"Ahh eh sabay na kayo sa amin sa kotse," nahihiyang aniya. Naalala ko na wala pala kaming sasakyan ni Sharlaine. Tanging si Cath at Ruby lang ang may sasakyan dahil sila ang may boyfriend. "Sumabay ka na sa akin, si Sharlaine kay Kael."
"Kay Kael na lang ako sasama..." Kaagad kong tugon dahil nakakahiya kaya na sa kaniya pa ako sumabay. Hindi naman siya ang boyfriend ko at hindi naman boyfriend ni Sharlaine si Kael.
"Sige na, Mau." Ani Kael na hindi makatingin sa akin ng diretso. "Sharlaine, ikaw na ang sumama sa akin." Aniya at agad naman na sumunod sa kanya si Sharlaine at ngingiti naman ito sa akin na nanunukso.
"Nauna na sila Callix sa may parking lot." ani Jack na parang nahihiya pa sa akin. "Nahihiya kasi ako sayong mag-sabi eh." dagdag niya at halata ang pamumula sa kaniyang mukha dulot ng hiya.
"Eh?" Tanging usal ko saka tiningnan ko sila Cath at Ruby na nasa likod ko. Wala na sila at naglalakad na sila papuntang parking lot at kasama ang kaniya kaniyang boyfriend.
Bakit ba kasi nagbo-boyfriend ang mga 'to?! Iiwan din naman sila niyan.
"Tara na?" pagyaya niya sa akin.
Wala akong magawa kung hindi ang sumama na lang sa kaniya, kami na lang ang natitira. At kung mag-iinarte pa ako ay ako ang maiiwan at magko-commute ako mag-isa.
Kung maiiwan din naman ako ay hindi na lang ako sasama sa pag-celebrate nila.
Dali-dali pang pinagbuksan ako ni Jack ng pintuan habang nakangiti pa siya. Kailan kaya mangangawit ang labi nito sa kakangiti sa akin?
Sininghalan ko na lang siya dahil ayaw kong isipin niyang mabait na ako sa kanya. Pumasok na ako sa kotse niya at agad naman niyang in-start ang engine nun.
Nung nasa kalagitnaan na kaming byahe papuntang Jollibee raw, dahil doon kami mag-cecelebrate, siya na ang bumasag sa katahimikan namin.
Just a defeaning silence. Kaunti na lang maso-suffocate ako sa sobrang katahimikan na animo'y pati pag-hinga ko ay kinokontrol ko.
"Congrats Mau!" pagbasag niya sa katahumikan.
"Thanks," tipid kong tugon sa kanya saka ngumiti ng tipid sa kanya. Nahihiya ako dahil kami lang na dalawa.
"Nagugutom ka na ba?" Tanong niyaat hindi naman ako sumagot.
Malamang gutom na ako, eh kanina pa kumukulo ang tiyan ko eh!Gusto kong sabihin kay Jack pero hindi ko masabi dahil baka ma-offend lang siya.
"Ah.." anito na parang may naisip na bright idea. "Ayaw mo nga pala ng usual na ganyang tanong. Gusto mo nga pala ay iyong mga pangmatalino." Aniya na parang tanga dahil ngumingiti pa.
Kaunti na lang iisipin kong baliw ang isang 'to.
"Sige banat pangmatalino na lang," dagdag niya. Tiningnan ko siya ng masama at tumawa lang siya ng bahagya.
"Wala akong sinabi na bumanat ka ng pangmatalino," asik ko.
"Pagbigyan mo ako ngayon oh? Blinock mo na din naman ako," sambit niya pa habang naka nguso. Hindi na lang ako sumagot sa kanya.
"Are you into Chemistry?" Tanong niya.
"Sorry pero wala tayong chemistry o kahit ano pang reactions na magagana.Baka sumabog lang tayo sabay dahil sa kemikal
na nadiyan sa katawan mo." Maarteng tugon ko at ngumiti lang siya."Kung isa man akong kemikal, mas pipiliin kong may lason iyon." Aniya hindi inaalis ang tingin sa daan pero nakangiti ng napakalawak. "Lalasunin kita sa pagmamahal ko. Hanggang sa hanap-hanapin ng katawan mo ang lason na meron ako," pinigilan ko ang kilig na naramdaman ko.
BINABASA MO ANG
The Girl Who Can't Confess (Book 1)
Fiksi RemajaThe Girl Who Can't Confess [Book 1] COMPLETED STORY Have you ever fell in love with someone and confess how do you feel for them? Confess your feelings without a doubt? Not thinking that confessing your feelings to someone may change your whole...