

Binatukan ni Jack si Kael dahil sa sinabi niya. "Kung maka-batok ka naman sa akin, kayo ba? Huh?" Nanghahamong tanong ni Kael kay Jack.

Alam kong inaasar lang ni Kael si Jack at pikon-talo naman si Jack. Hindi na ako nag-salita dahil hindi ko din naman alam ang sasabihin ko. Tatawa-tawa na lang sila Callix at Erin sa kanilang dalawa.

Ayaw kong mapahiya si Kael, pero ayaw ko rin namang mag-bigay ng motibo kay Jack. Wala akong gustong panigan sa kanilang dalawa.

"Pinag-seselos ka lang eh!" Singhal ni Kael kay Jack at binatukan na naman siya nito. Nagpatuloy ang pag-aasaran nilang dalawa hanggang sa umalis na kami sa covered court at bumalik na sa classroom.

"Haba ng hair Mau!" Bulong sa akin ni Sharlaine at sinamaan ko siya ng tingin.

"Oh kanino iyan galing na burger?" Tanong ni Ruby. "Bakit hindi mo pa kinakain?" Dagdag na tanong niya pa pero imbes na ako ang sumagot no'n ay si Cath ang sumagot sa kanya.

"Si Jack nag-bigay niyan. Ang arte, binigyan na ng pagkain pero ayaw pang kainin," sambit ni Cath sa kanila Ruby kaya napairap na lang ako.

Naalala ko tulou iyong sinabi kanina sa akin ni Jack na siya pa raw ang bumili no'ng Jollibee na nandoon kanina na pinapakain sa akin nila Ruby.

"Ikaw huh kainin mo iyan o kami ang kakain niyan?" Hamon niya sa akin at bukal sa puso ko namang inilahad sa kaniya iyon dahil wala akong balak na kainin ang pagkaing galing kay Jack.

The Girl Who Can't Confess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon