"Bakit ba sa lahat ng pwedeng magkasakit ako pa? Bakit ba sa lahat ng sakit na magkakaroon ako ay sakit pa sa puso? Napakamalas ko naman." Salita ko habang kinakausap ang sarili, malayo naman ang mga tao sa akin na nakatambay doon. Mahina naman ang boses ko sapat lang na marinig ko.
Hindi ko na rin namalayan na napaluha ako at hinayaan ko lang iyong rumagasa sa mukha ko. Sumisikip muli ang dibdib ko pero kaya ko naman iyon dahil lang sa pagpipigil ng luha. Napakasakit magkaroon ng karamdaman at sakit pa sa puso, lahat ay limitado ang galaw.
"Hey," pinunasan ko muna ang buo kong mukha na nabasa ng sarili kong luha at tiningnan ang nag-salita sa tabi ko. "Are you crying?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Jack, tiningnan ko na lang muli ang tingin ko sa fish pond na nasa harap ko.
May pakiramdam ang puso ko na gusto ko siyang yakapin. Gusto kong ikwento sa kaniya na may sakit ako sa puso pero hindi ko masabi. Besides, he is jusy my friend and I don't really know if he really likes me or just tripping me.
"Umiiyak rin pala ang kagaya mo?"
Napangisi na lang ako sa sinabi niya. "Hindi ako tao kung hindi ako umiiyak." Sambit ko sa kaniya, mukhang may problema rin siya dahil nandito siya at malumbay ang kaniyang mga mata. "Bakit ka nandito?"
"Kasi nandito ka." Napabuntong hininga na lang ako sa kaniya, hindi talaga ito makakausap ng matino. "May problema ka ba? You can share it to me." Seryosong sambit niya, nang tingnan ko siya, nakatuon ang mga mata niya sa fish pond na nasa harap naming dalawa. Wala naman ata mawawala kung sabihin ko sa kaniya kung bakit ako nandito, basta ay hindi ko sasabihin aa kaniya na may sakit ako sa puso.
"Is there any problem?"
"Sabi nga nila hindi perpekto ang buhay ng tao." I smiled bitterly, didn't answer his question. "Walang perpektong tao, maganda ka nga pero kung ugali mo ay patapon ay useless din. May matalino naman pero hindi naman maganda, parang ako sabihin mo nang matalino ako pero hindi pa rin perpekto." Seryosong sambit ko habang nasa harap pa rin ang tingin.
Hindi ko rin napigilan na mapaluha sa sariling sinabi pero kaagad ko itong pinalis. I hate being fragile like this. Crying is so useless.
"Ano naman ang dahilan kung bakit hindi ka perpektong tao?" Tanong nito sa akin at napa-iling na lang ako.
"Hindi mo maiintindihan." May sakit ako sa puso at napakasakit iyon para sa akin dahil kontrolado lahat ng magiging emosyon ko.
"Iintindihin ko para sa'yo. Ganoon kita ka-gusto." Seryosong aniya na naramdaman kong tiningnan niya ako sa gilid ng mata ko.
"Life imposes things on you that you can't control, but you still have the choice of how you're going to live through this."
"Ang lalim mo talaga kahit kailan." Napapangising aniya ng tingnan ko siya. "Alam mo bang nahihiya ako sa'yo dahil matalino kang tao, para sa akin ay perpekto ka dahil bukod sa maganda ka, alam kong mabait ka rin. Masungit nga lang pag-dating sa akin." Aniya habang nakatingin sa akin ganoon din tuloy ako sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang i-react o sabihin sa pag-amin niya sa akin.
"Akala ko susungitin mo pa ako ngayon eh. Na-miss kita." Sambit niya habang seryoso pero napailing na lang ako. Does he really likes me the way I falling for him?
"May mga bagay na gustuhin man nating angkinin ay kahit kailan ay hindi mapapa-satin habang ang ibang tao ay hinahayaan na lang sa gilid. Life is so unfair." Mapait kong sambit, iniiba ang usapan.
"Alam mo ba kung bakit ako nandito?" Tanong niya sa akin, umiwas ako ng tingin.
"Bakit ko naman magiging alam? One week nga tayong hindi nag-kita." Pagsusungit ko dito, napatawa na lang tuloy siya ng bahagya. Aaminin kong na-miss ko ang kakulitan ni Jack, ang kakulitan na kahit kailan ay hindi nag-sawa sa ugali kong pag-susungit sa kaniya. "Huwag ka ngang tumawa!" Sita ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Girl Who Can't Confess (Book 1)
Teen FictionThe Girl Who Can't Confess [Book 1] COMPLETED STORY Have you ever fell in love with someone and confess how do you feel for them? Confess your feelings without a doubt? Not thinking that confessing your feelings to someone may change your whole...