TGWCC XXXV- I Like Him

35 5 0
                                    

"Nope, it's just a municipal meet and the venue is in our school." Pagpapaliwanag ko sa kaniya pero umiling lang ito sa pagkadismaya. "H--e's courting me." I said nervously.

Tumingin sa akin si Kuya nang walang emosyon at saka binalik ang tingin sa daan.

"I'm just asking you if you're dating." Sabi nito sa akin at napabuntong hininga naman ako. "Well, if that's the case. Sinabi mo sa kaniya na may sakit ka sa puso?" Tanong nito sa akin.

Umiling ako, I don't have any plan to tell this to him, early. Besides, nanliligaw pa lang naman si Jack.

"I already warned you, Mau. I'll kill him to hell if he hurts you." Sabi nito sa akin kaya napatingin ako sa kaniya.

Akala ko ay nagbibiro lang si Kuya sa sinasabi niya pero sa mukha niya pa lang ay alam mo nang walang halong biro ang sinasabi niya.

"I'm just corcerned with you, I'm not going to tell him your heart disease. Just make sure he wil not hurt you that will lead you to the hospital." Sabi niya saka pinark ang kotse sa loob nang bahay namin.

Ni-hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa bahay dahil masyado kong iniisip ang mga sinasabi sa akin ni Kuya. Alam kong kapag nag-mahal ako o kaya naman ay maging kami ni Jack, alam kong imposibleng hindi ako masasaktan. Love takes risk, masasaktan at masasaktan ka sa hindi inaasahang pagkakataon. Karugtong na ng pagmamahal ang masasaktan ka talaga.

Tahimik akong bumaba sa kotse ni Kuya habang dala-dala ang bag ko.

"They're here." Sabi ni Kuya sa akin, at doon ko lang naalala na mamanhikan pala ngayon ang pamilya nang ama ng pinag-bubuntis ni Ate Jeanne at kami.

Kami-kami lang naman ang nandito sa bahay, walang masyadong bisita dahil nga minadali rin talaga ni Daddy ang pamamanhikan. It's because Ate Jeanne is already pregnant.

"Yeah. I have to change my clothes first." Sabi ko kay Kuya.

Pumasok ako sa bahay at nadatnan namin ni Kuya na nandoon na ang pamilyang Raita at sila Daddy. May ibang kamag-anak pa silang nasa labas nang bahay na may nag-iinuman, siguro ay Uncle and Aunties rin ni Kuya Philip dahil nakita ko rin ang iilan kong Tito roon.

"Good afternoon po." Bati ko nang makapasok ako dahil ang mga mata nila ay nasa akin nang pumasok ako.

Lumapit sa akin si Mommy na sobrang nag-aalala na naman. Nag-ooverthink na naman siguro si Mommy dahil sa magkasunod na dinala ako sa hospital noong nakaraan.

"Are you okay, Mau? You look a bit pale." Sabi nito sa akin.

"I'm okay Mom. You can talk to them, I'm fine." Sabi ko.

Wala naman akong nararamdamang masama kaya okay lang talaga ako. Hindi ko lang alam kung bakit nasabi ni Mommy na namumutla na naman ako.

"I'm going to change my clothes, Mommy." I said to her and she nodded to me.

Pumasok ako sa kwarto ko at nag-bihis nang tshirt at saka shorts saka ako lumabas ng kwarto. Nag-uusap usap pa rin sila tungkol sa kasal. If I know, Daddy wants it to be this early. I think next month na kaagad kapag ready na ang lahat dahil buntis na si Ate at ayaw ni Daddy na lumabas ang bata na hindi pa sila kasal.

"Cheska Mauricé, how's your school?" Bungad sa akin ni Lolo ng makalabas ako ng kwarto ko. Nagmano muna ako sa kaniya ngumiti.

"Okay lang naman po, Lolo. I'm doing fine in school, minsan hectic schedule ko pero nakakaya naman po." Tugon ko dito at tumango naman siya.

"That's good, always take care of your health, okay?" He said and I nodded. "Congrats nga pala sa'yo, I heard you won on your school based intramurals." Anito at napangiwi ako.

The Girl Who Can't Confess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon