Chapter 47
Hinihilot ko ang sentido habang papasok ng call room. God, this is so toxic.
"Kape?"
Tiningnan ko si Dr. Jimenez na may hawak na paper cup na may kape na mukhang galing sa vending machine sa hallway. Umiling ako at dumiretso sa may bunk bed. Hindi ko na tinanggal ang gown at mabilis na dumapa sa kama.
"You have one more surgery, 'di ba?" Narinig kong tanong niya.
"Please, kahit limang minuto lang." Ungot ko.
Narinig ko ang mahinang tawa niya. Lucky for her, she wasn't on-call for the past nights. Ako? I was on-call for two nights and I still don't have a decent sleep because I had to scrub-in in two surgeries today and another one later.
Handa na akong managinip nang marinig ang padabog na pagbukas ng pinto. Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim pero hindi pa rin bumabangon. Goodness, please let me sleep! Malapit na akong masiraan ng bait o makakita ng mga hindi pangkaraniwang nilalang sa sobrang puyat ko.
"Ssshhh, nagpapahinga si Dr. Osiander. Anong problema?" Si Dr. Jimenez.
"Ayoko na!" Boses iyon ni Monica, si Dr. Garcia.
"What happened? Galing kang maternity ward 'di ba?"
"May nag-aalburutong buntis do'n tapos na-sampal niya ako! Galing akong office ni Dr. Jaime tapos pagpasok ko sa ward, nagwawala na 'yong buntis."
Bumuga ako ng hangin dahil hindi ko na magawang matulog ng tuluyan. Naiiyak ang boses ni Monica at ramdam ko 'yong frustration niya. It's really frustrating since we're still just first year residents. Nangangapa pa kaya naman sa tuwing may ganitong nangyayari ay hindi namin alam kung anong dapat gawin.
"Kaya pala namumula 'yang pisngi mo. Ba't daw nagwala?"
"I don't know!" She whined like a child before muttering cusses that would surely put her at a cliff if someone hears her.
Nagmulat ako ng mata at umayos ng higa. Tiningnan nila akong dalawa. Monica bit her lip and looked at me apologetically. Namumula nga ang pisngi niya. Well, you don't get slap in the face every day by a pregnant woman so it's really startling.
"Did she apologize?" I asked wearily.
"No. When I left she's still making a fuss." Aniya at niyukyok ang ulo sa lamesa.
Nakatinginan kami ni Dr. Jimenez. I smiled a little and stood up. Inayos ko ang buhok at kahit inaantok ay hindi na nagtuloy sa pagtulog. If I'm lucky tonight, I'll be able to go home early. I'm not on call thus I only have more surgery left.
"Hey, it's fine. You know that they're sensitive, right? You don't deserve that treatment but we really just need to embrace the suck." Tinapik ko ang balikat ni Monica.
Nakita ko ang pagtango niya pero hindi pa rin siya nag-aangat ng tingin. Napilitan akong mag-kape habang nakikinig ng recorded lecture namin no'ng nakaraang araw. While I was reading, an intern came to call for Monica. After some minutes, I went out next to the surgery I need to scrub in.
"Ano 'yan?"
I jumped on my seat when I heard Tina's voice behind me. I cleared my throat and continued scrolling. Alam kong nakita niya kung anong tinitingnan ko. I saw it by chance, hindi ko alam kung bakit nasa newsfeed ko 'yon.
"Ang ganda talaga 'no?" She smiled.
Tipid akong ngumiti at tumango. Nilingon ko si Law na abala sa paglalaro ng cellphone ko. Binalik ko ang tingin sa laptop at bumuntong hininga.