Chapter 1
"Oh, ano? Cutting pa, mga gago!"
Tumatawa si Yesica habang inaasar sina Cadeo, Darwin at Nicus. Paano ba naman ay hindi pumasok ang tatlo sa dalawang subject namin kahapon. The teachers are requiring their valid excuse letters.
"Kayang kaya ko namang kopyahin ang pirma ni Mama. No big deal." Mayabang na sinabi ni Cadeo.
"Tangina, bakit ko pa kasi pinatulan ang pag-aaya nitong si Andronicus." Paninisi ni Darwin.
"Tingnan mo 'yang kamay mo pare, tapos ibaba mo lahat ng daliri mo maliban iyang nasa gitna. Ikaw 'yan." Si Nicus.
Tumawa ako nang ginawa nga ni Darwin ang sinabi niya. Nagpatuloy sila sa walang kwenta nilang away. Sa katunayan ay inaya kaming lahat ni Nicus, katatapos lamang kasi ng exams kahapon at wala namang ginagawa maliban sa pagtse-check ng papers.
Magcelebrate raw kami sabi ni Nicus. And when we say celebrate, it means drinks and chill. But of course, the girls declined, including me. Oo at mahilig ako sa ganiyan pero ayaw ko namang magcutting. Well, I've done that before, back when I was in Manila, but I don't want to do it here.
Mura ng mura si Darwin, hindi mawala ang pagkabadtrip niya dahil napagalitan lang naman silang tatlo sa harap ng klase. And his crush was there, watching him get toasted in front. The whole reason why he's so badtrip.
It's been six months since I transferred here. And within those months, I had three boyfriends including Felix. Iyong isa ay dalawang buwan habang iyong isa naman ay dalawang linggo.
Nicus, Cadeo, and Darwin are my classmates including Yesica and Tina. We get along with the boys because... well, I think we have the same horns. Ngayon ay palaging kaming anim ang magkakasama.
"Sien, bili tayo sa canteen." Humikab si Tina at tinapik ang balikat ko.
I nodded, and we left our table. The boys are still arguing. Cadeo and Darwin are power-tripping Nicus.
"Anong balak mo ro'n sa college na nagpapahiwatig sayo?" Tina inquired when we entered the canteen.
Medyo marami tao ro'n dahil lunchtime. I shrugged at Tina and opened my wallet to get some cash. We walked towards the counter.
"I'm not interested for now. Napapagod na rin akong mag-boyfriend." Tumawa ako.
"Flings then?" She laughed too.
"Why not?" I winked at her.
Nilingon ko ang gilid namin dahil sa tawanan ng mga kalalakihan. They were college according to their uniform. I withdrew my eyes away from them to pick my own snacks. I don't usually eat a heavy meal for lunch.
"Tangina, Sien!" Bulong bulong ni Tina sa tabi ko.
She nudged my waist slightly using her elbow. My brows furrowed and glanced at her. Namumula siya at pasulyap sulyap sa mga lalaking nasa gilid namin at bumibili rin.
"What?" I asked.
"Iyong crush ko, nariyan!" Nagmura ulit siya.
My lips twitched and shook my head. She has no shame when it comes to other boys but when her crush is around, para siyang tanga na namumula at hindi alam ang gagawin.
"Lapitan mo," I teased.
Inirapan niya ako at pasimpleng sumulyap ulit sa mga lalaki. Nagtatawanan ang mga ito dahil sa mga sariling biro. Isang buwan na yatang crush ni Tina iyong lalaki, kaya wala pa siyang boyfriend hanggang ngayon.
I glanced at her crush. Matangkad ito at medyo singkit. May linings pa ang kilay nito at bagsak ang buhok. To sum it up, he's handsome.
"Ito lang, Ma'am?" The cashier asked.