"Hmm sa Mc Donalds na lang kaya? " suggestion naman ni Cath.
Tumango na lang kami sa suggestion niya at nag-ayos na kami ng gamit namin saka nag-lagay din ng kaunting Johnson Powder sa mukha tsaka kaunting lipbalm. Feeling ko kasi sabog ang mukha ko . Kakahiya naman diba? Sa makakakita sakin.
"Grabe uwian na lang nagpapa ganda pa," Sharlaine while playfully smiling at me. Palibhasa hindi masyadong nagpapaganda siya kase ayaw ng face powder at tamang liptint lang ang gamit niya. Minsan talaga hindi ka mawawalan ng kaibigan na epal sa buhay mo.
"Syempre pupunta dito mamaya si Mr. Bauer," sabat naman ni Erin.
Badtrip to! Kahit ano nalang na gawa ko napupuna. Wala ba kayo sariling buhay? Pakealamera!
"Tse! Tara na nga," asik ko kay Erin saka inaya na sila Ruby umalis sa classroom.
"Ayiiieeee!" Sharlaine teased, I rolled my eyes on her.
"Makikita mo na ulit siya gurl!" Ruby while smiling at me. Hindi na lang ako nag-salita dahil pati si Cath ay nakisali na rin.
"Naku po!" Ani Cath.
Nang makarating na kami sa Mc Do ay nagdiskusyon pa kami kung sino ang mag-oorder. Mga lintek! Ang ingay namin pag pasok sa Mc Do kase naman hindi alam kung sino ang oorder ng pag-kain namin. Buti na lang nag-volunteer na si Sharlaine na siya na lang ang mag order. Pare-parehas na lang din ang inorder namin para wala ng lituhan.
Dumating naman si Sharlaine na bitbit ang order namin Chicken Fillet, Fries tapos Mcfloat. May naka kasunod pa sa kanyang isang crew bitbit ang ibang pagkain dahil hindi kasya lahat ng order namin sa iisang tray lang. Madami kasi.
"Thank you po Kuya!" Sabay-sabay namin na sabi kay Kuya Crew na nag hatid ng pagkain namun at umalis na din.
"Mga walang hiya kayo! Ang sasarap ng buhay niyo dito habang ako nahirapan pa doon," pag rereklamo ni Sharlaine sa amin pakalayo ni Kuyang Crew. Tinawanan naman namin siya tsaka nilantakan na namin ang pagkain.
Buti na lang at walang lesson ngayong hapon. May general meeting daw kasi ang lahat ng teachers. Siguro buong hapon ngayon wala ng papasok na teacher tamad pa naman ang iba namin teacher sa pang hapon tapos yung iba busy-ing busy na kasi intrams next week.
Well, mabuti nga iyon eh! Nang pakarating namin sa classroom ay nagulat pa ako kasi nandon nga siya. Pumunta nga si Finlay Jaxtyn Bauer at kasana niya sila Callix, Erin, at Michael.
Pinag uusapan nila ang mga 'babae' raw nila. Boys will be boys! Pakapasok namin ay grabe ang ngisi ng mga classmate namin sa akin.
"Nakooopo! Andiyan na!"
"Here comes the bride all dress in white."
"Mauricé, crush mo oh si Bauer!" Bungad sa akin ng mga classmate ko. Lupa kainin mo nga ako please.
I'm sure my face is color red. Nang iinit na ang mukha ko. Kaya ayaw kong nagka-crush at ipapaalam sa mga kaklase ko o kahit sa kanila Cath. Magiging cause lang naman kasi 'yun ng panunukso nila sa akin. Pero anong magagawa ko? Sinabi na nila.
Gumawa naman kami ng pa-circle nila Cath, Ruby at Sharlaine. How great! Nag mala devil-smile sila sa akin. Lunatic friends!
"Pansinin mo na kasi," Cath urged me to confess on Jack. As if gagawin ko 'yon?
"Buti ka nga pinupuntahan ka pa eh," reklamo ni Sharlaine.
"Hindi iyan! Tapos mamaya manghihinayang na naman iyan kasi hindi kinausap ni Jack," Ruby habang nakataas ang isang kilay sa akin kaya tinaasan ko na lang rin siya ng kilay saka ako bumuntong hininga.
![](https://img.wattpad.com/cover/222740163-288-k766181.jpg)
BINABASA MO ANG
The Girl Who Can't Confess (Book 1)
Roman pour AdolescentsThe Girl Who Can't Confess [Book 1] COMPLETED STORY Have you ever fell in love with someone and confess how do you feel for them? Confess your feelings without a doubt? Not thinking that confessing your feelings to someone may change your whole...