Kinabukasan ay siyang opening parade ng school intramurals, sa buong campus lang naman umikot.
"Good morning Dominicans!" Sigaw ni Sir Roel, Master of Ceremony sa araw na ito. Nag-hiyawan ang mga estudyante sa pagbati ni Sir, nandito ang lahat sa may open field ang lahat ng estudyante dahil kakatapos pa lang ng opening parade. "Are you excited to play?!" Tanong niya at nagsigawan na naman ang crowd kasabay sa pagdambol ng mga drummers.
Hindi ko tuloy maiwasang mairita dahil sumasabay ang tibok ng puso ko sa dambol ng mga drummers. Nakakakaba na ewan. May kung anu-ano pa ang sinabi ni Sir Roel, sumunod sa kaniya ang mga curriculum chairman at sinabi ang mga bilang ng mga grade 7, 8, 9, 10, 11 at ang bilang ng estudyante sa grade 12. Pakatapos naman ay ang opening remarks ng Dean.
"Tara canteen?" Paganyaya ko sa kanila Cath. Gutom na rin ako dahil hindi na naman ako nag-almusal kanina. Tumango sila sa akin at naglakad na kami papunta sa canteen, halos hindi kami makasingit dahil ang dami na ring estudyante doon. Mabuti na lang at hindi naman gaanong mabanghi ang amoy, hindi nakakasuka.
Amoy na amoy ang burger, spaghetti, at kung anu-ano pa. "Lasagña na lang sa akin saka soda." Tugon ko kay Ruby, siya kasi ang mag-oorder sa amin para isahan na lang. Papunta na sana siya para um-order ng biglang dumating naman sila Callix.
"Kami na lang ang oorder sa inyo," ani Callix sa amin habang nakangiti. Mulang good mood siya masyado dahil siya pa talaga ang nag-offer.
"Sige ikaw na lang, thanks Callix." Pasasalamat naman kaagad ni Ruby dito at nilahad na kaagad ang pera sa palad nito. Napangisi na lang ako sa ginawa ni Ruby. Halatang ayaw makipag-siksikan.
"Wow!" Naiusal na lang ni Callix. "Tara Erin," anyaya niya sa kanila Erin pero kaagad na bumaling sa amin muli para tanungin kung ano ang oorder-in namin. "Ano ba bibilhin ko nito?" Tanong niya.
"Apat na lasagña at saka apat rin na soda." Tugon ko na lang sa kaniya at saka ito tumango.
"Dine in or take out?" Tanong naman ni Erin, inismiran ko ito.
"Malamang dine in Erin, hindi tayo teacher para mag-take out at pahiramin nila ng platito." Pagtataray naman sa kaniya ni Sharlaine. Binelatan niya na lamang si Sharlaine saka sila um-oder. "Baliw talagang Erin 'yun. Paano kaya 'yun nagustuhan ni Nissa?" Napapaira na tanong ni Sharlaine.
"Baka nadala lang sa kadaldaan, same vibes sila eh," ani Ruby kaya napangiti na lang kami.
"Wow Mau! Kasali ka ba sa players?" Tuwang-tuwa na tanong sa akin ni Grace at nginitian ko na lang siya at tinanguan. Hindi ko nasabi sa kanila na sumali ako sa intrams dahil biglaan rin naman 'to.
"Ang sexy wiw! Dapat ikaw na lang ang sumali sa Mr. & Ms Intrams." Ani Callix at sumipol pa, tinarayan ko siya dahil umiiral na naman ang pagkapilyo niya. Buti na lang wala pa si Amber at baka ma-offend pa -yun.
"Sigurado ka ba diyan Mau?" Cath na pabulong sa akin habang inaayos ko ang gamit ko sa bag. Tumingin na lang ako sa kanya saka nagpilit ng ngiti.
Wala eh, pumayag na akong mag laro ng badminton ngayon lang naman na School Intrams. Sa municipal meet ay hindi na dahil paniguradong magagalit sa akin sila Mommy. Saka wala ring kasiguraduhan kung makakapasok ba ako sa Municipal Meet, it's not my goal anyway.
"Buti na lang sumali ka," nakangiting sabi sa akin ni Ruby.
"Naku! Paniguradong panalo na iyan." Tuwang-tuwa naman na sabi ni Sharlaine habang pinapanood akong ayusin ko ang gamit ko sa bag. Nginitian ko sila ng tipid, hindi naman talaga dapat ako sasali dito.
"Hindi no, pumayag lang ako kasi napipilitan lang ako tsaka ang kuling kasi ni Ma'am Olive."
Hindi ko kasi alam kung gamay ko pa ang paglalaro lalo na at competition ito. Kapag nasa bahay kasi ay hindi naman masyadong nakakapagod, laro-laro lang ganoon.
BINABASA MO ANG
The Girl Who Can't Confess (Book 1)
Roman pour AdolescentsThe Girl Who Can't Confess [Book 1] COMPLETED STORY Have you ever fell in love with someone and confess how do you feel for them? Confess your feelings without a doubt? Not thinking that confessing your feelings to someone may change your whole...