This is the last chapter before the UC and Epilogue. The Ultimate Chapter will be divided into three parts. Masyado po kasing mahaba at hindi na mabilang ang salita dahil sa maraming mga bagay na nais kong iparating sa inyo. I want to express so many things from Axev's POV. Lahat ng pagkukulang ay gusto kong punan. Thank you for being patient and joining me on this journey. See you in the UC!
Chapter 50
Kabado ako habang hinihintay ang reaksyon nina Tita at Tito. They were just staring at me and at the guy standing beside me.
They got here the other day. I gave them time to rest before I told them what I've wanted to say. Nang sinabi kong may boyfriend ako ay hindi sila makapaniwala. Tinanong nila kung sino pero sabi ko ipapakilala ko sa kanila kung gusto nila. They agreed that's why we're here now at this point of time.
Unang nakabawi si Tito pagkatapos magpakilala ni Axev. We've talked about this matter already. Na kung ano man ang magiging desisyon o reaksyon nila, sabay naming haharapin.
Ngumiti si Tito kay Axev at tumango. Lumapit ito at tinapik sa balikat si Axev. I remember back then that Tito was very fond of Axev, Tita too but after what happened to me, alam kong nagalit si Tita sa kaniya. And right now, I am relieved that Tito seemed to be cool about it... pero si Tita.
"Matatanda na kayo. Ano pa bang masasabi ko?" Tumawa si Tito. "Nagkahiwalay kayo no'n at ilang taon ang lumipas, nagkabalikan kayo. Ibig sabihin, kayo talaga."
Nanginig ang labi ko sa sinabi niya. Tumikhim si Axev at nakita ko ang tipid niyang ngiti. He looks calm but I know that he's also anxious. Hindi na niya 'yon maikakaila sa akin.
"Marta," tawag ni Tito.
Tiningnan ako ni Tita. I smiled at her a little. Huminga siya ng malalim at bumaling kay Axev.
"If Sien is happy, I have nothing more to say." Aniya.
Suminghap ako at nanikip ang dibdib.Tipid na ngumiti sa amin si Tito. May sasabihin pa sana ako nang muling magsalita si Tita.
"Mr. Manzanar, I'd like to have a word with you."
"Tita..." I butt in but Axev held my hand.
"Yes, Ma'am." He said politely.
Tiningnan ko siya. Sinulyapan niya ako at ngumiti. Hindi ko alam kung saan ako nag-aalala. Nang lumabas sila ng bahay para mag-usap ay hindi na ako naka-angal. NIlingon ko si Tito.
"Galit ba si Tita?"
Tumawa siya sa tanong ko. I pursed my lips and walked towards him. Naglakad kami papuntang dining area.
"Hindi siya galit. You know that your Tita loves you so much. She's worried because he is the same guy who hurt you before." Aniya.
Bahagya akong natigilan. I swallowed hard and looked at Tito Julius. The past can never really be forgotten, huh?
"That was before, Tito. We were young back then."
Tumango siya. "I know. At alam ko rin na mabuting tao si Axev."
Ngumuso ako sa sinabi niya. Ngumiti siya sa reaksyon ko at nagsalin ng tubig sa baso.
"He's a man of his words," he said meaningfully.
Hindi ako mapakali habang hinihintay na matapos sina Axev. Umabot yata ng dalawampung minuto ang pag-uusap nila at nang bumalik silang dalawa ay nakita ko ang seryoso ekspresyon ni Axev. He smiled when he saw me looking at him. I wanted to ask him what that they talked about but Tita was in front of us.