TGWCC XXXIV- Baby Time

42 4 2
                                    

We went upstairs to our classroom after Jack bid his goodbye to us. Hanggang ngayon ay hindi maalis sa isipan ko ang pagkapahiya sa harap niya. Ang pag-titig ko sa katawan niya, hindi man gaanong bakat ang abs niya pero halatang nagwo-work out kahit papaano or just because he's playing basketball.

Nang ilang minuto ang ini-stay ko sa classroom ay nabibitter ako. Paano ba naman ay 'yung mga couples na lintik ay nasa unahan ko. Feel na feel ko tuloy 'yung pagiging single ko dahil sa kanila!

Lumabas ako dala-dala ang cellphone ko nang maisipan kong picture-an ang nasa babang kita ang mga nanonood ng next basketball game. Bukas pa ata ang laro nila Callix at ang kalaban pa ay sila Jack.

I took a picture of people watching the basketball game habang nasa taas ako. Ang nilagay ko'ng caption doon ay 'so bored, let's boy hunting!' I just put it on my facebook story. Hindi ko na pinakealaman ang nandoon sa baba na mga nanonood dahil tiningnan ko ang mga story ng iilang friends ko sa fb.

At ang lintik na Finlay Jaxtyn ay nasa isang story ng babae, it was the girl's friend. 'Yung nagpapapicture doon kay Jack kanina sa baba. At ang caption pa doon ng kaibigan no'ng girl ay 'sanaol nakapapicture kay crush!'. Doon ako medyo nag-selos at nainis.

"Hey pretty baby!" Narinig kong sigaw na naman galing sa pintuan, nandito na naman siya.

Kaagad siyang pumunta sa gawi ko at naamoy ko kaagad ang pabango niyang mas lalong nakakapag-gwapo sa kaniya. Kaagad kong tinago ang cellphone ko dahil baka makita niya kung ano ang tinitingnan ko.

"Sanaol," nasabi ko na lang, ginagaya 'yung caption no'ng babae roon sa picture nila ng nagpa-picture sa kaniyang girl.

Urgh! Nag-seselos ako, bakit ba?

"Sanaol talaga baby," sabi niya at pinalandi pa ang pagkakasabi ng 'baby' kaya ngumiwi ako. Ang clingy nito'ng lalaki'ng 'to hindi ko pa nga siya sinasagot. "Hey, badminton player." Sabi nito sa akin nang seryoso ang mga mukha, tinaasan ko siya ng kilay.

"Hey, babaero player." Pang-gagaya ko naman sa kaniya at nag-salubong naman ang mga kilay niya. "Problema mo na naman?" Asik ko sa kaniya saka tumawa dahil naalala ko 'yung epic na magpapasikat niya sa akin kanina sa court. Para sa akin daw pero hindi na-shoot.

"What are you smiling at, Madame Sungit?" Tanong nito sa akin at umiling na lang ako habang hindi maalis ang ngiti sa mga labi.

"Nothing, just your epic moment a while ago." Ani ko sa kaniya at piningot niya naman ang mga ilong ko kaya pinalo ko ang mga kamay niya. "Urgh!" Singhal ko sa kaniya.

"Nakalimutan ko nga 'yun, pinaalala mo pa. Gusto mo talaga 'yung napapahiya ako sa harap mo, eh no?" Sambit niya habang naka-ngiwi sa akin.

"Umi-improve na ang lovelife ng Fafa Jack natin ah!" Panunukso na naman ni Erin kaya natigil ako sa pag-ngiti.

Issue na naman!

"Magkaka-boyfriend na nga si Cheska Mauricé!" Sabat pa ni Ruby saka inirapan sila.

"Kayo naman istorbo sa moment ng dalawa." Ani Callix habang kasama si Adalee na nakasandal ang mga ulo sa kaniyang balikat.

Mga PDA! Hindi na nahiya sa aking single.

"Patahi-tahimik lang ako pero nag-seselos na ako."

Panunukso ni Cath saka tiningnan si Kael na busy sa kanyang cellphone. Naglalaro ata sa cellphone, tinaasan ko nang kilay si Cath dahil sa sinabi niya. Mangdadamay pa talaga ng inosente!

"Oo nga eh, 'di ba Kael?" Panunukso pa ni Sharlaine.

Tiningnan namin parehas ni Jack si Kael na seryoso lang sa kaka-cellphone. I wonder what he feels everytime he's teased by our classmates because of this. He's always serious!

The Girl Who Can't Confess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon