TGWCC XVI- Ms. Sungit

66 11 5
                                    

♡ Finlay Jaxtyn's POV ♡

From: Cheska Mauricé
Sayo lang coz it's not worth chatting you. So PLEASE STOP! I don't give a damn time for an asshole like you. I know you're gonna hurt me and just leave me in the dark.

From: Cheska Mauricé
Kung isa ako sa mga babae mo, you better stop and just live on your own life. Mag-aral ka ng mabuti hindi puro ka lovelife.

Kakagising ko lang at agad ko'ng kinuha ang cellphone na naka-charge. Pagka-open ko ay agad na may message galing sa kanya.

Napa awang ang labi ko sa mahabang chat ni Mauricé sa akin. Nanlumo ako sa chat niya dahil tila ba ako na ang pinaka-masamang lalaki na nakilala niya.

Kanina pa iyong chat niya at hindi ako nakareply, nag shutdown kasi ang cellphone ko dahil hindi ko namalayang lowbatt na pala ito. Kaya naman ang ginawa ko ay ang magreview ako  mga isang oras sa Earth Science.

Mas lalo lang 'yong magagalit sa akin dahil bigla akong hindi nag-reply. Baka isipin na naman no'n na marami akong babae at kapag na-basted niya ay mayroong reserva..

How many times do I have to tell her?!

Mag-aala-una na ng umaga at sigurado akong tulog na sila Mommy at Daddy. Sigurado rin akong tulog na iyon si Mau dahil pagod din iyon sa laro kanina.

Wrong timing naman kasing cellphone ito!

To: Cheska Mauricé
  Hey! Slvr, shut down cellphone ko kanina.

To: Cheska Mauricé Hindi naman ako katulad ng ibang lalaki na sinasabi mo eh. Sorry kung ganoon ang tingin mo sa akin, pero I promise I'm not that kind of boy you think.

Nag-reply pa rin ako kahit alam kong maaring kinabukasan na siya mag reply or worse hindi na mag-reply. Ipipikit ko na sana ulit ang mata ko pero nag-vibrate ang cellphone kong nakalagay sa side table ko.

From: Cheska Mauricé
   Okay.

Sa daming babaeng nakachat ko, well don't get me wrong galing sa friends ko. I never received a chat na ganito kaikli.

Nanlumo ako lalo sa chat niya pero hindi ako titigil sa pangungulit sa kanya lalo na't nakikita ng sarili kong mga mata kung paano siya maapektuhan ng ginagawa at pinagsasabi ko sakanya. Iyong kanina nga lang na pagtitig ko sakanya ng malapitan ay kitang-kita ko kung paano siya mailang at ang mamula dahil sa kilig.

To: Cheska Mauricé
    Ohh! I thought you're already asleep. Don't get me wrong please, hindi talaga ako katulad ng lalaking iniisip mo.

To: Cheska Mauricé
I'm not an asshole, I promise you with that.

From: Cheska Mauricé
   Ay hindi tulog pa ako. Awooooo.

Napangisi naman ako sa chat niya, the girl with an unsual smile at laging may baong joke. Pinindot ko ang video call at in-answer niya naman kaagad.

'Yan pala ang ayaw sa akin pero isang tawag, answer kaagad?

Deny pa Mauricé, deny pa.

"Oh?! Magsalita ka na!" Dinig kong bahagyang sigaw niya sa kabilang linya. Kita ko ang mukha niya dahil nasisinagan iyon ng ilaw, medyo magulo pa ang buhok niya at halatang galing pa lang sa tulog dahil mapupungay pa ang mata niya.

She's still beautiful with those messy hair and sleepy eyes.

"Bakit gising ka pa?" Tanong ko sa kanya, naka open ang camera ko pero hindi naka-on ang lamp na nasa may side table ko kaya hindi niya kita ang mukha ko.

The Girl Who Can't Confess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon