"Mau, gising na na anak." Dinig kong sambit ni Mommy habang niyuyugyug ako. Napamuklat ako ng gisingin ako ni Mommy. Tiningan ko naman ang cellphone ko kung anong oras na ba.
"Good morning Mom, sabado po ngayon walang pasok," tugon ko sa kaniya saka muling pumikit upang matulog.
Napangisi naman si Mommy sa akin, anong problema ba? Sabado ngayon, gusto ko pang matulog ko naman ulit ang oras sa cellphone ko. Napakurap-kurap pa ako dahil 8PM pa lang pala ng gabi kaya pala napangisi sa akin si Mommy.
Nakatulog pala ako akala ko man lang ang tagal na ng tulog ko kanina. Umupo naman ako galing sa pagkakahiga at tiningnan ko si Mommy. Nakangisi pa rin siya sa akin kata kinusot ko ang mga mata ko.
"Mau, friday pa lang Bangon na at magdi-dinner na tayo," tugon niya sa akin habang hindi mapigilang mangiti. Napasapo na lang ako sa buong mukha ko dahil sa hiya.
Bumangon na ako at sumunod kay Mommy na naglalakad palabas ng kwarto ko.
"Antagal mo namang magising, maurice?" Bungad sa akin ni Daddy ng makarating ako sa dining area.
"Good evening Dad! Wala po kasi si kristine kaya naka tulog ako kanina," pagpapalusot ko.
"Good morning Mauricé!" Inaasar nama, ako ni Mommy. Kainis bakit ba kasi ako nakatulog kanina. Lutang pa ako kanina nang gisingin ni Mommy dahil akala ko 8AM na ang nakalagay sa cellphone ko. Hindi ko tiningnan iyog PM na nakalagay sa oras.
"Mom, gabi pa lang ngayon," saway sa kaniya ni Kuya. Nawi-weirdohan pa siya sa tono ng pananalita kay Mommy.
"Akala kasi kanina ni Mau umaga na," tugon sa kaniya ni Mommy saka tumawa naman si Kuya at si Mommy habang si Daddy ay naglalagay ng pagkain sa plato ni Momy.
I must admire the love of Daddy to my Mommy, their love is uneding and unconditional. Minsan lang sila magdiskusyon and they find a way to fix it whenever they have a fight.
"Ayan kasi love life pa. my heart beats fast pang nalalaman sa diary," sabi ni Kuya habang may nakakalokong ngiti na nakatingin sa akin. Kaya naalala ko naman ang diary sa cellphone ko. Walang password ang cellphone ko, paniguradong nabasa niya 'yun o kaya naman 'yung sa laptop ko.
"Che! Pakialamera," singhal ko kay Kuya.
"Replayan mo naman iyong mga munting suitors mong. Napaka-snob kaya single." Sabi niya ng hindi man lang tumitingin sakin.
"Che! Atleast ako snob kasi di ko naman talaga sila gusto, eh ikaw nga andami mong babae." Sabi ko sa kaniya saka napapairap. Nilagyan ko na ng kanin at ulam ang plato ko.
"Tugimigil nga kayo, respeto sa hapag, Renz at Mauricé." Kalmadong suwaysa amin ni Daddy.
Kumain naman kami ni Kuya Renz a.k.a. Basher. Kainis nagbasa pa ata ng convo ng mga cold replies ko sa mga nanliligaw sakin. Hindi ko naman kasi bet, una pa lang sinasabi ko na sa kanila pero nagrereply pa rin sila. Hindi katulad ni Jack na sobrang kulit, kaya syempre rereplyan ko pa din naman. Mabait pa naman ako pero hindi ko talaga sila bet. Tulog mantika pa ang puso ko.
Tiningnan ko naman si Kuya at nag pogi sign pa. Amfeee niya talaga minsan. Kumain na nga lang ako para maalis ang inis ko sa kaniya. Lalagyan ko na kaya ng password ang cellphone ko.
"Mau, maaga tayo bukas sa check up mo." Paalala ni Mommy kaya napatingin ako sa kaniya saka tumango.
"Sasama ako sa inyo," napatingin naman ako kay Daddy. Ngayon lang ata siya hindi busy, buti naman 'yon.
"You're not busy tomorrow, Dad?" I asked him, malay ko ba na baka may trabaho siya saka marami pang gagawin.
"Bakit ayaw mo ba akong kasama?" Tanong niya sa akin saka napataas ang kilay niya sa akin at umiling naman ako.
BINABASA MO ANG
The Girl Who Can't Confess (Book 1)
Teen FictionThe Girl Who Can't Confess [Book 1] COMPLETED STORY Have you ever fell in love with someone and confess how do you feel for them? Confess your feelings without a doubt? Not thinking that confessing your feelings to someone may change your whole...