Nakita kong may lumapit na mga babae sa gawi ng mga basketball player nila Jack.
"Ayun na! May magpapapicture na kay Jack!" Ani Erin at umirap naman ako sa kawalan. Sige, maghanap siya ng babae, mukha namang mga clown 'yung mga yun eh. Hehe
"Pusta ako, si Jack ang puntirya niyan." Dagdag naman ni Callix sa sinabi ni Erin. Tinukso na naman tuloy ako nila Cath kay Jack. "Ang isa diyan tahimik lang pero nag-seselos na 'yan." Anito.
Tinulak nang isang lalaki na teammate ni Jack siya doon sa babae na gusto ata siya. Tinignann ko lang sila, nakahawak pa si Jack sa balikat nung babae at 'yung babae naman ay napahawak doon sa dibdib ni Jack para mabalanse at hindi matumba.
"Jalousy Mauricé!" Hiyaw ni Ruby at kinurot ko naman ang kanyang tagiliran. Bwesit talaga ang mga 'to! Kahit kailan ako ang puntirya kapag nandiyan si Jack! "Ano abangan na ba natin mamaya?" Tanong pa nito sa akin kaya tinignan ko siya.
"Sige abangan niyo, basta inosente ako." Tugon ko sa kanila. Napatawa naman sila Cath at Sharlaine sa sinabi ko. Biro lang naman 'yun eh, pero dahil hindi sila mabiro, tinawanan pa ako! "Tumahimik nga kayo," tumingin muli ako sa baba at sakto namang pagtingin ko ay tumingala si Jack, nagtama ang mga paningin namin.
"Ay selos!" Hiyaw nila Callix sa akin at tinarayan ko na lang sila.
Nagpicture 'yung dalawa sa baba, tatawagin ko na sana siya'ng babaero na naman pero ano ko ba siya? Manliligaw lang naman siya. Nakatalikod silang dalawa sa gawi namin kaya hindi ko matantya ang itsura ni Jack at no'ng babaeng nagpapicture kay Jack.
Tsk! Ano ba ang mayroon sa picture kapag may ganitong event? Palagi na lang nagpapapicture sa mga crush nila 'yung mga babae at lalaki, eh hindi naman magiging sila. Badtrip!
Pagkatapos nang opening remarks sa Municipal Meet ay kaagad na nag-alisan ang mga players doon sa covered court. Kami naman nila Cath ay nanatili doon na nakatingin sa baba. "Hala! Kita mo 'yun?" Tanong ko kay Cath na nasa tabi ko, tinignan niya naman 'yung tinuturo ko. May nakita kasi akong maputing lalaki, hindi naman katangusan ang ilong pero may itsura!
Nakahanap naman din siya, pwede rin naman ako lumandi. Single naman ako eh!
"Alin doon?" Tanong sa akin ni Cath.
"Yung naka-sport shorts, tshirt na itim at naka-tsinelas lang. 'Ayun oh!" Turo ko pa sa kaniya habang nginunguso ko.
"Ay oo! Hala, pogi nga!" Ani Cath at saka nag-nginitian kaming dalawa.
Tiningnan namin 'yung lalaki at nakita kong may dala-dalang rocket habang ang lagayan nang rocket ay nakasukblit sa balikat niya!
"Badminton amp!" Sabi ni Cath kaya mas lalo akong medyo kinilig.
"Yay!" Ani ko, simple lang kasi talaga 'yung lalaki at maputi compared to Jack! "Gash!" Pinagmasdan ko 'yung lalaki at ganoon din si Cath.
Sinabi rin ni Cath sa kanila Ruby 'yung lalaki at tiningnan naman nila ito. "Wew! Ang astig mo talaga mag boy hunting, Mau!" Papuri sa akin ni Ruby kaya nilagay ko naman sa likod ang buhok ko, nagpaganda.
"Basta talaga mga pogi, lumulinaw ang mga mata!" Ani Erin saka umiling-iling.
Tinarayan ko lang siya. Kung makapag-salita siya, parang hindi luminaw ang mata nila sa mga babaeng magaganda.
"Atleast ako single," singhal ko sa kaniya.
Napa-ohh naman si Callix at Andrew sa sinabi ko. Pumasok na kami sa classroom nang mawala 'yung pogi na lalaki. Nilabas ko na ang cellphone ko saka ako nag-basa na naman ng wattpad pero hindi pa nag-tatagal ay siyang pag-dating na naman ni Jack.
![](https://img.wattpad.com/cover/222740163-288-k766181.jpg)
BINABASA MO ANG
The Girl Who Can't Confess (Book 1)
JugendliteraturThe Girl Who Can't Confess [Book 1] COMPLETED STORY Have you ever fell in love with someone and confess how do you feel for them? Confess your feelings without a doubt? Not thinking that confessing your feelings to someone may change your whole...