TGWCC XIV- Pabebe

66 12 9
                                    

Kusa akong nagising dahil ramdam kong uwian na at maingay na rin sa loob ng classroom. Buti na lang din at umayos na pakiramdam ko. Nakakahinga na ako ng maayos at normal na ang tibok ng puso ko.

"Huy kumain ka na," kita kong usal naman ni Cath sa akin. Kumakain na silang lahat at ako na lang ang hindi pa kumakain. Wala akong ganang kumain.

"Nandiyan na 'yung pagkain mo, binili ka na namin. Tulog ka kasi kanina eh," tugon sa akin ni Ruby at tumango lang ako sa kaniya.

Napangiti naman ako sa kanila ng makita ang pagkaing binili nila para sa akin. Swerte ko naman sa mga kaibigan ko.

"Thanks, mamaya ko na 'yan kakainin. 11AM pa lang naman," sambit ko sa kanilang ngiting-ngiti. Minsan lang ang mga ito manlibre.

"Anong thank you? Bayaran mo kami, anak ka ng engineer at lolo mo naman ang mag ari ng Buenaventura's," singhal naman sa akin ni Sharlaine. Badtrip naman talaga dahil isumbat ba naman sa akin na binilhan ako.

"Edi wag! Sa inyo na lang iyang jollibee niyo," reklamo ko naman sa kanila. Napansin ko naman na Jollibee ang sa akin, samantalang McDo naman ang sakanila. "At bakit naman Jollibee ang binili niyo sa akin?" Tanong ko sakanila pero tinawanan lang nila ako.

Nagpalinga linga ako sa classroom dahil baka nandito si Jack pero wala naman.  Scam talaga siya, ang sabi niya pupunta siya pero wala naman.

Nag-cellphone na lang ako dahil wala pa talaga akong gana kumain. Feeling ko busog na busog ako kahit kaninang before ng game pa ako kumain.

Grupo nila Grace kasama sila Amber, Callix na katabi si Adalee na taga HUMSS, Erin na katabi si Nissa na taga ABM at si Kael na lonely boy. Kami naman na apat ang nandito lang sa classroom.

Mga tamad din kasi pumasok yung iba porket intrams, kahit naman ako  ay hindi papasok kung hindi lang dahil dito sa badminton.

Agad naman na natapos sila sa pagkain at sinamaan ako ng tingin ni Cath Tinaasan ko lang siya ng isang kilay dahil sa tingin niya sa akin.

"Kumain ka na. Pag ikaw nagkasakit, papatayin kita sa gutom,"  singhal niya sa akin kaya natawa naman ako sakanya.

"Is that a Joke? Then Ha-ha-ha," sarkastikong sabi ko sa kaniya.

"Ano sa tingin mo joke ba 'yon?"  Maarteng tanong niya sa akin. Nakakainis, mukha siyang si Mommy kapag hindi ako kumakain.

"Hindi," nakanguso namang sambit ko dahil pakiramdam ko ay napapahiya ako.

"Then don't laugh. Kumain ka na, wala ka na ngang jowa nagpapagutom ka pa." Asik niya sa akin at napaamang na lang ako. Napaka-hardcore din talaga nitong babae.

"Wala sayong susuyo dahil single ka, kaya kumain ka na," isa pang sambit ni Ruby.

"Ano may sasabihin ka rin? Oo na single na ako. Hanep!" Baling ko naman kay Sharlaine na kunyari ay galit dahil sa mga sinabi nila Ruby sa akin.

Oh edi kayo na taken! Pag ako chinat niyong nagaaway kayo ng mga shota niyo, isusumpa ko relasyon niyo.Porket may mga boyfriend!

Tumingin na lang ako sa loob ng classroom pero parang mas lalo lang ako nainis dahil napapalibutan ako ng couples at mga taken.

Kapag talaga ako walang hiya na sa pag-confess isusumpa ko 'tong mga taken!

Umalis na ako sa room at nag-half bath ulit sa comfort room ng floor namin. I'm feeling fresh ulit!

Nakasuot na ako ngayon ng high waist pants at isang down button blouse, nakatiklop naman hanggang siko ang manggas nang sa may braso ko.

Pakarating ko sa classroom ay umalis na rin daw ang mga boys kasama ang mga girlfriend nila except kay Kael.

The Girl Who Can't Confess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon