Chapter 20
"Bakit 'yong iba, nai-inspire sa uniform natin? Ako, walang mahugot na motivation dito. Mas nag-aalala pa ako kasi ang hirap labhan kung nadumihan, e. Puting puti ba naman." Reklamo ni Tina habang inaayos ang bun niya.
Tumawa ako at binalik ang tingin sa binabasa. We started wearing our clinical uniform last week. Iyong iba naming kaklase, mas lalo raw na-inspire mag-aral dahil feeling nila, nagwo-work na sila. I was actually inspired by it a little especially when Tita said that I look good on it. Kahit si Axev, sabi niya bagay ko raw. Maybe it's the confidence that it bounces you. Para kasi kaming nagta-trabaho na dahil sa aming uniporme.
"Kung saan saan ka kasi umuupo. Pwede namang punasan muna e."
"Ang unfair 'no?" She put down her reviewer.
"Alin?"
"Nag-phlebo na 'yong Set 1, tapos tayo sa second year pa? Excited pa naman ako! Iniinggit ako no'ng kakilala ko sa MCNP dahil prelims pa lang, nag-phlebo na sila."
I pursed my lips. Ako rin naman. No'ng nalaman kong nag-phlebotomy na 'yong isang set, I got excited kasi baka susunod na kami. Pero magkaiba kami ng instructor kaya naman nang sinabi ni Sir Alvs na sa second year pa kami, I got disappointed a little. But then he told us that we need to perform that under the proper subject and not under Anaphy. Iyong instructor daw kasi ng Set 1 mukhang eksayted kaya pinagawa agad sa kanila pero sabi naman niya ay hindi na 'yon mauulit.
"Ginagawa naman ng iba kahit wala pa tayong proper training, just for fun nga raw e. Ba't ayaw mong gawin?" Nagtaas ako ng kilay.
"Kung magvo-volunteer kang ikaw ang tusukin ko, sige ba." She smirked.
"Hard pass, si Nicus ayain mo. Labas na labas ang ugat no'n."
"Ha! Pass, ang arte no'n. Baka raw magka-sepsis kapag tinusukan ko. Pero magba-blood typing naman tayo bago matapos ang sem 'di ba? Tangina, kahit 'yon lang sana. Excited na akong tumusok kahit sa daliri lang." Tumawa siya.
"Oo, kapag nasa Blood na tayo. Kakaumpisa pa lang ng finals."
Bago pa mapahaba ang usapan namin ay pinatigil ko na siya sa kakatanong. We have another a quiz coming right up and the least we need right now is this conversation. My standing in the midterms was actually good. Sabay ulit kaming nag-review ni Axev kagaya no'ng prelims. I'm slowly adjusting and learning to surf along the waves of pressure.
I also realized that I can do better than what I am doing only if I don't put too much pressure on myself every low scores. It really isn't easy but I need to cope up if I don't want to be left behind. And I really want to give more what I can so I won't bother Axev everytime. Busy siya, alam kong mahirap ang ginagawa nila ngayon at ayaw ko namang dagdagan pa 'yon kaya naman nagsa-sarili ako sa pag-review ngayon.
I always say I can do it everytime he asks me if I want his help. I don't want to keep asking him for assistance, he's done enough and I am thankful for that. I just want him to focus on himself too, concentrate on his studies, hindi puro ako dahil madalas, mas inuuna niya pa akong i-review kaysa sa sarili niya.
Nang mag-uwian ay kasama ko si Yesica at Tina na pumunta sa may Samgyup malapit sa school. I can't see Axev today because he's busy, kahit no'ng mga nakaraang araw pa. The SEAIDITE is having their day and night next week and it made him busier. Sasali siya sa basketball, gusto ko sanang manood kaso nga lang, hindi pwede dahil may pasok kami. Ang unfair nga e, nagsasaya sila habang nag-aaral kami. Pero gano'n din naman sa amin soon, kapag day and night. It would be vice versa.
"Yes, totoo ba 'yong narinig kong chismis?" Tanong ni Tina habang may nakapasak na karne sa bibig.
"Pumapasok ka ba para mag-aral o sumagap ng chismis?" Kinunotan siya ng noo ni Yesica.