Chapter 2

13.8K 460 322
                                    

Chapter 2

"You what?" Napanganga si Yesica pagkatapos marinig ang kwento ni Tina.

Kinagat ko ang labi at napapikit ng mariin. Nasa Lecaros na kami, nakapwesto sa isang kubo habang hinihintay ang oras. Hanggang ngayon ay ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko. My face is still very hot from the embarrassment and shock.

"Hindi ko... sinasadya." Naihilamos ko ang kamay at napabuga ng hangin.

"Plates 'yon, Siennen. Dugo 'yon ng mga Archi," tumawa si Cadeo.

Masamang tingin ang ipinukol ko sa kaniya. Halatang nang-aasar pa siya. Si Nicus at Darwin naman ay kanina pa ako tinatawanan pero nang makita sigurong talagang frustrated ako ay tumigil na rin sila. Kadarating lang ni Yesica at kinuwento agad ni Tina ang nangyari.

"Ang harot niyo kasi!" Yesica rolled her eyes.

"May kasalanan din naman ako..." bumuntong hininga si Tina at tiningnan ako.

"Mag-sorry ka. Nakakahiya at college pa man din ang mga 'yon." Umiling si Yesica.

Kinagat ko ang labi at pumikit ng mariin. I feel uncomfortable everytime I remember the intense irritation and anger in his eyes. I am aware that I am at fault and I am guilty. Mukhang sobrang importante pa naman no'ng ginagawa niya at sabi ng kaibigan niya ay ngayon ang pasahan? Shit. Sobrang nakaka-guilty!

Hanggang sa mag-uwian ay hindi matanggal sa isip ko 'yon. Tina apologized to me but I know it was my fault in the first place. Kung hindi ako lumapit sa lamesa nila ay hindi 'yon mangyayari.

Si Nicus ang kasabay ko papunta sa main. Doon niya pinarada 'yong motor niya. Sumama si Tina kay Cadeo dahil may pupuntahan daw sila.

"Inom ulit sa Sabado?" Ngumisi si Nicus.

Inismiran ko siya. "Hindi ba napapagod 'yang atay mo? 'Tsaka may Practical Research tayo, 'no."

"Shit, oo nga pala." Nagkamot siya ng ulo.

Palapit na kami sa may learning hall malapit sa parking area nang mahagip ko ng tingin ang grupo ng mga kalalakihan. My eyes widened and I immediately went on Nicus' back.

"Bakit?" Nagtataka akong nilingon ni Nicus.

Yumuko ako at humawak sa damit niya. My heart is beating so fast. Damn, when did I ever get nervous around a guy? Syempre, ibang kaso 'to! May atraso ako sa tao.

"Siya 'yon..." bulong ko sabay tago pa ng mukha sa likuran niya.

"Ha?" Mukhang tanga si Nicus habang tumitingin sa paligid.

Umirap ako sa kaniya at bumuga ng hangin. I tried to peek over his shoulders. Ngumiwi ako nang makita ko ang grupo nina Axev na nag-uusap sa may hallway papunta sa K building.

Nakatigilid siya at may kausap. Nagtatawanan ang mga kasama niya pero hindi man lang umaangat ang gilid ng kaniyang labi. Hindi naman siya mukhang galit o badtrip. He's just looking serious and intimidating.

"Sino d'yan?" Sa wakas ay nagets na ni Nicus.

Nanatili ako sa likod niya. Tinuro ko si Axev na may hawak na storage tube sa kamay. Ang T-Square ay nasa balikat nito.

"Iyong may hawan na storage tube..." mahina kong sinabi kay Nicus.

"Si Axev?" He looked shocked.

Nagulat din ako sa sinabi niya kaya nilingon ko siya.

"You know him?"

Tumango siya at muling sumulyap sa banda nina Axev.

"Oo. Nakakalaro namin 'yan sa basketball 'tsaka pareho kami ng barangay. We also have the same circle of common friends." Tumawa siya.

Bonfire Hearts (LAPRODECA #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon