♡ Jack's POV ♡
"Nasaan si Cheska?" Tanong ko kay Cath na kaklase ni Cath at kinunotan lang ako nito ng noo. "Huy! Nasaan si Cheska?"
"Sinong Cheska ang hinahanap mo dito?" Tanong nito sa akin, nasapo ko na lang ang aking noo dahil hindi pala 'yon ang tawag nila sa kaniya. Tsk, Cheska Mauricé! "Ah si Cheska Mauricé ba? Absent." Sagot nito sa akin nang mapatanto kung sino ang hinahanap ko.
Well, I just feel so special dahil ako ang tumatawag nun sa kaniya.
"Bakit absent?" Tanong ko dito pero hindi ako sinagot.
Hindi kasi siya sa akin kahapon nag-chat paka-uwi ko galing sa kanila kaya medyo nag-aalala ako. Baka kung ano ang nangyari sa kaniya doon sa bahay nila, miss ko na siya
"Huy bakit nga?" Pangungulit ko dito pero hindi pa rin ako sinagot.
"Sagutin mo nga ako, Jack." Biglang sabi ni Cath sa seryosong tono kaya bumaling ako sa kaniya ng tingin. "Seryoso ka ba kay Mauricé?" Tanong nito sa akin at napatigil na lang ako pero kaagad ding ngumiti sa kaniya nang pagkatamis-tamis dahil bahagya akong nao-awkward sa kaniya.
"Oo naman. Bakit?" Tanong ko dito dahil masyado siyang seryoso.
"Gumagamit ka ng bawal na gamot, 'di ba?"
Nanindig bigla ang lahat ng balahibo ko sa katawan dahil sa biglang pag-sabat ni Sharlaine sa usapan ni Cath. Binalingan ko siya ng lito'ng tingin. This can't be! Alam na rin nila?
"Hey answer me. I'm concerned with my bestfriend so I'm asking you this. This is a serious talk, Jack. We can't stop Mauricé's feelings for you." Seryosong usal nito sa akin.
"Ahh. Ye-- no. I stop using it, 2 years ago." I said to them and they glare to each other. "Wait... Does Mauricé knows about this?"
Fuck! Sabi ko na nga ba! Maaaring malaman niya 'to, walang sekretong hindi naiibunyag.
"Yes." Diretsong sambit ni Cath at nasapo ko na lang ang noo ko dahil doon.
Pero bakit hindi ko man lang naramdaman na naiilang siya sa akin kahit alam niya na ang tungkol doon? She will probably makes distance from me and avoid me but she didn't!
"We warned her already about that, but she still accepts you. Para sa akin naman, hangga't hindi mo siya nasasaktan ay okay lang."
"Just stop using it, Jack. Or else kami na ang gagawa ng paraan para hindi ka na ulit sa kaniya makalapit." Seryosong sabi ni Sharlaine at para akong aso na tatango-tango sa kaniya. "She likes you." Diretsong sabi nito at napa-tingin na lang ako sa baba ng building.
So, gusto niya na talaga ako? Kaya niya ba ako pinayagang manligaw sa kaniya?
"Are you courting her?" Tanong naman bigla ni Ruby na nasa tabi ko na. Medyo lumayo naman ako sa kaniya dahil dikit na dikit siya sa akin. "Oh sorry. Ang sensitive mo naman masyado, porque may Mauricé ka na!" Tugon nito sa akin habang naka-ngiti na kita ko sa gilid ng mga mata ko.
"Are you serious about what you aksed her yesterday?" Tanong sa akin ni Cath at tumango ako. "Pumayag ba siya?" Tanong na naman nito sa akin kaya binalingan ko na siya ngayon ng tingin.
"Oo. Sabi niya kahapon bago kami mag-hiwalay, bahala na raw ako kung liligawan ko siya. So I take it as Yes for an answer to my question." Bahagyang nakangiting sabi ko sa kanila. "Pero teka nga, nasaan ba kasi si Mauricé?" Tanong ko ulit sa kanila at nag-kibit balikat naman sila.
"May importanteng inaasikaso sila ng pamilya niya." Sabi nito sa akin at napatango na lang.
Maybe a family matters pero bakit hindi man lang nag-rereply sa mga chat ko sa kaniya simula kahapon?
BINABASA MO ANG
The Girl Who Can't Confess (Book 1)
Ficção AdolescenteThe Girl Who Can't Confess [Book 1] COMPLETED STORY Have you ever fell in love with someone and confess how do you feel for them? Confess your feelings without a doubt? Not thinking that confessing your feelings to someone may change your whole...