Chapter 17

10.7K 326 197
                                    

Chapter 17

"Malapit na graduation! Hello, college!" Ngumisi si Nicus at inakbayan si Darwin.

"Ang tanong, ga-graduate ka ba?" Pambabara ni Tina na nakatunganga lang sa kanila.

I shook my head when they started with their banters again. Lunch at nasa learning hall kami. Si Yesica lang ang wala sa amin, umuwi ito dahil may kailangan siyang kunin.

"Kamusta scholarship mo, Darwin?" Tiningnan ko si Darwin na nagbabasa ng libro.

Sa aming anim, sina Yesica at Darwin ang nag-e-excel sa klase. Kaya tutok si Darwin ngayon sa pag-aaral dahil gusto niyang makuha 'yong academic scholarship. We tried helping him in finding more scholarship offers para mas masuportahan niya ang sarili niya at makumbinsi ang mga magulang niyang hayaan siyang mag-aral dito at kumuha ng Nursing.

"Nilalakad pa 'yong isa, sana tanggapin. Kung sakaling hindi, mag-apply na ako sa student assistant. Kakayanin naman siguro ng oras ko 'yon." Tipid siyang ngumiti.

"Para sa pangarap, lahat gagawin. Huwag kang mag-alala, hahanap din kami ng paraan para makatulong pa sayo. Mag-summer job kaya tayo?" Si Tina.

We talked about that the whole lunch. Ang plano ay humanap ng summer job at 'yong sweldo ay iipunin at ibibigay sa kaniya. Tumanggi pa si Darwin dahil sobra na raw 'yon. We gave more ideas in order to help him and he keeps on resisting maybe because he doesn't want to bother us. But what are friends for?

"Hindi ka masusundo ni Axev?" Tanong ni Tina nang pauwi na kami.

Umiling ako habang nagtitipa sa cellphone. Alas kwatro ang uwian ngayon ni Axev kaso nga lang may group work silang gagawin kaya hindi niya ako maihahatid. It's fine because I'm used to it.

Kapag busy siya, hindi niya ako naihahatid at minsan hindi kami sabay nagla-lunch. But when he's free, we spend a lot of time with each other. Mas abala siya ngayon dahil malapit na ang finals at kami rin, malapit na ang final exam. Two weeks from now.

"Hindi pero daanan ko raw siya sa learning hall." Tugon ko.

Tumango siya at saglit kinausap 'yong isa naming kaklase. Naunang umuwi si Yesica. Iyong mga lalaki naman ay as usual, nasa computer shop. I'm not sure if Darwin is with them though.

"What's wrong with Yesica and Nicus? Nag-away na naman ba sila?" Tina muttered out of nowhere while we're walking towards the main campus.

"Ewan ko. Hindi naman nagpapansinan. Hindi ba talaga mag-jowa ang mga 'yon?"

"Hindi naman daw. We tried talking to Yesica, right? Alam mo namang hindi 'yon nagsasabi ng mga problema niya." Tina shrugged.

Nang makarating kami sa learning hall na katabi ng parking lot ay agad nahanap ng mata ko si Axev na kausap si Brett. Nasa isang lamesa sila at kasama ang mga kaklase niya. They seem to be discussing about something important. Nanatili si Tina sa labas ng learning hall nang nagpasya akong lumapit kay Axev.

Naglalakad pa lang ako palapit nang mapalingon siya sa gawi ko. I smiled and waved at him. May sinabi siya sa mga kaklase niya bago lumapit sa akin. I reached my hand out for him to hold and he immediately grabbed it. He smiled a little at me.

"Busy?" I asked and glanced at his classmates.

Some were looking at us but Brett being the playful one, smirked at me and acted like he's disgusted with me and Axev, holding hands. I chuckled and swung my gaze back to Axev.

"Oo, pasahan kasi sa Monday, e. Uuwi ka na ba o may gagawin ka pa?" He asked.

"Daan lang kami ni Tina sa may Saint Paul then uuwi na ako. May quiz kami bukas." Ngumuso ako.

Bonfire Hearts (LAPRODECA #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon