Napailing ako at saka nainis sa kaniyang sinabi.
"Kapatid mo rin siya! Alam kong mahina ang puso ni Cheska Mauricé, pero alam kong matatag ang kalooban niya!" Sigaw ko pabalik sa kanya.
Wala sila Mommy at Daddy pagkadating niya at sakto rin na kakagising ko lang. Bumuntong hininga ako, nagsisigawan kami dito sa loob ng kwarto ni Mauricé. I just hope she didn't hear us.
"Do you really think na sapat na 'yan na rason mo?! Damn your reasons!"
"Bakit ginusto ko ba?! Ginusto ko ba na mapahamak si Mauricé?! I just allow her to play dahil isa iyon sa bagay na nagpapasaya sa kanya! Hindi sa lahat ng bagay tama ka Ate!"
"And so you think tama ka sa ngayon?! Ha!" She sarcastically said. She smirks na nagpainis sa akin. Hindi tama na mag-sigawan kami dito dahil mas lalong magpapapasama ito kay Mauricé.
Iyan ang problema sa iyo eh! Masyado mong minamaliit ang disesiyon naming nakababatang kapatid.
Porket ba pinayagan ko kasalanan ko na lahat?What the fuck!
I just allow her, the one thing that makes her happy. To see her successful in just one thing. Maging masaya lang si Mauricé, okay na ako. Masama ba iyon?
Nahilamos ko ang mukha ko. Naupo ako sa upuan na tabi ng hospital bed ni Mauricé, samantalang si Ate Raine ay nandoon naman sa sofa, matalim ang tingin sa akin.
"K-u--y--a..." para akong binuhusan ng malamig na tubig ng may humawak sa kamay ko sabay sa pag-tawag sa akin.
Mauricé...
May nagbadyang mga luha sa gilid ng mata ko ng makita siyang gising na. Sobra ang sayang nararamdaman ko ng makita siyang gising.
"S----or--ry,"
"No... I'll just call the doctor. Wait me here, okay?"
Pagkatango na pagkatango ni Mauricé ay agad akong lumabas ng room na iyon at pumunta sa may Nurse na gising na si Mauricé. Medyo nainis pa ako kay Ate Raine dahil nandoon lang siya sa sofa at parang walang pakealam sa kapatid namin na kakagising lang.
Damn you! I hate you!
Agad kong tinawagan sila Mommy at Daddy na gising na si Mauricé. Bumili kasi sila ng makakain dahil kagabi pa kami walang kain simula ng dalhin si Mauricé sa hospital.
8:13 A.M. and you're already awake Mau.
Kuya loves you so much.
Agad na inasikaso ni Dr. Reyes si Mauricé, buti na lang ay naka duty siya ngayon dito sa hospital. Tiningnan niya ang kalagayan ni Maurice, ngayon ay papunta na siya sa gawi naming apat nila Mommy, Daddy at Ate Raine.
"Good thing she's awake. May huli pa siyang gamot na iinumin mamayang lunch, and then you're ready to go." Nakangiti niyang sambit sa amin. Buti na lang ay may pera kaming nakalaan para sa hindi inaasahang pagpapadoktor ulit ni Maurice.
"Just don't make her stress, not so much happy and not so much sad." Malumanay na tugon nito sa amin, sunod sunod lang tango nila Mommy at Daddy, samantalang kami ni Ate Raine ay nakatingin lang sa kanya.
Tinignan niya naman si Mommy, "I-check niyo rin ang oras ng pagtulog niya, bawal siyang mapuyat dahil mas mataas na ang white blood cells niya kesa sa red blood cells. I already ask her if she feel dizzy sometimes but she said no, so it's still okay." Tugon muli nito tsaka tumalikod at umalis sa kwarto ni Mauricé.
Agad nilang kinausap si Maurice, ako naman ay nagpaalam na lalabas muna.
Magpapahangin.
So much stress happened today but I'm happy, atleast my li'l sister is safe.
BINABASA MO ANG
The Girl Who Can't Confess (Book 1)
Teen FictionThe Girl Who Can't Confess [Book 1] COMPLETED STORY Have you ever fell in love with someone and confess how do you feel for them? Confess your feelings without a doubt? Not thinking that confessing your feelings to someone may change your whole...