"Medyo malayo pa ang bahay ko, umuwi ka na, magko-commute na lang ako." Sambit ko sa seryosong tono.
"Ihatid na kita, maraming loko loko sa daan, Cheska Mauricé" sambit niya.
Binitawan niya ang braso ko. Ni hindi ko namalayan ang matagal niyang paghawak doon.
"Mag-iingat naman ako. Tss kung ikaw nga di umuubra sa akin, sila pa kaya?" Pahambog na salita ko sa kanya. Ngumisi lang siya sa akin ng tipid. "Uuwi na ako, pagod na rin ako Jack. Wala na akong ganang makipag-away sa'yo," sambit ko.
Nararamdaman ko na namang muli ang napaka bilis na tibok ng puso ko. Sa loob-loob ko ay parang hindi ako ligtas sa ibang tao, mas mapapaaway ako sa sarili kong puso na labis ang pagtibok na parang kaunti na lang, lalabas na siya sa dibdib ko.
"Mau, namumutla ka. Ako na ang maghahatid sa'yo. Promise 'di muna kita kukulitin." Pinagbuksan niya na ako ng pinto sa passenger seat niya. Nilahad niya pa iyon sa akin na parang galak na galak talaga siyang pasakayin ako.
"Pero? Eh 'di ba nga malapit na bahay niyo dito? Mapapalayo ka lang kapag hinatid mo pa ako," sambit ko sa kanya. Nauutal utal pa ako dahil nahihiya na ako sa kanya. Sinabi niya pang namumutla ako kaya pilit akong ngumiti sa kanya. "Nawala lang ang liptint na nilagay ko sa labi ko," sambit ko habang nakangiti pa sa kanya ng tipid.
"Please?" Umiling-iling na lang ako at tinarayan siya sa kakulitan niya. Wala na akong magagawa, nandiyan na eh.
Blessing na ata ito, bawal ang tumanggi sa blessing.
Tahimik lang kami sa byahe habang papauwi. Tinuturo ko pa sa kanya ang daan papunta sa bahay dahil first time niya itong pumunta sa amin.
"Thanks," sambit ko habang maarte ng kaunti ang tingin sa kaniya. Alam kong medyo sumusobra na ako pero natatakot lang ako na baka ako lang umaasa at binibigyan ng kahulugan ang ginawa niyang pag-hatid sa akin. "Sorry sa abala,"
"Never kang magiging abala sa akin, Mau. Sige na, 'till next---"
"Wala nang susunod. Sige na umuwi ka na. Bye" pinutol ko ang sasabihin niya dahil alam kong 'till next time ang sasabihin niya
Like duh!? 'Till next gurl naman ata ang maihatid mo sa bahay.
Akmang bubuksan ko na ang pinto ng kotse niya ng hawakan niya na naman ang braso ko. Namumuro na ito, huh? Lagi na lang may pahawak hawak sa braso, baka masanay ako.
"Hindi mo man lang ba ako papapasukin?" Tinignan ko siya ng masama. Wala na akong ganang mag-salita pa sa kaniya. "Joke lang," tuluyan na akong lumabas sa kotse niya at agad naman akong pumasok sa may gate. Hindi na ako lumingon pa sa kanya pero nang marinig ko ang kotse niyang umandar papaalis ay nilingon ko iyon.
Ingat.
Salitang hindi ko pwedeng sabihin, natatakot ako. Natatakot ako hanggang ngayon sa pwedeng idulot sa akin ni Jack. Parang lason siya sa sistema ko at ayaw na ayaw kong makapasok siya sa lalamunan ko dahil baka mapatay ako. Mapatay ako sa emosyon na pwedeng maidulot niya, malakas ako sa tingin ng marami pero sa emosyon ko ay masyadong mahina, dagdagan mo pa ng mahina kong puso.
It's already 6PM nang makarating ako sa bahay. Nasa sala si Ate kasama na naman ang lalaki nung isang araw. Ngumiti ito sa akin at tinugunan ko naman siya ng ngiti, dinedma si ate dahil baka mahalata ang pagkaputla ko, nandoon na rin si Kuya Renz at si Kristine na naglalaro. Wala na naman si Mommy and Daddy.
Buti na lang at wala sila dahil paniguradong mahahalata nila ang panghihina ko.
Agad kong sinalampak ang katawan ko sa kama. Pumikit ako ng marahan at pinapakiramdaman ang sarili kong puso kung normal ba ito. Normal naman siya at wala akong nararamdamang masama, nakakahinga ako ng maluwag.
![](https://img.wattpad.com/cover/222740163-288-k766181.jpg)
BINABASA MO ANG
The Girl Who Can't Confess (Book 1)
Novela JuvenilThe Girl Who Can't Confess [Book 1] COMPLETED STORY Have you ever fell in love with someone and confess how do you feel for them? Confess your feelings without a doubt? Not thinking that confessing your feelings to someone may change your whole...