Time flew so fast and I don't care what day now, all I know is my studies and the thing that I'm starting to like Jack. I don't care what Kuya and my friends tell about him, sinasabi ko na lang sa sarili ko na mabait si Jack. Hindi naman nakakasama o nakakausap madalas nila Sharlaine si Jack kaya hindi naman nila kilala pang masyado si Jack.
At sa oras na magka-usap kami ni Jack sa messenger it feels like I'm already comfortable talking with him, umaakto na lang ako na inaartehan ko siya o kaya naman ay nagpapakipot ako kapag magka-chat kami para hindi niya lagyan ng meaning. Pero sa kabilang banda, naiisip ko din na baka niloloko nga ako ni Jack but all I can do is trust what he told me that he likes he and he's not a jerk like any other men.
"Tingnan mo si Jack," tugon sa akin ni Callix na inirapan ko naman.
Nasa tapat kami ng pintuan nila Callix at Cath na nagtatawanan sa pangalawang pinto ng classroom namin. Si Jack kasi ay nasa labas na naman classroom namin, kausap ang ilang basketball player ng school namin. Nasa kabilang dulo naman sila sa may tapat ng isa pang pintuan.
"Tsk! Hindi ka pa kasi umamin kay Jack, kung titingnan bagay naman kayong dalawa. Parehas na single and ready to mingle."
"Baliw ka!" Singhal ko dito at tumawa naman siya ng bahagya pati na si Cath. Vacant kasi namin ngayon sa Oral Communication na isa sa subject namin.
Tumingin na naman siya sa banda kung nasaan sila at pinaningkitan niya iyon ng mata na tila inuusisa ang itsura ni Jack. "Na-iimagine ko na ang magiging future baby niyo."
Aniya saka ngumisi at tumingin naman sa akin, pinaningkitan ko siya ng mata na binabalaan sa kung ano ang sunod niyang sasabihin. "Matangkad na anak, hindi gaanong maitim na maputi at hindi naman gaanong maitim na anak kasi maitim talaga si Jack."
"Grabe ka naman, brown pa naman si Jack." Ani Cath na nag-second the motion pa sa sinabi ni Callix. Inirapan ko sila at tinaasan ng isang kilay dahil patuloy na pinagmamasdan ni Callix ang itsura ni Jack pakatapos ay titingin naman sa akin.
"Matangos na ilong, syempre maganda o kaya naman gwapo. May itsura naman kasi kahit papaano si Jack pati na ikaw." Sabi nito at ngumisi habang tumatango-tango.
Pumasok si Erin sa pintuan na nasa may tapat namin at ngumiti ito ng nakakaloko. Mangungulit na naman ito!
"Nandiyan si Jack sa labas, hindi mo man lang ba papapasukin ang bisita mo?" Tanong nito sa akin at tinarayan ko na lang.
Sanay na ako sa paganyan nila sa tuwing pumupunta dito si Jack.
"Wait sasabihin ko lang sa kaniya ang hindi mo masabi." Aniya saka akmang tatalikod pero hinawakan ko ang braso niya.
Sasabihin pa atang may gusto ako kay Jack! Though it was already obvious dahil lantaran naman na sinabi iyon nila Callix noong isang araw noong pumunta din 'yan dito. But hell no!
"Tumahimik ka nga, Erin! Baliw na kayo!" Singhal ko sa kaniya saka tiningnan pa sila Cath at Callix na masayang pinapanood kami ni Erin.
Hinihila ko si Erin papasok ng classroom dahil lalabas siya at baka kung ano ang masabi kay Jack. Nandiyan pa naman ang ilang varsity player at kaibigan niya!
"Sasabihin ko lang naman na.." anito saka ngumisi ng nakakaloko sa akin. Hindi ko na din mapigilan ang pag-init ng pisngi ko at ngumisi. "Kinikilig ka na naman eh! May sasabihin nga lang ako. Jack! Jack!"
Sumigaw-sigaw pa siya at nakita ko sa labas ng bintana na napalingon sa banda namin si Jack pati ang kasama nito. Kainis ka talaga Erin! Hinila hila ko ang braso niya papasok pero sadyang makisig siya at masyadong nanghihina naman ako sa kahihiyan na ginagaw ni Erin. Panay naman ang tawa ni Cath at ni Callix sa aming dalawa.
BINABASA MO ANG
The Girl Who Can't Confess (Book 1)
Teen FictionThe Girl Who Can't Confess [Book 1] COMPLETED STORY Have you ever fell in love with someone and confess how do you feel for them? Confess your feelings without a doubt? Not thinking that confessing your feelings to someone may change your whole...