TGWCC X- Heartbeat

89 19 11
                                    

"Uyy grabe ka naman, talagang ayaw tawaging 'Mau' ni Jack." Ani Ruby at napairap ako.

"Sa ayaw ko, bumabanat lang siya ng pangbabaero," sambit ko at binuyo lang nila ako lalo.

"Sus if we know, kinikilig ka lang diyan," pinag-diinan pa talaga ang sinabi ni Cath. Hindi ko na lang namalayan na ngumiti ako at ramdam ang pamumula ng pisngi ko.

"Hoy hoy hoy! Kinikilig, ngumingiti oh!" Pambubuyo naman sa akin ni Sharlaine kaya lalo pa akong ngumisi.

Kanina inis ako, ngayon ngingisi ngisi? Iba na ata ang sakit ko?

"Iba na ata girl ang sakit mo..." Cath pinandilatan ko siya kaya hindi niya natuloy ang sasabihin niya  pero nagsalita pa rin siya. "Ang haba ng buhok mo tae ka!" Pag iiba niya ng usapan.

"Ikaw naman kasi Mau, bakit ba kasi hindi ka pa umamin, may pa-uncrush uncrush ka pa diyan. Alam naman natin kung gaano tumagal ang pagkahanga mo sa isang tao," sumbat sa akin ni Sharlaine.

"Ewan ko sa inyo, basta ako walang balak umamin, iniinis niya nga lang ako parati." Sambit ko habang pababa na kami ng building.

"Naiinis o pinipigilan mo lang ang kilig na nandiyan sa loob mo?" Ruby habang may nakakalokong ngiti sa labi. "Come on, Mau! Amin-amin din kapag may time!" Dagdaf pa nito.

Hindi na lang ako nag salita pa sa kanila dahil ayaw ko ng pag usapan pa ng paulit ulit ang pag aamin ng feelings.

Nang makarating naman kami sa court ng badminton sport ay agad kong nakita si coach Ali.

"Iyan pala ang ayaw huh? It's good to see you here Mau," panunukso naman sa akin ni Coach. Kahit nga pala Coach siya ng badminton, siya na din ang magministulang referee sa amin.

Umupo naman kami nila Cath sa may side ko kung saan dun ang unang base ko. Ang scorer naman daw ay ang isang senior na magiging kalaban ni Grace.

Hindi ko naman kilala ang magiging kalaban ko dahil I'm not fun of knowing random names. Sa almost 5 years kong pag stay dito, wala naman akong masyadong kilala, nakikilala ko na lang nang dahil na rin sa facebook.

I think ang makakalaban ko pa ay ang defending champion last year. Limot ko talaga ang name. May panalo pa ba ako dun? Parang wala na eh defending champion.

Nang madali ng mag simula ay naka ramdam akong kaba. Kakaibang kaba na sa tingin ko pati facial expression ko ay hindi maipinta.

Nagpalinga linga ako sa paligid na tila may hinahanap at may gustong makita pero ng wala naman akong makitang kakaibang mukha sa audience ay tumingin na lang ako sa harap ko

"Huy wag kang kabahan, kaya mo yan," Cath said to life up my confidence, I smiled at her.

"Oo nga Mau, manonood din 'yon si Jack kaya wag kang mag alala, sa tingin ko nga ay nandito siya dahil binalita na nila Callix na may laro ka." Ruby seriously said but I can sense in her eyes that she's teasing me with Jack.

"Parang hindi naman iyon interesado sa akin, tss baka sa legs ng manlalaro oo." Supladong sabi ko sa kanila na halata mo ang bitterness.

Halata naman kasi, tingin niya pa lang kanina ay parang may pang-nanasa. Peripheral version ko lang 'yon pero weird talaga or baka nago-over think lang ako.

"Ikaw naman! Judger ka masyado kay Jack, pag 'yan naging boyfriend mo."
May pang babanta na sambit ni Cath kaya binalingan ko siya ng tingin.

"Ano? Kapag naging boyfriend ko ano?" Hindi sanga-ayon sa sinabi niya. As if Jack will be my boyfriend, he's not even courting me. Puro lang naman ata 'yon sa harot.

The Girl Who Can't Confess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon