"Oo nga, masama 'yun Andrew, kayo na muna ni Ruby."
Panunuya naman ni Cath sa kanila Ruby at Andrew na magkatabi sa upuan. Napangiti na lang ako sa kanila, nananatili kaming nakatayo ni Jack.
"So, tara na? Punta na tayo sa photobooth!" Ani Sharlaine na nabittter na sa dalawa. "Ang hirap magkaroon ng long distance relationship, nakakabitter sa inyong may mga girlfriend at boyfriend."
Tumayo na sila'ng lahat at nagpa-una na kaming maglakad ni Jack. Nanatili pa rin ang ngitian nila.
"Hindi ko pa siya boyfriend," suway ko kay Sharlaine dahil sa sinabi niya. "What?" Tanong ko sa kanila dahil nag-ngiting aso na naman sila sa akin.
Urgh! Okay! Big deal na naman ang 'pa' na word sa sinabi ko sa kanila.
"Bakit ba kasi hindi na lang sagutin?"
Ani Callix habang natatawa, nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Pati si Jack na nasa gilid ko ay ngiting-ngiti na rin.
"Sus! Sinabi na nga niya sa pamangkin niyang boyfriend niya ako." Panunukso sa akin ni Jack kaya lalong nag-init ang pisngi ko sabay sa panunukso sa akin nila Callix.
"Kayo namang dalawa ni Jack!" Tugon sa amin ni Cath na ngiting ngiti.
Tinulak pa nila kaming dalawa ni Jack sa may photobooth, sa tapat ng camera kaya no choice. Nagpa-picture na lang kami doon.
Masayang-masaya sa feeling na nakasama ko si Jack sa picture at ngayong alam na nila Mommy ang tungkol sa panliligaw ni Jack. I don't have nothing to worry about.
Kung anu-anong pose ang ginawa naming dalawa ni Jack, komportable naman din ako sa kaniya kaya okay lang. I enjoyed every second, minute, hour and day whenever I'm with him.
"Huy, happy ka ba?" Tanong sa akin ni Jack ng papalabas na kami sa photobooth, naka-tambay na lang kasi sila Cath sa labas no'n.
"Oo. Sino ba ang hindi magiging happy kung ikaw ang kasama?" Tanong ko sa kaniya, nangiti naman siya ng todo sa akin. "Kinilig ka?"
Tanong ko dito, hindi ko maiwasan ang mangiti pabalik sa kaniya. Ang cute niya kapag kinikilig. The only thing that I never expected to happen kapag bumabanat ako sa kaniya.
"Sino ba ang hindi kikiligin kung si Cheska Mauricé ay bumanat sa akin?" Tanong niya sa akin pabalik, napailing na lang ako at hindi na rin maiwasan ang mangiti.
"Ano nasagot na ba ng oo? Ngiting-ngiti kayo diyang dalawa?" Tanong ni Erin sa amin, nginitian ko na lang siya ng sarkastiko. "Hindi mo talaga mapasagot Jack? Mahina ka talaga!"
Panunukso ni Erin kay Jack habang nakasimangot. Napangiti na lang sa kaniya si Jack.
"Calling for the attention of single, in relationship and not yet married out there! Pumunta na kayo dito, magpapaagaw na ng bouquet ang ating bride!" Narinig kong anunsyo nang MC sa kasal ni Ate. "Paging for our Maid of Honor, please come here." Dagdag nito.
Tiningnan tuloy ako nila Cath kaya napatango na lang ako. Naglakad na ulit kami pabalik sa loob kung saan ang table nila, ako naman ay pumunta sa partner kong Best Man.
"Saan ka nag-punta? Kanina pa sila hanap ng hanap sa'yo." Pagsisimangot sa akin ni Kuya.
"Ah sorry, pumunta lang kami sa photobooth ng mga kaibigan ko. Bakit?" Tanong ko dito, napailing naman siya.
Nakuha ko ang tiningnan niya at naglalakad na papunta sa gawi namin si Ate Raine at Kristine. "Bakit po ate?" Tanong ko sa kaniya ng nakakunot ang noo.
"Tinatawag ka na, they are all looking for you, magpapaagaw na ng bouquet." Tugon sa akin ni Ate Raine.
"So let's go?" Aya sa akin ng Best Man, I really don't know his name. And I don't have a plan to know it. "May boyfriend ka ba?" Tanong niya sa akin, napaawang ang labi ko sa kaniya at binalingan ko siya ng tingin. "Ahh syempre naman meron kang boyfriend, sa gandang mong 'yan?"
BINABASA MO ANG
The Girl Who Can't Confess (Book 1)
Teen FictionThe Girl Who Can't Confess [Book 1] COMPLETED STORY Have you ever fell in love with someone and confess how do you feel for them? Confess your feelings without a doubt? Not thinking that confessing your feelings to someone may change your whole...