Chapter 6

12.3K 349 112
                                    

Chapter 6

"Frappé for Miss Sien."

Tumayo ako at naglakad papunta sa counter para kunin ang order ko. I went out of the shop and strode towards the elevator. Kagagaling ko lang din ng book store dahil bumili ako ng correction tape. I glanced at my watch and I slowed down when I still have half an hour left before my class in the afternoon.

Naglakad lang ako papunta sa university since walking distance lang naman ito mula sa mall. Tina messaged me that she'll be a bit late since her little sister is in the hospital. Sina Yesica ay nasa school na yata.

Pagkarating ko sa main gate ay naki-pila pa ako sa may ID scanner. Mainit ang daanan sa parking lot at sa may center pathway kaya dumaan ako sa may hallway ng elementary. Mas malayo nga lang ang lalakarin pero mas okay na 'yon kaysa naman mabilad ako sa araw, wala akong dalang payong.

I was busy sipping on my drink and scrolling on my phone when someone bumped into me. Muntik ko nang mabitawan ang cellphone ko. Mabilis kong dinaluhan ang batang lalaki na naka-uniform at medyo magulo pa ang lace ng ID nito. I smiled at him and helped him stand up.

"Okay ka lang?" Marahan kong tanong at pinagpagan ang damit niya.

He just stared at me, sweat dripping on his face maybe because he's been playing around. Nakita ko ang ibang mga bata sa likuran niya na naglalaro at naghahabulan sa hallway. Tinitigan ko ang mukha niya pero bigla siyang tumakbo palayo at bumalik sa mga kaibigan niya.

I smiled and shook my head. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa Lecaros. Sumabay ako sa mga tumatawid at naglakad na papasok ng Lecaros Extension.

It's been a month since the school year started. It's my last year in Senior High already. Nagkasundo kaming anim na walang lilipat ng university. May balak kasi si Nicus na lumipat sa SPUP pero napilit naman siya nina Darwin na dito na lang at sama sama kami.

"Ano ba? 'Wag kung anu ano ang tinitingnan mo d'yan!" Sita ni Yesica kay Nicus.

Magkakagrupo kaming tatlo para sa group activity sa Intro to Philosophy. We're using Yesica's laptop since siya lang naman ang nagdala at itong si Nicus, imbes na magtrabaho, nagtitingin tingin sa mga folders.

"Ang damot naman." Nicus scowled like a spoiled child.

"I'm not! Akin na nga," inagaw niya ang laptop mula rito at binuksan iyong document na naumpisahan na namin.

We started brainstorming again. Nilingon ko ang grupo nina Tina kasama ang dalawang kaklase namin. Sinita sila ng guro dahil ang ingay nila. Umiling ako at hinampas si Nicus na walang ginagawa kundi mag-drawing sa notebook niya.

"Mag-ambag ka naman!" I glared at him.

He glared back and pointed at Yesica. "Uy, nag-ambag ako, ah. Itanong mo pa kay Yes."

"Anong ambag mo? 'Yong pancit canton?"

Gumawa kasi kami sa bahay nila no'ng Saturday tas pinakain niya kami ng pancit canton. Iyon lang naman tas tumanganga na lang siya pagkatapos.

"Wow ah, parang 'di ka nasarapan." He mocked.

Muntik ko na siyang sabunutan kung 'di lang nagsalita si Yesica.

"I made him do some research." She said.

"O 'di ba? Napaka-judgmental mo talaga."

I groaned when Nicus smirked at me. Kinurot siya ni Yes at binigyan ulit ng siya ng gawain. Wala kaming ginawa kundi magtalo ni Nicus at kung wala si Yesica na sumisita kay Nicus ay baga nasakal ko na siya.

Bonfire Hearts (LAPRODECA #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon